CHAPTER FIVE

109 7 0
                                    

"Sam's Pov...

Habang pinagmamasdan ko 'yong mga bulaklak sa garden ay sumulpot na lang sa gilid ko si Dawin at ang mga kaibigan niya

"hoy, Sam kunin mo nga ung kulay black na bag do'n sa aparador sa may guest room, may laman 'yong mga tuwalya, dali, maliligo kami sa ulan, bilisan mo ha,umuulan na" utos niya kaya napairap ako

"di naman ako pinapasok ng mommy mo dito para maging maid mo, nandito ako para magbantay sayo" seryosong sabi ko

"kahit na, gano'n din 'yon, dalian mo na"

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang

Umakyat na ako ng guest room at kinuha na 'yong pinapakuha no'ng abnormal na Dawin na 'yon

Agad naman akong bumaba para ibigay na 'yong bag na pinapakuha ni Dawin

Nalalag 'yong panga ko makita ko silang lahat na walang pang itaas na damit, nakatayo sila sa terrace at ang iba naman ay nakaupo

'grabe ang lalaki ng katawan ng mga 'to'

Agad naman akong napa iwas ng tingin ng tumingin sila sa akin

Lumakad ako palapit kay Dawin na hindi man lang makatingin sa kanya

"bakit di ka makatingin?" tanong niya kaya napalunok ako saka huminga ng malalim at tumingin sa mukha niya

"ayan oh" ibinigay ko na 'yong bag na pinakuha niya saka umiwas na agad ng tingin

Napatingin naman ako sa mga kaibigan niya na nakangisi kaya inirapan ko sila, nagtawanan naman ang mga abnormal

Nadapo 'yong tingin ko sa isa nilang kaibigan na tahimik lang na naka upo sa upuan sa terrace habang nakatingin sa malayo

'ang cute ng isang 'to'

"hoy type mo si Kenneth noh? makatitig ka eh" napatingin naman ulit ako kay Dawin na nakangisi

Di ko man lang namalayan na tinititigan ko na pala siya, ehh sa naku-cute-an ako sa kanya ehh

"huh?... Ah....h-hindi ah" nauutal kong sabi

"ehh bakit ganyan ka mag salita? Crush mo si Kenneth noh? Yiee" pang aasar niya kaya naki 'ayiee' din ung iba niyang kaibigan bukod kay Kenneth na nakangiti na sa akin ngayon kaya napaiwas ako ng tingin

"ikaw Dawin kung ano-ano talaga ung pinag-sasasabi mo, abnormal ka talaga" wari'y seryoso kong sabi

"naku kunwari ka pa" ngumiti na naman siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya

"gusto mong sipain ulit kita?" hamon ko sa kanya at mabilis siyang umiling

"akala ko pa naman ako 'yong type niya" halatang nagbibirong sabi no'ng isang lalaki na pinaka matangkad sa kanila

'aba sira ulo din pala 'to eh manang mana kay Dawin,lakas mantrip'

"sus, 'yan? Daryl, dumilat ka nga" napapailing na sabi ni Dawin habang nakangisi

'anong ibig sabihin ng sira ulo na 'to? Pag di ako nakapag pigil sisipain ko 'to, kahit na sabihin niyang pamamahay niya 'to wala akong pakialam'

"anong mali? she's beautiful right?" sa puntong 'yon sumeryoso ang mukha no'ng Daryl na sinabi nitong abnormal na Dawin na ito at saka tumingin sa mga kasama na sinang ayunan naman ng iba

'ako daw? maganda? yiee, di naman masyado'

"hyung tama naman si hyung Daryl maganda naman talaga si Sam" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Drake, narinig ko lang na tinawag ni Dawin ito kanina no'ng nag-uusap pa sila kaya ko nalaman ang pangalan nito

Hate To Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon