Chapter 12

3.3K 125 11
                                    

Magaan na ang pakiramdam ni Prinsesa Frenelyn ng magising siya. Wala na ang hapdi at kirot sa likuran niya na alam niyang tuluyan ng naghilom.

Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng pantaas na humarap siya sa bintana. Hinawi niya ang kurtina roon at dinama ang pagtama ng sinag ng panghapon araw sa balat niya. Ipinikit niya ang mga mata.

Wala na siyang nararamdaman na kahit anong guilt pagkatapos ng parusa niya sa sarili. That mask man did something to her. Tila ba pinatawad na siya nito sa nagawa niyang kasalanan.

Agad siya naging alerto ng bumukas ang pintuan.

Mabilis siya napapihit paharap at isang gulat at awang ang mga labi na nakatayo sa bukana ng pintuan si Capt.Aldrin Callias!

Takpan mo ang harapan mo,prinsesa!

Napangiti siya at mabilis na dinampot ang kulay Kahel na roba niya na nasa sahig.

Tulala pa rin ang kapitan ng matakpan na niya ang sarili.

"Aldrin,hindi ko alam na nandito ka?"kalmante niyang untag rito.

Hindi ko siya agad naramdaman! Sabagay,relax na relax kasi tayo eh!

Napakurap-kurap ito at tila noon lang natauhan ng magsalita siya.

Agad ito napatalikod. Natawa naman siya kung kailan natakpan na ang sarili niya saka lang ito nagkareak.

Nahiya pa,nakita na kaya niya!

Napapangiti na napabuga siya ng hangin. "Ayos ka lang?"pagkuha niya sa atensyon nito.

Bumuga ito ng marahas na hangin. "Uh,Oo..uhm ,pasensya na hindi ko alam na gising ka na pala,"sagot nito na nakatalikod pa rin sa kanya at umangat ang kamay nito at humawak sa batok nito.

She know that kind of gesture!

Lalo napangiti ang prinsesa.

He's so cute!

"Paano mo nalaman na nandito ako nakatira?"wika niya ng sa ganun ay marelax ang binata.

Doon na unti-unti pumihit paharap sa kanya ang binata.

Hindi ito makatingin sa kanya ng deretso na lalo kinangiti niya.

"Uh,kay Zei," tugon nito.

Tumango siya. "Ganun ba," aniya.

Doon na naglakas loob na tumingin sa kanya ang binata. Patuloy pa rin sa mabilis na pagtibok ng puso niya.

Unti-unti na rin nag-iinit ang katawan niya.

Oh no! Not now!

Matiim na tinitigan siya ng binata.

"Your back..what happen?"tanong nito na nanatiling seryoso ang anyo.

He saw it?!

" Bakit...bakit wala ng bakas ng mga sugat ang likod mo?"sunod na tanong muli nito.

Uh-oh!

Bago pa man makaisip ng idadahilan ang prinsesa naramdaman niya ang pagdating ng dating panginoon.

"Good afternoon!" pagsulpot nito sa likuran ni Capt.Cally.

Agad na bumaling rito ang binata at binati si Zei.

"Salamat,Captain! Nagdala ako ng hapunan,luto ng mahal kong asawa!" magiliw nitong saad.

"Pork adobo ni Adeline!" untag niya.

"Nagugutom na nga ko!" aniya.

"Kung ganun,ihahain namin ni Captain," yakag na nito sa kapitan na tahimik lang nakatingin sa kanya.

We save now..pero magtatanong ulit si mate niyan!

"Mapaparami kain ko ngayon," usal niya habang nakatitig sa nakasara ng pintuan ng silid niya.

Agad na sumubo siya sa dalang pagkain ni Zei pero mas natuon ang atensyon niya sa umuusok na sabaw.

"Sana kumakain ka niyan,uh,bulalo"untag ni Aldrin.

Napangiti siya at nag-angat ng tingin rito. Nakatayo ito sa harapan niya.

Nasa salas naman si Zei abala sa pinapanuod nito pero alam niyang naririnig sila nito.

"Oo naman,salamat.."pagpapasalamat niya rito.

Ngumiti na rin ang binata. Bahagya ng nagrirelax.

"Namili ka?"puna niya ng makita ang mga pinamili nito na nakapatong sa gilid ng lababo.

"Uh,oo..pasensya na. Wala kasi ko makita dito kanina na pwedeng lutuin eh,"tugon nito.

Natawa siya ng mahina. "Oo nga. Babayaran ko na lang mga nagastos mo."

Agad na umiling ng mabilis ang binata.

"No need..kainin mo lang yan niluto ko,sapat na yun kapalit ng pinamili ko,"anito.

Aww,ang sweeettt!

"Okay.."

Agad na sumalok siya ng sabaw gamit ang kutsara. Napangiti siya ng mainitan ang sikmura niya.

"Masarap ang luto mo,good job,Captain!"

Natawa ang binata sa tinuran niya.

"It's my pleasure to serve you,Boss!"anito sabay saludo sa kanya.

Natawa siya sa inakto nito.

Ganito pala ang pakiramdam na maasikaso ng isang lalaki.

Aww,partida pa na siya ang itinakda sa inyo,mahal na prinsesa!

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now