Chapter 13:The Element Cave Meeting the Elements Lords Tamara vs Arc part 2

1.8K 39 0
                                    

Tamara Pov

Ngumisi si Wair ang hari ng hangin at biglang lumindol sa buong silid at ang hangin na pumapalibot paikot ay naging isang malaking ipo-ipo,dahil sa lakas nito nabibitak ang ilang bato at hinihila ito pasama sa ipo-ipo maya maya ang katawan ko ay kinuha narin nito.

Pilit kong hinanap ang kinaruruunan ni Wair dahil nakakulong ako ngayon sa ginawa nyang ipo-ipo,"ano suko ka naba?nagsisimula palang ako,"rinig kong sabi nito pero hindi ko alam kong nasaan sya.

Hilong hilo na talaga ako pero kailangan kong tiisin ito hindi ako pwedeng sumuko nalang ngayon pang malapit ko ng matapos ang misyon ko,pinakiramdam ko ang paligid at inisip kong wala akong naririnig na kahit ano.

Parang biglang humiwalay ang isip ko sa katawan ko dahil nakikita ko ang kaganapang nangyayari sa labas ng ipo-ipo hanggang sa nakita ko ang lokasyon ni Wair,binuksan ko ang mata ko at nag-ipon ng inerhiya hanggang sa mawala ang ipo-ipo.

Isang malakas na hangin ang ngayon ay humihila kay Wair at hindi ako naaapektuhan,gamit ang kamay ko ininangat ko sya pero agad din itong nakawala at biglang naglaho,tumahimik ang buong paligid kaya pinakiramdam ko ulit.

Nagulat ako ng umangat ang katawan ko mula sa lupa at hindi rin ako makahinga na parang may sumasakal sa leeg ko pilit kong gustong kumawala pero hindi ko malaman laman kong nasan nagtatago si Wair,gumawa ako ng hangin tyaka pinaikot sa buong paligid tanging sa harap ko ang hindi natamaan at sinangga ang hangin na gawa ko.

Gamit ang isang kamay ko nagpalabas ako ng yelo sa lupa at binalot ng ice ang buong paligid,bumagsak ako mula sa lupa ng kasamang balutin ng yelo ang katawan ni Wair.

Maya maya lumiwanag ang buong paligid at nabitak ang yelo sa katawan ni Wair bumaba ang katawan nito na ngayon ay nakangiti na at pormal na yumuko,"paalam na sana magkita tayong muli,"tulad sa mga nauna umilaw ang noo ko at unti unti naring nabubuo ang tattoo rito.

Napatingin ako sa tatlong daan,tatlong daan nalang ang natitira kaya lakas loob akong lumapit at pumasok sa isa pang pinto,pagtapak ko akala ko mahuhulog na ako pero pagtingin ko nasa kalawakan ako at kusang lumulutang ako,"kanina pa kita hinihintay inip na inip na ako,"isang babae ang nagpakita sa akin at sa likuran nito ay isang bato na halimaw,"ako nga pala si Gravyth ang reyna ng gravity at ito naman si Gray ang kaibigan ko."

Bumigat ang braso ko na parang hinihila ito ng tamaan ako ng batong parti ni Gray,"kapag tatamaan ka ng bato ni Gray magiging mabigat ang pakiramdam mo at wala ka naring mararamdaman," napahiyaw ako sa sakit ng madaplisan ang tagiliran ko ng matamaan akong muli kaya mas lalong bumigat ang nararamdaman ko,"Alam mo ba na ang gravity ay nakakapagpalabas din ng isang kidlat dahil pahagi ito ng kalawakan."

Isang napakabilis na kidlat ang patama sa kinaruruunan ko ngunit kahit na hinihila ng gravity ang katawan ko ay nagawa ko pa rin itong naiwasan ngunit kasabay din ng pag iwas ko ay ang pagtama ng isang pang kidlat sa likod ko agad akong napahiyaw sa sakit dahil pakiramdam ko ay naipit lahat ng ugat ko sa likod,"Susuko ka nalang ba?diba may misyon ka pa pero bakit parang ang hina hina mo parin."

Nagpakawala syang muli ng mga bato na galing kay Gray at kidlat na inatake ako,hindi ko maigalaw ang sarili ko kaya ang isang kamay ko ang gumawa ng barriers na gawa sa bato pero nababasag din sa lakas ng kuryenteng tumatama rito.

Huminga ako ng malamin at pinalibutan ko ng ice ang katawan ko unti unti kong nararamdaman na nakalamigan ang buo kong katawan,maya maya natunaw na ang ice at naigalaw ko na ang buong katawan ko.

Isang kidlat ang papunta sa akin tinitigan ko ito at ilang sandali pa bumalik kay Gravyth ang kidlat nakailag naman ito,nagulat ako ng nakagawa ako ng kidlat at ipinatama ito kay Gray na nawasak na sa maliliit na bato Nagteleport ako papunta kay Gravyth at hinawakan ko ang kamay nya,napasigaw sya dahil sa pagkabali ng kanyang kamay kaya agad ko na syang sinikmuraan at tinadyakan ng sobrang lakas dahil doon tumalsik sya ng malayo.

Lumipad sya palapit sa akin wala narin ang kanyang galos sa katawan tyaka yumuko sya sa akin bago nawala ng parang bula,umilaw muli ang aking noo at isang bola na may ibat ibang kulay at merun din itong guhit ng kuruna.

