Chapter 11

8.2K 36 0
                                    

Hullo everyone! Check out my newly published story na 'My Husband's Brothers'. Heavier spg siya than Pleasure. Good day!

Aera Isabelle

Lumaki ako na medyo malayo ang loob kay Aaramon. Oo medyo lang, madalas kasi siyang wala pero kapag nandito siya sa tabi ko ay bumabawi naman siya sa akin. Since noong nagkaisip na ako ay doon na kami nagkaroon ng Father-daughter-saturday-bonding na drama. Nanonood kami sa sine, eat dinner on a high class restaurant, movie marathon, binibisita ang puntod ni Airah Elizabeth Davies-Flores na aking ina. He may be out for months or weeks pero bawing-bawi naman siya sa effort kapag nagba-bonding kami.

I never told him that I love him. I always had this feeling kasi na masyadong childish ang pagsabi ng I love you kay Aaramon. He's my only family. I never had the chance to meet any of my grandparents dahil they died long before I was born. Pareho na only child si Mama at Aaramon kaya naman I don't have any cousins, aunts or uncles.

I gazed intently into his pale face. The last time I saw him, he still have his infamous grin and rosy skin na tinalo pa ako sa kinis ng balat. Ngayon just staring at his face, malalaman mong may dinadala siyang mabigat na pakiramdam at nahihirapan siya. Nakakunot ang noo niya kahit na tulog na siya at sobrang tamlay ng itsura niya.

Ayoko pa siyang mawala sa akin. Not now na magkaka-apo na siya. Huwag ngayon kung kelan ko siya pinaka-kailangan.

Tulala lang ako habang nakaupo sa tapat ng hospital bed ni Aaramon.

"Doc! Ano po ba talagang nangyayari kay Dad?" I asked worriedly. Pagkasabi ng Doctor na nailipat na sa isang private room si Aaramon ay nagpaalan na si Trojan na siya na muna ang magbabantay kay Aaramon at sinundan ko naman si Doctor Gomez para makausap.

"It is pretty usual for Mister Flores to faint due to his stress and the fact that his body is getting weaker because of age. Though this time, he may have pushed himself off to his limits. " my world crashed. Ano 'to? Bakit wala akong alam sa nangyayari kay Aaramon?

Umuwi na muna ako para makakuha ng gamit at para makapag-paalam narin kila Tito Trevor at Tita Marina.

Nasa kwarto ako ni Aaramon ngayon and I felt something nostalgic just staring at his room. We do have alot of memories in this room. Nakakairita nga lang dahil ang emo ko ngayon, not the usual me with a goofy smile and bubbly aura.

Which is pretty unusual.

Susmiyo! Nahahawa na ako sa page-english ni Tamsin Prue ng Dirty And Wild Us!

Napatalon ako sa gulat nang may nahulog na isang kahon mula sa itaas ng bookshelf ni Aaramon. Punulot ko ito at napansin ko ang ibang laman ng kahon na nahulog. Scrapbook? Nababakla na ba si Aaramon kaya siya gumagawa ng scrapbooks? Pansin kong sandamakmak na scrapbook ang laman ng kahon. Out of curiosity ay binuksan ko ang isa sa mga scrapbook at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng isang hindi pamilyar na tao. Sobrang ganda niya, parang diyosa. Sa gilid ng picture ay may nakasulat na 'I love you - AE'. Nang ilipat ko ito sa next page ay nagulat ako dahil may litrato ng nakangiting si Aaramon, sa tabi niya ay ang babae na naman kanina sa first page na may bitbit na sanggol.

"Our first baby, soon to be followed." pagbabasa ko sa note sa ibaba. May maliit na sulat pa na nakalagay na The fruit of Aera Isabeth couple <3.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. I felt sadness and betrayed. Ang sabi ni Aaramon ay namatay si Airah dahil sa panganganak sa akin pero ano 'to? Bakit may family picture kami hanggang sa mag-four years old ako? Na-scan ko na lahat ng scrapbook at narealize ko kung sino ang babaeng may mala-diyosang mukha.

Siya si Airah Elizabeth, ang ina ko.

Habang tinititigan ko ang litrato namin nila Aaramon at ni Airah ay hindi ko maiwasang maguluhan, bakit kailangan pang itago ito sa akin ni Aaramon? At bakit siya nagsinungaling sa akin?

Imbes na kumuha ng mga damit ni Dad ang gawin, naghanap pa ako sa buong kwarto niya ng mga bagay na itinatago niya sa akin. Hindi ako nagkamali sa paghahanap dahil may nakita akong maliit na box na may laman na flashdrive sa ilalim ng higaan niya. May label na 'AE - 2013,' sa takip ng kahon. At kahit kinakabahan ako ay pumunta ako sa kwarto ko at in-on ang laptop ko. I plugged the flashdrive at nagpakita ang sandamakmak na videos at litraro. Kung isang ordinaryong araw lang ito ay iisipin kong porn collections ito ni Aaramon. But now is not the time to joke around.

I opened one of the files at nag-play ang video. Then there's Tita Marina but she looks younger. Nakatayo siya sa harap ng isang bahay kasama ang isa pang babae na nakatayo sa tabi niya. Awtomatiko naman na nag-zoom ang view at nagulat ako nang makita kong si Mom pala ang kasama ni Tita Marina. Pero mas lalo akong nagulat nang may lumabas na lalaki mula sa isang bahay at nilapitan si Mom at hinalikan pa siya. Nangunot ang noo ko dahil ng titigan kong mabuti kung sino ang lalaking yon.

Hindi siya si Aaramon.

Nang i-exit ko ang video ay ni-check ko naman ang mga pictures. At mas nangunot ang noo ko dahil lahat sila ay mga picture ni Mom kasama ang lalaki kanina sa video. May mga naghahalikan na pictures at mayroon ding holding hands. Pero ang pinaka-ikinagulat ko ay ang huling picture na may buhat-buhat na batang lalaki si Mom. Kasama niya pa rin 'yung lalaki and they seemed like they're a happy family.

Hindi ko na kayang tingnan ang mga pictures kaya naman ni-log off ko na ang laptop ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako umiiyak. Gulong-gulo sa nangyayari at sa mga nalaman ko.

Hindi namatay si Airah sa panganganak sa akin, nanlalaki si Mom. At hindi ito sinabi sa akin ni Aaramon para lang protektahan ako.

I cried silently in my room, iniisip ko kung bakit kami iniwan ni Mom. Kung bakit mas pinili niya 'yung lalaking iyon kaysa sa amin ni Dad.

Itinago ko na muna ang flashdrive sa drawer ng bedside table ko, nag-ayos ng mga gamit at pumunta sa ospital.

Gusto kong komprontahin si Aaramon tungkol sa mga nakita at napanood ko. Gusto ko siyang paaminin kung ano ba talaga ang nangyari kay Mom at sakanya, at kung bakit kailangan pa niyang magsinungaling sa akin.

I need answers.

PleasureWhere stories live. Discover now