WATERFALLS PART 2

485 11 0
                                    

CHRIS POV

( 30 minutes ago..... )

Pagkalabas namin ng Resort House ay isinakay ko agad si Daddy sa aking kotse. Ini-upo ko siya sa tabi ng driver's seat.




"SIR?! "




Nang sasakay na ako sa kotse ay biglang sumulpot sa kung saan yung dalawang tauhan ni Daddy na kausap ko kanina.

"What? "

"Sir?! Paano kami?! Ayaw pa naming mamatay?! Maawa kayo Sir?! "




Bumuntong-hininga ako.

"Naitanim niyo na ba ang mga bomba? "

"Opo Sir. Kanina pa po namin nailagay sa buong kabahayan. "

"Pagkaalis namin ay pasabugin niyo na ang lugar na ito. Maliwanag? "

"Eh Sir, Paano kami? "




Bumunot ako ng 1000 pesos sa wallet ko at iniabot dun sa dalawa.

"Oh eto. Pamasahe niyo. "

"Naku Sir, salamat po. "




Pinaandar ko na ang kotse at umalis na ng lugar na iyon.




Habang nagmamaneho ay biglang hinawakan ng ama ko ang aking balikat. Agad akong napapreno.

"Dad, wag ka munang gumalaw. Malala ang sugat na natamo mo. Dadalhin na kita sa hospital par--- "

"H-hindi, d-dalhin mo a-ako kay M-Mr. Romero. "

"Huh?! Bakit sa kanya?! "

"B-basta, sa k-kanya mo a-ako d-dalhin?! "

"No Dad. Kailangan mong magamot sa hospit----- "

"CHRIS !!! "




Nakaramdam ako ng takot ng makita ko na naman ang dilaw na mga mata ng aking ama.

"Dad? "

"Basta sundin mo ang inuutos ko at wag ka nang kumontra pa! "




Natigilan ako sa pagbabago ng ugali nito.

"O-okay. "




Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.




Pinaandar ko na ang kotse at nagtungo sa kinaroroonan ni Mr. Romero.








OTHER POV

"Oh hati tayo sa 1000 ha?! Hating-kapatid. "

"Oo naman, 60% sa akin, 40% sa'yo. Hating-kapàtid yun. "

"Anong 60%? Anong 40%? Ayoko ng ganun. Di ko alam yun. Atsaka parang lugi ako. 60 sa'yo, 40 sa akin. "

"Okay ganito na lang. 40% sa'yo, 60% sa àkin. Ano, okay na ba? "

"Yan! Gànyan. Walang dayaan! "

"Oo naman. Walang dayaan. ( evil smile ). "

"Oo nga pala, nasaan na yung switch nung bomba? "

"Nandito sa akin. "




Nilabas nung lalaki yung switch mula sa bag nito.

"Ano? Papasabugin na ba natin yang bahay? "

"Sige, para mamatay na yung halimaw sa loob. "

"Ikaw na pumindot. "

"Bakit ako? "

SILVERWOLFWhere stories live. Discover now