Chapter 3

3.4K 139 1
                                    

Sana tinuluyan niyo na,mahal na prinsesa! Galit na alingawngaw ng wolf niya.

Kahit siya ay mariin na nakatikom ang mga labi at naniningkit ang mga mata ng makita niya na may nakatutok na baril sa nuo ng lalaking itinakda sa kanya.

Ang kanyang mate!

Naglilibot siya ng mga oras na yun sa isang napakalawak na kagubatan kung saan nagka-camp training ang mga kasamahan niya ng maulinigan niya at maramdaman na nagkakagulo ilang milya lang ang layo sa kinaroroonan niya. Doon niya nalaman na may nagaganap na engkwentro sa pagitan ng mga kalaban at ng mga nakauniporme na may tatak na BAT. Malinaw niya nasaksihan ang eksena sa loob ng kubo dahil sa bukas na pintuan at doon nga ay narinig at nakita niya ang pangyayari roon pati na rin ang pangtatraydor ng mismo kasamahan ng mate niya.

Alam niyang kailangan magbayad ng mga ito sa mate niya sa ginawa pagtatraydor ng mga ito kaya sinugatan lang niya ang mga walanghiya at lalo na ang lalaki na nagtutok ng baril sa mate niya!

Alright,calm down now,princess..He's safe now!

Humugot siya ng malalim na hininga saka dahan-dahan na pinakawalan iyun ng marelax na ang sistema niya saka lang niya muling naulinigan at naramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya.

She's finally found her mate,her heart tell it that man,Capt.Callias is her mate!

Muli hinayon ng matatalas niyang mga mata ang lalaki. Abala ito sa pakikipag-usap sa commander ng SAF.

Damn! Ang gwapo at yummy ng mate natin!

Napangisi si Eskovar. Sigurado magugustuhan ito ng Hari at Reyna dahil ang future prince ng Orange wolves district ay isa din magiting na mandirigma!

Oh well,huwag muna tayo advance mag-isip,mahal na prinsesa..baka maudlot pa!

Tumango-tango siya at hinayaan ng mga mata niya na kilatisin ang kabuoan nito.

Matangkad. Gwapo. Marine hair cut na bumagay rito na lalo nagpaaliwalas sa gwapo nitong mukha. Manipis na facial hair,he's look manly and matured. Katamtaman ang laki at hubog ng katawan. So fit and lean!

Rawr! Bagay na bagay siya sa inyo,mahal na prinsesa!

Agad na sumikdo ang kanyang puso ng mapadako ang tingin ni Capt.Callias sa kinaroroonan niya kahit na isang milya ang layo niya rito tila ba naramdaman nito ang ginagawa niyang paninitig dito.

Love instinct siguro yun,mahal na prinsesa!

"Saan mo nalaman yun?" kausap niya sa kanyang wolf.

Hula ko lang,he-he!

Napailing na lang siya sa wolf niya.

Nang makita papaalis na ang lahat sa lugar na yun agad na binalik niya sa lalagyan ang kanyang sniper gun.

Ngayon natagpuan na natin siya..ano na gagawin niyo,mahal na prinsesa?

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now