Chapter 13

6.7K 34 2
                                    

Thank you for the votes and for adding this to your library! Here's an update. Sorry sa slight delay, I was busy on my summer job hehe. Anyway, enjoy the update!

Aera Isabelle

"Honey ito pa oh."

"Ito pa, kailangan 'to."

"Last na 'to."

"Ay ito pala yung last."

"Last na talaga 'to."

Two months na ang naka-lipas matapos ang panggagahasa ko kay Trojan sa laundry room. At limang buwan narin ang nakalipas nang isinugod sa ospital si Aaramon. Limang buwan na akong nagdadalan tao at lumalaki narin ang katawan ko pero kabaliktaran ang nangyayari kay Aaramon. Lalo pa siyang pumayat at nanghina, nag-aalala na ako sa kalagayan niya at nasasaktan rin at the same time. Kaya hindi na ako nagpapakita sakanya, last time na nakita ko siya ay noong last month. Sobrang nanghihina na siya at hindi na maimulat ang mga mata, ilang syringe ang itinusok sa katawan niya at ilang daing rin ang narinig ko. I ended up crying in my room.

Hindi ko siya kayang makita.

It cuts my heart whenever I see Aaramon despairingly lying on his bed. Just like what had happened about an hour ago nang binisita ko na naman siya sa bahay. Nasa labas lang ako ng kwarto ni Aaramon pero umiiyak na ako dahil sa mga malalakas na daing niya.

But I, being Aera Isabelle tried to shove away those emotions. Hindi ako nagpaka-nega at stay positive lang ako dahil kapag na-over emotional daw ako ay makakasama sa aking pagbubuntis.

Itinuon ko na muna ang atensyon ko sa pagbubuntis ko. At kahit na medyo mahirap para sa akin na lumayo muna kay Aaramon ay ginawa ko, kahit na walang kwenta minsan iyang ama ko mahal ko parin siya. At nahihirapan talaga ako na makita siya kaya lumipat muna ako sa bahay nila Trojan. Somehow ay nalimutan ko muna ang problema ko kay Aaramon dahil sa mga ginagawa nila Tita Marina at Tito Trevor. Lagi rin akong binibisita ng mga kaibigan ko kaya at inaaliw ako. And I am thankful narin dahil nandyan sila lalo na sa oras na kailangan ko sila.

So, kanina pa kami paikot-ikot ni Trojan sa mall at bumibili kami ng mga gamit ni baby. And take note, hindi ako ang bumibili kundi si Trojan. Excited talaga siya sa pagiging ama dahil kanina pa kami labas pasok sa mall; naglalagay ng mga pinamili na gamit tapos babalik ulit sa loob para bumili na naman sa kabilang store.

"Honey diba kakailanganin 'to kapag kakain?" kumuha si Trojan nang limang box ng Cereal na pambata. I pulled my hair mentally. Mas excited pa siya kaysa sa akin sa paglabas ni baby. Kaka-six months pa lang ng tiyan ko at bukas pa kami pupunta kay Doctor Reyes para malaman ang gender ng anak namin ni Trojie baby.

Lahat ng binili ni Trojan na gamit pam-baby ay panglalaki kahit na wala pa kaming ideya kung ano nga ba ang kasarian ng anak namin.

"Susmiyo! Kanina pa tayo paikot-ikot sa mall Trojan! Baka manganak ako sa counter nito!" litanya ko pero parang walang narinig si Trojan at patuloy parin sa pagbili ng mga gamit. Kung bumili nalang sana siya ng sandamakmak na Viagra natuwa pa ako. Kaso heto siya't bumibili ng mga gamit na hindi naman sure kung ito ba ang tama para sa anak namin.

After ng limang stores na pinasukan namin ay napagod narin si Trojan at naisipang kumain na muna kami sa isang restaurant. Umupo kaming dalawa at pinulot ko na kaagad ang menu dahil gutom na gutom na talaga ako.

Feeling ko ay maduduwal ako sa mga nabasa ko sa menu. Fried Sue Keh, Ta-eh, Brown Chocolate topped with Lengew, Ispoyld Pud, Pan Ess, at Poop Shake.

Walang hiyang mga pagkain naman 'to.

At the end ay kumain kami sa Restaurant na pagmamay-ari ng ninang ni Eya. Sakto namang nandoon ang buong barkada kaya naman naki-upo na kami ni Trojan sakanila. Labis akong natuwa nang makita ko si Josh. Ang baklang friend namin na matagal ng hindi name-mention sa kwento ko dahil busy siya sa paglolollipop ng boys---de jk matinong baklita itong si Josh. And yes, siya ang pinaglilihian ko. Sad life, baka maging bakla ang anak ko.

PleasureUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum