CHAPTER 30: LIGHTDARK

670 13 0
                                    

EIJI POV

"Eto oh. "

Nanlaki ang aking mga mata.

"Yung bracelet? "

"Oo, ibinulsa ko nung dumating si Chris. "

"Naku, Maraming salamat. Akala ko mawawala na ito. "

"Oh, kunin mo na. "

"Sa'yo na muna. "

"Huh? "

Isinuot ko yung bracelet sa wrist niya.

"Ibalik mo na lang ulit sa akin kapag naayos na natin ang lahat. "

"O-okay. "


Naalala ko ang pag-uusap namin na 'yon ni Liam habang pinagmamasdan ko ang suot kong bracelet.


Hindi ko inakalang tanging yung bracelet na lang ang makakabalik sa akin.


Nang matapos ang nangyaring kaguluhan ay ito ang mga naganap:

Dinala ang katawan ni Conrad sa NBI para suriin ang bangkay nito ngunit agad din itong ipinatigil dahil sa paglitaw ng isang nagpakilalang kamag-anak ng namatay.

Kinuha nito ang bangkay ng Doktor at nabalitaang dinala iyon sa ibang bansa.


Nakulong si Chris ngunit agad din namang nakapagpiyensa sa tulong na rin ng abogado nito.

Nang makalaya ay nagtungo rin ito sa ibang bansa upang magbakasyon, daw?


Maging si Mr. Romero ay nawalang parang bula.


Nagkaroon naman ng isang linggong lamay sa isang musileo na inupahan ng pamilya Piguing.


Isang linggong burol pero ni isang araw ay hindi ako pumunta.


Pumunta lang ako sa araw ng libing ni Liam pero di ako lumapit o nagpakita sa kanila.


Nakita ko pa ang Nanay ko at si Eya. Pati si Sir Bolante.


Kasalukuyan ako ngayong nagtatago sa isang puno malayo roon.

Nakatanaw.

Nakamasid.


Nakasuot din ako ng jacket na may hood para di ako makilala.


Nang inilabas ang kabaon ni Liam ay napaluha ako.


Tama si Chris. Pinagdudusahan ko sa bawat araw na magdaan ang nangyari.


Halos di ako makatulog. Gabi-gabi kong napapanaginipan si Liam at ang duguang katawan nito.


Nilalamon ako ng guilt at kalungkutan. Halos minsan ay ayaw ko nang matulog.


Dagdag pa ang pagtatago ko dahil sa hanggang ngayon ay tinutugis pa rin ako ng mga pulis at sundalo.

Ang dahilan niyon ay ang halimaw sa loob ko.


Di pa tapos ang libing ngunit nilisan ko na ang lugar na iyon.


Hindi ko kasi kayang makita, na ihahatid na sa huling hantungan si Liam.


Wala ako sa sarili kaya habang naglalakad ay may nakabungguan akong lalaki.

Nagkatinginan kami.

"Sorry. " sabay iwas ko ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad.


Ngunit napatigil ako ng biglang magsalita yung lalaki.

"Ang mga mata mo, kakaiba? "


Kinabahan ako at agad napalingon rito.


Nagpatuloy naman na sa paglalakad yung lalaki palayo pero nakakapagtaka pa rin yung mga sinabi niya.

Di ko na pati nakita ang mukha nito.


Ngayon ko lang din napansin na may kasama itong batang babae na nakahawak sa kamay niya.


Nagtataka man eh nagkibit-balikat na lang ako at umalis na.






LEANDRO POV

Pagkatapos ng libing ay nag-alisan na ang mga tao.


Nagpaalam na rin ang Nanay at kapatid ni Eiji. Pati si Sir Bolante.


Ako naman ay nakatayo at nakatitig lang sa puntod ng aking anak.

"Ah Kuya, mauna na ako sa bahay. Aasikasuhin ko pa ang mga bisita. " sabi ni Jemy.

"Oo, Sige. "

"Eh, ikaw? "


Napabuntong-hininga ako.

"Gusto ko munang mag-stay dito. "


Naintindihan naman ako ng aking kapatid.


Bago siya umalis ay niyakap niya ako ng mahigpit.


Pagkaalis niya ay lumapit naman sa akin ang aking sekretarya.

"Sir? "


Napalingon ako rito.

"Ikaw pala. "


Nagkaroon kami ng katahimikan.

"Ahm, Sir? "

"Hm? "

"N-Nakita ko po si Eiji kanina? "


Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya.

"Alam ko. "


Napatingin ako dun sa punong pinagtataguan kanina ni Eiji.

"Ganun po ba. Eh ano na pong balak niyo sa kanya? "


Napabuntong-hininga ulit ako.

"Ako nang bahala sa batang iyon. "


Napatango na lang ito.

"By the way, Gusto ko pa lang magpasalamat sa lahat ng naitulong mo sa amin. "

"Naku Sir, wala po iyon. "

"Kung gusto mong humingi ng bakasyon ay papayagan kita. Pero 1month lang, okay na ba yun Ms. Aerah? "


Nagtaka ako dahil natigilan at napanganga ito. Nabigla yata sa sinabi ko.

"Bakit? Ayaw mo bang magbakasyon? "

"Hindi po iyon. Nagulat lang ako dahil binanggit niyo ng tama ang pangalan ko?! Nakakatuwa naman?! "


Nangunot ang noo ko.

"Huh? Lagi bang mali ang tawag ko sa'yo? "

"Lagi po. "

"Ganun ba? Hayaan mo, tatandaan ko na ang pangalang Aerah. "

"Eh Sir, baka naman Aerah na ang itawag mo sa lahat. "


Nagkatawanan kami.

"Alam mo Sir, masaya na si Liam kapag nakikita ka niyang ganyan. Nakangiti. "


Tipid akong napangiti.

"Siguro nga. "



Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Isa itong international call.

"Excuse me. " paalam ko sa aking sekretarya.


Saka ako lumayo upang sagutin yung tawag.

"Hello... Anak.........


........... Lian. "






---story end---






-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon