CHAPTER EIGHT

95 9 0
                                    

Dawin's Pov...

Pag gising ko ay dumiretso na agad ako sa banyo at naghilamos, pagkatapos no'n ay dumiretso na ako sa kusina para kumain

"kumain ka na" malamig na ani Sam

'kakaiba siya ngayon, ang weird'

Umupo na lang ako at nagsimula ng kumain

"sumabay ka na sa akin" anyaya ko sa kanya

"hindi na, okay lang" pagtanggi niya

"ang sabi ko sumabay ka na sa akin" walang ganang sabi ko

"okay nga lang, kumain ka na lang"

"hindi mo ba ako narinig?!" tumaas na 'yong boses ko

'di ko alam kung bakit nagkakaganito na naman ako, sumasakit 'yong ulo ko sa kanya'

"ikaw ba ang hindi nakarinig? Okay nga lang, alam mo Dawin hindi lahat ng gusto mo pwede mong gawin at makuha kaya umayos ka, don't act like a kid" malamig paring tugon niya

'aba ini-english ako ah, ang arte naman ng babaeng 'to inaalok lang kumain ehh, ang arte arte kung ano ano agad pinagsasasabi'

"isa pa, manhid ka ba talaga? hindi ka ba talaga marunong makiramdam na ayaw ng tao?"

"tss..." tanging lumabas sa bibig ko at nagsimula ng kumain

"pupunta ako sa mall mamaya, obligadong sumama ka sa akin diba?" seryosong sabi ko saka tumingin sa kanya

Tumango lang siya

"good" sabi ko saka kumain na ulit

Sam's Pov....

"magbihis ka na, 'yong magmumukha kang tao, ayoko ng may kasamang pulubi pagpunta ko do'n, pag aari namin ang mall na 'yon kaya ayokong mapahiya" sabi niya

'grabe naman makapang lait'

Hindi na ako nag salita, dumiretso na ako sa kwarto ko dito sa mansion

'nakaka-inis talaga 'yong hinayupak na lalaking 'yon kung makapang insulto kala mo kung sinong napaka gwapo.... Paki ko kung siya 'yong may ari ng mall tangina! ano gusto niyang palabasin?!'

Naligo muna ako saka nagbihis

Nagsuot ako ng pants at ng long sleeve na kulay puti, nag rubber shoes na lang ako hinayaan kong nakalugay lang ang alon alon kong buhok at nag suot ako ng black na cap

Humarap ako sa salamin

"Ayan mukha na akong tao, hayst... nakakainis talaga 'yong bwiset na lalaking 'yon"

Nag polbo muna ako at napag desisyonan ko ng lumabas

Paglabas ko ay nakita ko agad si Dawin na naka upo sa sofa

"ang tagal mo naman" kunot noong reklamo niya

"sorry naman, mukha na ba akong tao?"

"hindi parin" itinaas niya 'yong isang gilid ng labi

Napabuntong hininga na lang ako

"ewan ko sayo" sabi niya at nauna na siyang lumabas

Dawin's Pov....

'hanep kahit payat siya, maganda siyang magdala ng damit kahit simple lang 'yong suot niya'

Napangisi na lang ako at sumakay na sa kotse

Hate To Love ✔Where stories live. Discover now