Chapter 20

79.9K 4.4K 3.5K
                                    

Chapter 20: Mine

Ibinalik ko sa garahe ang bisikleta at siniguro kong ang pagkakaayos nito ay gaya ng kung paano ko ito kinuha. Nagpahinga ako nang ilang segundo roon para pababain ang paghingal ko. Inalog ko ang ulo ko para alisin sa isipan ang nangyari saka ilang beses na huminga nang malalim.

"Nothing happened," I convinced myself.

Umikot ako sa likod ng bahay. Natigilan ako nang matagpuan na malinis na. Wala na ang mga talutot ng rosas at ang mga kandila na kanina ay nakapaligid sa buong puno. Tiningala ko rin ang bahay sa itaas ng puno, hindi ko na rin makita ang liwanag doon.

"Saan ka galing?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang may nagsalita. Saka ko lang napansin si Rich na nakaupo sa bench sa lilim ng puno. Madilim sa parteng 'yon kaya hindi talaga siya agad makikita.

Lumapit ako sa kanya. "Nagpahangin lang," sagot ko.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang alak.

Tumango siya. "Sana sinabi mo sa akin. Delikado sa labas nang ganitong oras," aniya.

Umusog siya nang kaunti kaya umupo ako sa tabi niya. Agad na naamoy ko ang alak. Napansin ko rin na nakatatlong bote na siya. Hindi ko pa siya nakitang uminom lalo na ng matapang na alak. Oo nga pala, hindi na niya kailangan magpanggap. He doesn't need to watch his back anymore. He doesn't need to worry that he might get caught.

Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap.

"Hmm?" Inalok niya sa akin ang hawak niyang bote.

Tinanggap ko 'yon. Lumagok ako hanggang sa makalahati ko. Sinubukang bawiin ni Rich ang bote pero inilayo ko ito. Mahina lang itong natawa pero hindi na nagpumilit na bawiin ang alak. Sumandal ito sa upuan at pinatong ang mga braso sa sandalan, ang isa ay bumaba sa likod ko.

"How does it feel now, Amira?" he asked.

"Feel what?" Sumandal din ako at tinagilid ang ulo paharap sa kanya.

He chuckled. "Hindi ba no'ng sinabi ko sa 'yong may sakit ako, ang sagot mo ay sana si Arch na lang? How does it feel that your wish came true?"

Sa halip na sumagot ay tumungga ako uli sa alak. Matagal na rin nung huli akong nakainom kaya hindi ko maintindihan ngayon ang pakiramdam na dulot nito. Dahil ba sa alak kaya naninikip ang dibdib ko? Sa pagkakaalam ko ay sumasaya ako kapag umiinom, bakit parang mas nalulungkot ako ngayon? Bakit nag-iba ngayon ang epekto sa akin ng dati ay siyang nagpapasaya sa akin?

"It must have been hard," I whispered.

"It gets harder every freaking day," he sniffed. "But, you know what is worst?" tanong niya habang sa malayo nakatingin.

Tumungga ako uli sa alak, hindi sumagot.

"When there's no another day anymore!" he laughed the pain away. "I want his sufferings to end but I still want him to fight at the same time." Ramdam ko ang galit sa kanya, galit sa sarili at sa mga nangyayari.

Itinaas niya ang mga tuhod, yumuko siya roon at pinatong ang kanyang mga kamay na nakasalikop sa kanyang ulo. Napansin ko ang bahagyang pagyugyog ng kanyang mga balikat at ang mga mahinang hikbi.

"Kuya..." I heard him called.

Niyakap ko ang likod niya at pinatong ang aking mukha. Lumakas nang bahagya ang paghikbi niya. I hugged him tighter to make him feel that he is not alone in this. I didn't say anything, I just let him cry in the dark where no one can see except us. I hugged him until his sobs waned and he calmed.

Lumipas ang gabi nang tahimik. Nakatulog ako nang maayos. Kinabukasan ay isang katahimikan ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Kakaiba sa madalas kong datnan sa umaga. Hindi ako binati ni Rich nang may ngiti sa labi. Si Arch ay wala talagang kibo.

When Life SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon