CHAPTER FIFTEEN

88 8 0
                                    

Third Person's Pov.....

Ngayon ay nasa PH ang Pioneer dahil tumawag sina Xander at Daryl na hawak nito ngayon ang dalawang miyembro ng KOD sina James at Clint napag desisyonan nila na pumunta sa PH

"Ohh nasaan si hyung Ken?" tanong ni Xander sa mga dumating na kaibigan

"may problema sila nila Dawin at Sam kaya di nakapunta" si Adrian ang sumagot

"problema?" nagtatakang tanong ni Xander

"gago kasi siya" seryosong sabi ni Dawin na papalapit

"di ko maintindihan, pero pwede ba kung ano man yang problema niyo hyung ayusin niyo na"

"sukat ba naman kasing pagselosin ako para lang malaman niya na may gusto ako kay Sam, at sino bang hindi magagalit sa ginawa niya na aamin siya kay Sam na may gusto siya kay Sam kahit na may girlfriend na siya para lang magselos ako" malamig na sabi ni Dawin

Habang si Daryl naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila dahil alam nito ang plano ni Kenneth at ayaw niyang madamay pa

Halata na naguguluhan si Xander sa sinabi ni Dawin, dahil ang alam niya din talaga ay may gusto si Kenneth kay Sam

"may gusto ka kay Sam hyung?" takang tanong ni Drake

Maging ang ilan ay nabigla din

"ehh nasaan si Sam ngayon?" tanong ni Xander

"nasa mommy niya, tumawag daw kasi ang care taker ng mommy ni Sam at isinugod daw ito kanina sa ospital" si Liam ang sumagot

"anong nangyari?"

"hindi pa namin alam kaya mamaya pupunta si hyung Dawin sa ospital mamaya para dumalaw" si Tyler

"dadamayan daw kasi ni hyung mamaya yung future wife niya at future mother in law naaawa daw siya kasi kay Sam at maraming problema" seryosong sabi ni Adrian

Napatakip naman agad ng bibig si Adrian ng tingnan siya ng masama ni Dawin

"sige inisin mo pa ng mayari ka diyan, kita mo na ngang bad mood eh nakuha mo pang mag joke" siniko ni Franciz si Adrian

"nagjo-joke nga lang ehh" lumabi si Adrian

"Hindi nakakatawa ung joke mo hayop ka" kinutusan naman ni Tyler si Adrian

"tama na yan, iharap niyo sa akin yung dalawang miyembro ng KOD na yan" seryoso paring sabi ni Dawin

Pumunta na sila sa kinaroroonan ng dalawang miyembro ng KOD na sina James at Clint

---
"doc kamusta po yung mama ko?" tanong ni Sam sa doktor na kalalabas lang sa kwarto kung saan naroon ang kanyang ina

"the patient has a glioblastoma" sabi ng doctor

"a-ano po ang ibig niyong s-sabihin?" nauutal na sabi ni Sam at may mga luhang nag uunahang umagos sa kanyang pisngi

"I'm sorry to say this, stage four na ang cancer ng mama mo" sabi ng doktor

Nanghina ang tuhod ni Sam sa sinabi ng doktor awtomatikong napaupo na lang siya sa bench na naroon habang pinupunasan ang tuloy tuloy na agos ng kanyang luha

Hate To Love ✔Where stories live. Discover now