SILVERWOLF PART 2

468 11 0
                                    

MR. ROMERO POV

Hindi kami agad dumiretso sa Lab. Bagkus ay nagtungo kami sa may Security Room.




Dun ay walang habas na pinatay ni Conrad ang lahat ng guard at personnel na nandun.




Pagkatapos ay pinanuod namin sa CCTV monitor ang mga nagaganap sa loob ng Laboratory.

"I want that Serum. " tukoy nito sa gamot na itinurok ni Leandro dun sa halimaw.

"Huh? Para san pa? "




Ngumiti lang ito sa akin at tinapik ako sa balikat. Saka ito lumabas ng silid na iyon.




Napasunod na lang ako sa kanya.








LEANDRO POV

"Ang galing. " sabi ko habang sinusuri yung hita ni Eiji na sinasaksak ko kanina.




Nakaupo ito sa kama habang si Liam naman ày nakatayo sa gilid namin.




Nawala kasi na parang bula ang sugat niya.

"Anong nangyari sa sugàt niya, Dad? " tanong sa akin ni Liam.

"Isa sa mga good effects ng Silver Serum, ang Cell Regeneration or Cell Healing. Pero sa tingin ko eh nangyayari lang ito kàpag nasa form ka ng........ "

"Silverwerewolf! "




Napatingin kaming tatlo kay Dr. Benito.

"Ah, ano kasi? Taong lobo siya tapos kulay Silver. Kaya, ang magandang itawag sa kanya eh Silverwerewolf, di ba astig? "




Napailing na lang ako sa kalokohan nito.

" Sa tingin ko eh nangyayari lang ang Cell Healing kapag naging.....




.....Silverwolf? Daw? ikaw Eiji. "




"Mangyayari ba ulit yung Cell Healing na sinasabi niyo? " si Eiji.
"Gusto mo eh subukan natin?! "




Biglang naglabas ng kutsilyo si Dr. Benito at akmang sasaksakin nito si Eiji.

"No?! No?! Hindi na kailangan. " sabi ko.

"Please lang, lumayo ka sa 'kin?! " sabi ni Eiji.

"Tumigil ka ha?! " sabi naman ni Liam.

"Joke lang, kayo naman. Hindi kayo mabiro. Ha... Ha... Ha... " sabay hagis ni Dr. Benito sa kutsilyo.








EIJI POV

"Paano mo nagawa yun? "




Napatingin ako kay Liam.

"Ang alin? " taka ko.

"Ang hindi ako saktan? Ang pagkatiwalaan ako? "




Napakibit-balikat ako.

"H-hindi ko alam? Pag nagiging... "

"Silverwolf? " nakangiting sabi ni Liam.




Napangiti na rin ako sa ibinansag sa halimaw.

"Pag nagiging 'Silverwolf' ako ay wala na akong maalala. Para akong nakakulong sa madilim na kwarto. Pero nakakarinig ako ng mga sigawan? barilan? At kung anu-ano pa? Mananaginip ako ng mga imahe. Hindi ko lang alam kung totoo ang mga iyon? Pero, alam mo bang minsan, imahe mo ang nakikita ko. "

"Maigi yun, nakikilala mo pa rin ako. "

"Ako ba ang nakakakilala sa'yo o si Silver. "




Napangiti si Liam. Tapos ay inakbayan ako nito.

"Wag kang mag-alala. Tapos na ang lahat. Magaling ka na. Wala na ang Silverwolf. Makakabalik ka na sa dati mong buhay. Ganun din kami. "

"Sana nga. "




Hinagkan ako nito sa pisngi. Tapos ay lumapit na ito sa kanyang ama.




Napangiti ako.

Pero nagulat na lang ako ng bigla na lang akong yakapin ni Dr. Benito.

"Ah... "

"Ay naku, sorry? " bitaw nito sa akin.




Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Oh my golly?! Alam mo isa kang 'one of a kind' Ang astig nung ipinakita mo sa amin. Ikaw ang nagpapatunay na ang Siyensya ay kahanga-hanga. Proud na proud kami ni Leandro sa'yo. Ha... Ha... Ha... Isa kang alamat?! Isa kang kayamanan ng bansa?! Isa kang... "




Isa na lang talaga, papatulan ko na ang sira-ulong ito.

"Dr. Benito, tama na 'yan. Aalis na kami at baka maabutan... "




C R A S H !




Bigla na lang nasira ang pinto ng Lab at bumungad sa amin ang taong hindi namin inaasahan.

"Conrad?! " bulalas ni Dr. Leandro.

"Buti naman Leandro at NAAALALA MO PA AKO! "




Inihagis nito ang doktor.

"Dad?! "




Sinugod ni Liam si Conrad pero pinatalsik lang siya nito. Buti na lang at sa kama ito bumagsak.

"Ikaw?! "




Sumugod rin ako at sinuntok ko siya sa mukha. Kaso, hindi niya ininda yun. Ako pa ang nasaktan.




Ngumisi lang ito. Tapos ay sinakal ako nito at inangat gamit lang ang isang kamay.

"Ngayon mo ilabas ang halimaw na yun! "




Halos hindi na ako makahinga. Feeling ko eh katapusan ko na.

"H-hindi na siya magiging halimaw?! " sabi ni Dr. Benito habang nakaluhod ito at nakataas ang kamay.




Isang lalaki ang nasa likod niya at tinututukan siya ng baril.

"Tinurukan siya ni Dr. Leandro ng Anti-Serum na nagde-deactivate ng Silver cells. Pinapatay nito ang active power cells na nasa katawan ni Eiji. Kaya wala na ang halimaw na Silverwolf. "

"Silver... Ano? " sabi nung lalaking nasa likod niya.

"Ah, Silverwolf. Yun ang tawag ko sa halimaw. Kasi taong lobo siya tapos eh kulay silver. Silverwerewolf sana, kaso mas madaling pakinggan kung Silverwolf sabi ni Dr. Lean------- "

"Manahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo?! "

"So-sorry na?! "




Binitawan naman ako ni Conrad. Nanghihinang napaluhod ako sa sahig.

"So, wala ka na palang silbi ngayon. " sabi nito.




Tatayo sana ako pero ng mapatingala ako sa kanya ay bigla niya akong sinuntok. Dun na ako nawalan ng malay.








-mhonvondeasce09-

SILVERWOLFWhere stories live. Discover now