Chapter 1

30 2 0
                                    

Chapter 1

Miley's POV

"Jane! Tama na yan!" Kinuha ko naman ang baso ng alak na hinahawakan niya at inilayo sa kaniya.

"Mi-miley?! Bakit ba?! Eh gusto ko lang namang uminom!" Padabog na sabi niya at pinilit niyang kunin sa akin ang baso.

"Jane! Uuwi na tayo. Hinahanap ka na sa inyo!" Medyo pagalit na sabi ko.

"A-ano bang problema mo?" Pagalit niyang sabi.

"Araw-araw na lang ba ganito ha? Ayusin mo naman ang buhay mo!" Pagsesermon ko sa kanya.

"Maayos naman ang buhay ko ah?! Nasira lang naman dahil sa lokong 'yon!" Mahinang sabi niya at nakikita kong paiyak na siya.

"Sana hindi ko na pinilit na ungkatin ang mga alaalang hindi ko matandaan noon. Sana nanatili na lang ako sa States. Sana sinunod ko na lang sina kuya. Sana---" Dadag niyang sabi pero hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Jane, hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka namang bumalik sa dati ah?" Pag-aalalang sabi ko.

"Paano ako babalik sa dati kung sira at wasak na ako?" Pagkatapos niyang sabihin to ay humagulgol na siya sa pag-iyak.





"Nasaan na siya?" Nagulat naman ako nang makita ko si Wayne.

"J-jane, okay ka lang ba?" Pagtatanong niya kay Jane. Tiningnan niya naman ako at nagkibit balikat naman ako.

"Ku-kuya!" Sigaw ni Jane at niyakap si Wayne.

"Ako na ang bahala dito, Miley. Maraming salamat sa pagtawag. Busy kasi si kuya LJ kaya ako na ang sumundo." Sabi ni Wayne kaya tumango ako.

"Wala 'yon. Sanay na ako kay Jane." Sabi ko at ngumiti.

"May maghahatid ba sa'yo? Sama ka na lang sa amin." Pag-aya niya. Umiling naman ako.

"Hu-huwag na. Dala ko ang sasakyan ko ngayon." Pagsisinungaling ko.

"Sige mauna na kami." Sabi niya at binuhat si Jane.

"Kuya, gusto kong kumain." Sabi ni Jane kahit lasing na siya, iniisip niya pa rin ay pagkain kaya napatawa ako nang mahina.

"Ang bigat-bigat mo na nga tapos kakain kapa?" Reklamo ni Wayne.

"Saan ba gusto mo?" Natawa na lang ako sa tanong ni Wayne at tumalikod sa kanila. Humarap naman ako sa bar counter.

"One tequila, please." Sabi ko sa bartender.

"Sigurado po ba kayo ma'am? Sinesermunan mo ang kaibigan mo kanina tapos iinom po kayo? Gabi-gabi niyo rin po ba ito gagawin?" Sabi ng bartender habang may hawak na tequila. Tiningnan ko naman siya nang taas-baba.

"Ano bang pake mo?" Sabi ko. Kinuha ko ang baso at tinungga ang tequila.



Makalipas ang ilang oras, ay ilang baso rin ang naubos ko. Medyo nahihilo na ako at parang pipikit na ang mga mata ko. Agad ko namang sinampal ang sarili ko para matauhan ako. Bahala na. Tatawagan ko na lang ang busong kapatid ko para masundo ako.





>LJ's POV<

*ring! ring!*

Si Miley? Bakit napatawag siya? Hindi pa ba nasundo ni Wayne si Jane. Sinagot ko naman ang tawag.

Ako: Hello?
Miley: Mi-mike! Sunduin mo nga akoasdfg! 'Ma'am! Okay lang po ba kayo? Ma'am?'
Ako: Hello? Miley? Anong nangyari?
Boy: Hello po ser? Bartender po ito. Nakatulog po si ma'am dito.
Ako: Pakibantay na lang ho. Papunta na ako.


Dali-dali naman akong umalis kahit may ilang papeles pa akong dapat na tatapusin. Tinatawagan ko naman si Wayne pero hindi siya sumasagot. Ano bang ginagawa niya? Bakit busy siya? Hindi pa ba sila nakauwi ni Jane?

Nang makarating ako sa bar ay agad kong hinanap si Miley. Nakita ko naman siya na nakahiga sa isang sofa.

"Maraming salamat ho. Nabayaran niya na po ba ang ininom niya?" Tanong ko sa lalaking nakabantay sa kaniya.

"Opo, bago po siya makatulog." Sabi niya at umalis. Tiningnan ko naman si Miley at umiling.

"Miley! Hoy! Gising!" Sabi ko habang sinasampal nang mahina ang pisngi niya para gumising.

"Mike? Nandito ka na pala. Uwi na tayshdh." Hindi niya na natapos ang sasabihin niya. Natulog na naman ulit. Inalalayan ko naman siya hanggang makarating sa sasakyan ko. Inihatid ko siya sa bahay nila.








"Mike! Tiningnan mo kung may tao sa labas. May nagdoorbell!" Rinig kong sigaw sa loob ng bahay nina Miley pagkatapos kong pindutin ang doorbell nila.

"Ay! Kuya LJ, ikaw pala." Sabi ni Mike at tumakbo para buksan ang gate.

"Ang ate mo nasa loob ng sasakyan ko. Lasing." Sabi ko at nagulat siya.

"Pasensya na sa abala kuya. Naku!" Sabi niya at pinuntahan si Miley sa sasakyan.

"Numero ko ang natawagan niya. Akala niya siguro sa'yo ang napindot." Sabi ko. Halata naman eh. Pagkatawag niya kanina, pangalan ng kapatid niya ang sinabi niya.

"Pasensya na talaga kuya. Pagsasabihan ko na lang si ate bukas. Maraming salamat po." Sabi naman ni Mike at nagbow.

"Sige. Alis na ako." Sabi ko at pumasok sa sasakyan. Hindi na muna ako didiretso sa office ko at uuwi na lang para magpahinga ako.

Good Girl's Lovelife Book 2Where stories live. Discover now