Ikalawang bahagi

867 54 6
                                    


"Wala na ba sila?" tanong ni Marius na nagtatago sa likod ko.

"Hindi ko alam..."

Biglang may kumatok ng marahan.

"Sino kayo?" matapang kong itinanong.

"Prinsepe Theodorin." tawag ng boses mula sa labas, "Ako ang hari ng Hermosa." nanlaki ang mata ni Marius. "Kasama mo ba sa loob ng silid ang aking anak?"

Lumapit ako sa pinto at muling nagtanong, "Paano ako makasisigurong ikaw nga si haring Domingo?"

"Narito ngayon ang iyong ama..." sagot niya.

"Theodorin." sabi ng boses ng aking ama na tila nananamlay. " Theodorin, buksan mo ang pinto." patuloy nito, "Hindi ba't binilinan namin kayo na huwag aalis sa silid sa baba?"

"Amang hari!" bubuksan ko na ang pinto, ngunit muling alinlangan, "Ano po ba ang nangyari? Sino ang nagpupumilit pumasok sa aking silid?"

"Anak, makinig kang mabuti..." sabi ng ama kong hari.

"Prinsipe Theodorin, importante ito..." si haring Domingo muli, "Natanggal ba ang maskara sa mukha ng aking anak?"

"Itay..." ani Marius. Biglang may bumalibag sa labas.

"'Di na bali... mukhang gayon nga ang sitwasyon..." sabing muli ng hari ng Hermosa.

"Ano po ang nangyayari, itay?" tanong ni Marius. "May kasalanan po ba kami? Hindi po namin sinasadyang matanggal ang maskara..."

"Anak... huwag kang magsalita." sagot ng kanyang ama. "Buksan ninyo ang pinto, ngayon din..."

Nilapitan ko ang pinto, ngunit bago ko pa man mabuksan ito, ay muling tumawag si haring Domingo.

"Bago ang lahat, anak, takpan mo muna ang iyong mukha!"

"Bakit po kailangan takpan ang kanyang mukha?" agad kong tinanong habang katabi si Marius, "Bakit po kailangan itago ang isang bagay na ubod ng ganda?"

"Ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat," sabi niya, "ngunit kailangan niyo munang buksan ang pinto.

Hinarap ko si Marius, iniikot ang kumot sa kanyang mukha at nilapitang muli ang pinto. Nalusaw sa pwesto ang gintong hawakan nito. Tinunaw ko ito sa pamamagitan ng mahika na nakakapag pasunod sa mga bakal at tumawag ng hangin upang hipan palabas ang pinto.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa aming harapan ang isang kawal ng mga sundalong naka halandusay sa lapag. Ang hari ng Hermosa ang tanging nakatayo, samantalang ang ama kong hari ay nakaakbay sa kanyang balikat na tila nanghihina.

"Ama!" tumakbo kaming palapit sa aming mga magulang na agad kaming niyakap. "Ano po ang nangyari? Bakit nagkalat ang mga walang malay na sundalo sa harap ng aking silid?"

"Bago ang lahat..." hinawakan ni haring Domingo ang mukha ni Marius. Isang itim na tela ang bumalot dito, tanging mata lang niya ang nakalabas. "Saan ba tayo maaring mag-usap?" tanong niya sa aking ama.

"Dito na rin sa loob ng silid ni Theodorin," sagot ni ama na medyo hinihingal pa. "Malakas ang salamangka sa silid na ito."

Bumalik kami sa loob ng silid. Isinara nila ama ang pinto at naglagay ng dasal sa paligid upang walang kahit anong ingay ang makalalabas o makapapasok sa loob ng silid.

"Papatawan kitang muli ng dasal upang 'di ka maapektuhan ng kanyang engkanto." sabi ng hari sa ama kong emperador. Tumango lang ang aking ama, at nagsimulang kumanta si haring Domingo sa isang lenguahe na hindi ko naiintindihan. Matapos noon ay tila nakahinga nang malalim ang aking ama. Umupo siya sa aking kama at nag buntong hininga.

Ginto't PilakHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin