Sa isang press conference:
"Asahan niyo po na patuloy kaming gagawa ng mga Anti-Rabies at Anti-Venom Serum para makatulong sa mga milyong-milyong tao sa buong mundo. "
( palakpakan )
"At makakasiguro po kayo na hinding-hindi tayo mauubusan ng stocks ng mga gamot. "
( palakpakan )
Pagkatapos ng palakpakan ng mga tao ay isang taga media ang nagtaas ng kanyang kamay.
"Yes? "
"Doc, wag niyo po sanang mamasamain ang tanong ko. Pero, may nakalap po kasi kaming balita tungkol sa isang Super Serum na naimbento niyo? Totoo po ba? Ano po ba ito? "
Natigilan ang Doktor sa tanong nito. Kasabay ang maingay na bulungan ng ibang tao.
"Doc? Totoo po ba.....
.....ang tungkol sa Silver Serum? "
Napadako ang tingin ng doktor dun sa gilid ng stage. Matagal itong nakatanaw doon at parang may tinitingnan na kung ano.
"Doc? "
Bumuntong hininga muna ito bago humarap uli sa Media at nagsalita.
"Yes.....
.....totoo ang tungkol sa Silver Serum. "
-mhonvondeasce09-
![](https://img.wattpad.com/cover/188421000-288-k508795.jpg)
BINABASA MO ANG
SILVERWOLF
WerewolfMHON'S HEROES SERIES #2 HERE COMES THE MOON'S BEAST! SA KAGAT NG ISANG SUPERDOG, AY MAGBABAGO ANG BUHAY AT ANYO NG ISANG TAO. -mhonvondeasce09-