Chapter 12:The Element Cave Meeting the Elements Lords part 1

2K 42 0
                                    

Tamara Pov.

Narito nga kami sa sinasabing lake ni Alesya,"mag-iingat ka Empress,"tumango ako sa sinabi nya isang lubo ang lumamon sa buong katawan ko at pumasok sa karagatan,madilim ito pero may nasilayan din akong liwanag.

Nawala ang lubo ng makalapag ako sa lupa na walang tubig tinahak ko ang liwanag na nakita ko at sa paglabas ko walong daan ang bumungad sa akin,humugot muna ako ng malalim na hininga at tinahak ang unang daan.

Pumasok ako sa isang pinto at lamig ang bumungad sa akin bigla naman akong napatingin sa likuran ko ng sumara ang pintong pinasukan ko kanina,"tulad ng aking inaasahan,"napalingon ako sa nagsalita isang babaeng nakalutang sa ere,"masaya akong ako ang una mong napiling puntahan ako si Wace ang reyna ng tubig at yelo."

Tahimik lamang akong nakikinig sa kanya kakaiba ang awra nito,"handa kana ba sa unang pagsubok?,"nakaramdam ako ng kaba pero tumango ako,"mabuti sa isang oras gusto kong pigilin mo ang iyong paghinga,"unti unting nabalot ng tubig ang buo kong katawan at Hindi ako makahinga.

Para akong sinasakal dahil nasa loob ako ng tubig gusto kong makawala pero hindi ko magawa,ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at niyakap ang tuhod ko.Pinakalma ko ang sarili ko at hinayaang maputol ang hininga ko.

Napamulat ako dahil naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko mula sa lupa,"magaling magaling magaling,"sabi ni Wace,"at ngayon ang susunod na pagsubok mo ay ang harapin ako."

Ang lupa ay binalut ng ice nasyang dahilan na mas lalong nakaramdam ako ng lamig hindi agad ako nakapagreact ng isang ice hammer ang lumapit sa kinaruruunan at hinampas ako,tumalsik ako at may dugong lumabas sa bibig ko,isang ice arrows ang papalapit sa akin sinubukan kong umilag pero may mga tumama sa akin,"mahina,"tipid na sabi ni Wace.

Napadaing ako sa sakit ng magsimulang dumugo ang mga sugat ko sinubukan Kong tumayo pero tinamaan akong muli ng ice hammers unti unting nanlalabo ang mata ko at inuubo ubo ako ng dugo isang patak ng luha ang tanging lumabas sa mata ko paano ko maipaghihiganti si Andra mou kung mahina ako,"ang mahihina lamang ang umiiyak wala ka nalang bang gagawin?gusto mo bang mamatay ng di mo man lang naipaghihiganti ang taong pinakamamahal mo?kung ganun ako na ang tatapos sayo."

Hindi!hindi ako pwedeng mamatay,nakita kong lumikha si Wace ng isang matalim na espada na gawa sa ice at may tubig na pumapalibot rito at mabilis syang lumalapit sa kinaruruunan ko ng bigla na lamang huminto si Wace sa paggalaw ng kuminang ang buong paligid.

Kusang tumaas ang katawan ko sa ere at isang pakpak na gawa sa ice ang lumabas sa likuran ko ang buhok ko ay naging kulay blue pati narin mata ko.

Lumipad si Wace sa akin at itutusok na sana ang ispada nya ng pigilin ko ito,ramdam ko ang pagdampi ng tulis nito sa diliri ko pero walang epekto sa akin,nawasak ang ispada at tumilapon si Wace sa malayo,"tama nga ang kanyang sinabi sa amin,"sabi nito at tumayo tyaka yumuko,"aasahan mo ang aking katapatan at kasama mo ako sa iyong laban,"kalaunan ay naglaho si Wace at umilaw ang noo ko.
-
Nagpahinga muna ako bago tuluyang pinasok ang susunod na daan nawala narin ang pakpak sa likuran ko pero tanging ang guhit sa noo ko ang naiwan.

Nang mabawi ko ang lakas ko tinahak ko na ang daan at pumasok sa pintuan bumungad sa akin ang mainit na temperatura,"sadyang sya ay mahina upang makalagpas ka sa kanyang mga kamay,"isang matandang lalaki ang nakaupo ngayon sa isang apoy na upuan,"ako si Ferrell ang hari ng apoy."

Tatlong dragon ang nagpakita sa kanyang tabi at gawa ito sa apoy,"hindi ko na patatagalin ito kaya humanda ka sa katapusan mo,"isang dragong apoy ang mabilis na lumapit sa akin at iwinasiwas ang kanyang puntot,may mga bulang apoy ang patama sa akin pero naiwasan ko ito hanggang sa matamaan ako ng matulis na bagay na likha ng dragon.

Mated To The EmperorWhere stories live. Discover now