Umalis ako sa daan nayun at tinahak ang isa pang daan,wala akong ibang nakita maliban sa isang ispada na nakaturok sa isang bato lumapit ako mula roon at unti unting hinila ang ispada.

Sa paghugot ko nito lumiwanag ang paligid at isang kulay blue na ibon ang nasa harapan ko,hanggang sa isang blue flames na pakpak ang lumabas sa akin ng sumanib sa akin ang ibong iyon.

Kinuha ko ang ispadang yun at tinahak ang panghuling daan isang napakalinis na dagat ang nakita ko kulay blue ito at pinapaligiran ng magagandang bulaklak,kusang naglakad ang mga paa ko papunta roon at lumusong.

Naramdaman ko na unti unting naghihilum ang mga sugat na natamo ko at bumalik ang inirhiya ko,lumusong ako sa hi udagat at nagpahinga sa malaking puno.

"Nakapagpahinga kana ba?,"sa pagmulat ko ng aking mata isang bulaklak na rosas ang patama sa akin pero agad ko itong naiwasan,"woah ikaw palang yata ang unang taong nakahiwas sa atake kong iyon,"isang lalaki ang nakaupo sa ulo ng isang itim na ahas may dala dala itong bulaklak.

"Sino ka?,"ang tanong ko sa kanya.

"Bago natin simulan ang totoong laban sige I'm going to introduce myself my name is Arc one of the dark Gehenna,"nakangising sabi nito,wait parang narinig ko nayon pero hindi ko maalala kong saan,"let the battle began."

Akala ko yung ahas ang susugod sa akin pero sya misyo ang kumawa,tumalsik ako sa malayo dahil sa suntok nya sa sikmura ko,mabilis syang lumikha ng apoy na bola at ipanagtatapon sa gawi ko agad naman akong nakagawa ng ice wall nasyang pumigil sa bulang apoy,"nice,"nagulat ako ng nasa tabi ko na sya at may itinarak na maliit na kutsilyo sa braso ko.

Hinila nya ang buhok ko at kinaladkad ako lumayo sya sa akin at gumawa sya ng dalawang ispada ibinigay nya sa akin yung isa,tumakbo sya papalapit sa akin at patatamaan nya sana ako sa bandang braso pero nasalo ito ng ispada ko. Pinadulas nya ang ispada nya sa ispada ko na parang expert na talaga sya. Iwinasiwas nya ang ispada nya sa bandang ulo ko pero yumuko ako at patagilid na sinipa ang binti nya para matumba sya pero mabilis syang nakatayo.

Nanatili akong nakayuko hanggang sa naramdaman kong tumaas ako sa pamamagitan ng paghawak nya sa damit ko at sinikmurahan ako may mga dugong lumabas sa bibig ko.

Hinila nya ako papunta sa pinto at isinandal rito napapikit ako ng may tumusok sa bandang puso ko,"mahina ka parin kahit anong gawin mo sadyang malakas si Satan para kalabanin ang mahinang tulad mo,"mas lalo nyang itinarak ang matulis na bagay sa puso ko pero bago tuligil ang pagtibok ng puso ko nagsalita sya na nagpagising sa akin,"matulog kalang dyan at isusunod kona ang mga anak mo."

Buong lakas kong tinanggal ang kutsilyong nakaturok sa aking puso at napasigaw ang kulay ng buhok ko ay naging gold ang mga mata ko ay kulay blue at red lumabas narin ang mga pangil ko.Hinatak ko ang ispadang nakuha ko sa isang pinto gamit ang isang kamay ko,binalot ito ng kulay asul at lumabas ang pakpak sa likuran ko umilaw rin ang guhit na nasa noo ko.

Una ko syang sinugod isang ispada ang lumabas sa kamay nya nakipagtagisan ako ng lakas at bilis sa kanya hanggang sa mabitawan namin pareho ang mga ispadang gamit namin
Una akong sumunod sa kanya na puro suntok at sipa ang ginawa ko na mabilis nya ring naiiwasan,nakipagsabayan rin sya na gumawa ng pagyanig sa buong lugar.

Sya naman ang unang sumunod na nagpakawala ng isang sapak ka na naiwasan ko naman agad sinipa ko sya sa kanyang tagiliran at nagpakawala ng uppercut na dahilan para tumilapon sya.

Agad ko syang sinalo at hinawakan sa leeg nya inangat ko ang katawan nya mula sa lupa at kinuha ang ispada ko,"huwag na huwag nyong idamay ang mga anak ko,"sabi ko at itinarak ang ispada sa kanya binitiwan ko sya pero biglang nawala ang katawan nyo.

"Magaling ka nga at naabot mona ang hangganan ng iyong kapangyarihan,"nagulat ako,buhay sya at nakaupo sa ulo ng ahas na parang walang nangyari sa kanya,"makakaya mo kayang tapusin si Satan?paalam na binibini at sana magkita tayong muli."

Arc Pov.

"How is she?,"tanung ni Lux ng makabalik ako sa mystic Gehenna.

"She was a powerful goddess,"I replied at umupo sa upuan ko,"napuruhan nya ako sa atake nya,"ipinakita ko ang sugat ko sa kanila then a healer fairies showed up at ginamot ito,"I admit she was powerful pero wala pa ang kapangyarihan nya sa kapangyarihan ni Satan,makakaya nya kayang taposin ito kung ang digmaan ay magsisimula na?."

Mated To The EmperorWhere stories live. Discover now