Chapter 24

3.5K 129 13
                                    

Pagilas ang prinsesa! Kanina pa niya pinamamangha ang mate niya!

Napangisi ang prinsesa sa panunudyo ng wolf niya. Nilanghap niya ang malamig na panggabi-hangin. Lumapit siya sa ilog. Kumikislap ang tubig niyun dahil sa liwanag ng buwan at payapa ang tubig sa ilog.

We're in heat..pwede na yan!

Agad na hinubad niya ang kasuotan hanggang sa pang-ilalim na lamang ang natira. Nasisiyahan na lumusong siya sa ilog. Hindi naman ganun kalalim ang tubig kaya nagawa niya pang magpalutang ng nakatihaya at tumitig sa buwan.

Hay...

Ipinikit ng prinsesa ang mga mata at hinayaan ang sarili na nakalutang lang sa tubig. Relax na relax siya kahit papaano nakakatulong ang malamig na tubig na mabawasan ang pag-iinit ng katawan niya.

Sa palagay niya ay nakaidlip siya naalipungatan siya ng may humablot sa beywang niya.

"Geez! Pwede kang malunod sa ginagawa mo!!" tiimbagang na turan ni Aldrin na siyang umaahon sa kanya. Mahigpit ang hapit nito sa beywang niya hanggang sa buhatin siya nito patagilid ng marating nila ang gilid ng ilog.

Tanging pantalon lang ang suot nito na ngayon ay basa na. Maingat na binaba siya nito sa may malapad na bato. Agad na tinaklob sa harapan niya ang jacket nito na pinulot pa nito sa may batuhan.

"Ang layo na ng narating mo mula dun sa pinag-iwanan mo ng damit,"iritado nitong saad.

Natawa na lang siya habang niyayakap ang jacket na nakabalot sa kanya.

Aww,he's so sweet! Ganyan pala siya mag-aalala!

"Nakuha mo pang ngumiti,"sita nito sa kanya at Marahas na napabuga ng hangin.

Napakagat na lamang sa pang-ibaba labi ang dalaga sa inaakto ng binata.

Marahas ito napahilamos sa mukha at mataman na tumitig sa kanya.

Sa talas ng mga mata niya kitang-kita niya ang pagdidilim ng mga mata nito..nagdidilim sa pagnanasa!

Fire alert! Fire alert!

" Frenelyn.."usal nito na natiling nakatitig sa kanya.

Lalo sumiklab ang apoy sa katawan ng prinsesa ng makita ang anyo ng binata. He look so sexy habang tumutulo ang tubig mula sa maikli nitong buhok pabagsak sa malapad nitong balikat padausdos sa harapan nito,his six-pack abs.

Gosh! Talon na ulit sa ilog!

Napalunok ang prinsesa ng mawala ang sinusundan na tumutulong tubig sa suot nitong pantalon.

Ugh,I'm burning now!

"Frenelyn.."

Bago pa man mawala ang kontrol ng dalaga sa sarili mabilis na nilapitan niya ang binata.

Naglapat muna ang mga labi nila bago ito bumagsak sa kanya.

Gosh! Ang rude nun!

Marahas lang napabuga ng hangin si Eskovar habang niyayakap na niya ang wala ng malay na lalaki.

"I'm sorry..pero hindi pa ito ang tamang oras," usal niya sa tapat ng tainga nito.

Sana lang wag matagal! Baka abo na ko bago pa mawala ang in heat natin!

Ipinikit ng prinsesa ang mga mata at ninamnam ang pagkakayakap niya sa binata.

"Kung may ideya ka na tungkol sakin..baka..sana,madali na sayo matanggap ako," anas niya bago niya ipinikit ang mga mata.

Tahimik na nagdarasal na sana ay ganun nga ang mangyari.

Tama ba itong ginawa mo,Mahal na prinsesa?

Maingat na isinandal niya ang walang malay pa rin na kapitan sa pader.

Hinaplos niya ang pisngi nito na nababalutan na ng papatubong stubbles.

Marahas siyang napabuga ng hininga at pinagbigyan ang sarili na patakan ng halik ang nakatikom nitong mga labi.

"I'm sorry...naduduwag pa ako na sabihin sayo ang tunay kong pagkatao,Aldrin.."saad niya pagkaraan ng paghalik niya rito.

Malungkot at mabigat ang kalooban niya na nilisan ang lugar na iyun.

Sana sa muling pagkikita nila nito ay kaya na niya itong harapin at aminin ang totoo.

Na may tapang na siya na umamin rito.

TPOOWD Series 6 : FRENELYN E. FETZEIR byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon