Chapter 17

89.3K 4.5K 2.5K
                                    

Chapter 17: Flower

"It's not like I want to date him," I mumbled.

Muli akong tumagilid at niyakap nang mahigpit ang unan. Hindi ako makatulog, binubulabog ako ng mga usapan namin kanina ni Arch. If he can't date someone he doesn't like, then that means he likes Cams, right? He still likes her. Hindi nga niya ipinagkaila na ayaw niya itong umalis kanina.

What if he tries to stop her on their date tomorrow? It's not impossible though. It will be a date and they have all the time in the world to talk about deep things and have an intimate conversation.

Madiin akong napapikit. "Stop overthinking!" inis na sabi ko sa sarili.

Overthinking kills the moment. And right now, I am totally ruined. I can't get it off my mind. There are so many what-ifs and it is scaring me. I'm so scared because I know... I am no match compare to her.

Nang matapagtanto na walang saysay ang pagpipilit ko na matulog ay bumangon ako sa kama. I need to breathe fresh air.

Kinuha ko ang isang unan at kumot saka lumabas ng kwarto ko. Palabas na sana ako sa likod ng bahay nang mapansin na hindi nakakandado ang pinto. Sumilip ako sa labas at tiningala ang tree house. Nakabukas ang ilaw at dahil sa katahimikan ng paligid ay dinig na dinig ko ang mga boses nina Archeon at Richeon.

"Wrong timing," bulong ko.

Imbes na bumalik ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa bench sa ibaba ng puno. Umupo ako roon at niyakap ang dala kong unan at kumot. Tiningala ko ang maliit na bahay pero tanging ang sahig lang ang nakikita ko.

"That's not it!" dinig kong giit ni Rich sa itaas. "I just see her pretty, okay?"

Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin ng gabi. Anong oras na ba? Bakit hindi pa tulog ang kambal na ito?

I heard Arch's joyful laugh. "That means you have a crush on her!"

"I also see lake as beautiful, is that means I also have a crush on that lake?" sarkastikong tugon ni Rich.

"You're ridiculous!" Umalingawngaw ang tawa ni Arch sa tahimik na paligid. "The more you deny it, the more I won't believe you."


"Aray!" dinig kong daing ni Rich. "Can't you talk without hitting me?"

Sino ba ang pinag-uusapan nila?

"Tell her then," sumeryoso ang boses ni Arch.

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi ni Arch. I don't understand their topic but I am affected. Tell who, Arch?

"Fine!" ani Rich. "It's just a crush. Okay? I have a crush on her but that's it. And I don't think I should tell her. It's not something serious."

I heard Arch frowned. "Isasama kita bukas sa akin," anito. "Baka sakaling makahanap ka ng pagkakataon na umamin. I know it's hard, Rich. Pero gagaan ang pakiramdam mo kapag nakaamin ka. It's just a crush, you said it. There's nothing wrong with having a crush."

I am dying to know who is the girl they talk about.

"No," simpleng sagot ni Rich.


"Fine. Ako na ang magsasabi para sa 'yo," pananakot ni Arch.

"Kuya..."

Tumawa si Arch. "Cams will be happy to know. Trust me, Rich."

Lumuwag ang yakap ko sa unan nang marinig ang mga huling sinabi ni Arch. Kumuyom ang mga kamao ko at naglakad na pabalik sa aking kwarto. Masyadong mabibigat ang mga hakbang na ginagawa ko. Mabigat din ang paghinga ko.

When Life SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon