Chapter 11

78.2K 4.8K 1K
                                    

Chapter 11: Angel

Sumunod ako sa kanila. Naabutan kong nakatayo si Rich sa labas ng kwarto ni Arch. Kumakatok ito at pilit na kinukumbinsi ang kapatid na buksan pero wala siyang nakuhang sagot. Rich's face looked pale and I could see how worried he was.

Guilt pinched me. This is what happens when fun gets too much. Hindi ko napansin na sumobra na pala ako. I thought we were still playing. Hindi ko alam na ganito pala katakot si Arch pagdating sa gagamba.

Humugot ako ng lakas ng loob bago lumapit kay Rich. Hindi niya ako nilingon kahit na alam kong alam niyang nasa tabi na niya ako. He just keeps knocking on the door, begging for Arch to open the door.

"Kuya? Open the door, please?" Rich pleaded again. "Let me in."

Napansin kong namumula na talaga ang mukha ni Rich. Mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko. I wanted to calm him down but I'm worried he might get even madder. He's worrying too much. It's not good for him.

"Ikukuha kita ng tubig," sabi ko sa kanya.

Tumalikod na ako at maglalakad na sana pababa nang magsalita siya. "Don't bother, Amira. Pumasok ka na lang sa kwarto mo at magpahinga. Pagod ka sa paglilinis."

Humarap ako sa kanya. Nakabaling pa rin siya ng tingin sa pinto. He couldn't even look at me.

"I'm sorry..." I whispered, feeling feeble.

"Please?" he pleaded.

Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto niya. Walang-gana na bumaba ako at pumasok sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan na nahagip ng aking kamay. Sobrang bagsak ng pakiramdam ko.

Sobrang bilis talaga magbago ng mga pangyayari. Parang kanina lang ay masaya pa kami tapos...

What should I do?

Pumikit ako para sana magpahinga pero ang mukha lang ni Rich ang nakikita ko. Malamig ang pakikitungo niya sa akin kanina. Kahit na hindi siya pagalit magsalita o kahit na hindi niya ako tingnan nang masama ay alam kong may pait siyang nararamdaman sa akin. He is disappointed.

He said stop but I didn't listen!

I've been accusing Arch as stubborn and hardheaded but little did I know... I am, too.

I still can't accept the fact that the angel is now mad at me.

I remember when I once aspired Rich to get angry because he's always an angel, no. I wondered how would it be when Rich gone mad. But now... I don't want him to get mad anymore, especially if I am the reason. I just can't stand it.

Mapait akong napagiti. I really came back to my old self. That little girl who always worries about other people – that little girl who cries over small things. I remember when I promised not to be like this anymore. I promised to be bold and to not let anyone have a touch of my soul.

I hugged the pillow tightly when I felt cold.

Hindi ako napakali sa loob kaya lumabas ako uli ng kwarto ko. Dadan-dahan akong naglakad paakyat. Mas lalong bumagsak ang pakiramdam ko nang ang tumambad ay so Rich na nakaupo sa tabi ng pinto ng kwarto ni Arch. Yakap-yakap niya ang kanyang mga tuhod at halatang maraming iniisip.

"Magpahinga ka muna, Rich," paalala ko sa kanya. "It's not good for you."

Nakayuko lang ito nang umiling siya. "He's scared..." he whispered.

Humarap ako sa pinto ng kwarto ni Arch. Kung si Rich nga ay hindi niya pinagbuksan, ako pa kaya?

But I tried... I knocked on the door.

When Life SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon