Chapter 9: Flashback

11 2 0
                                    

"Jane! Salamat naman at nakarating ka." Sabi ni Miley nang makarating si Jane sa cafe.

"Oo naman! Ikaw pa ba?" Sabi ni Jane at tumawa silang dalawa.

"Tayo lang ba?" Tanong ni Jane pero umiling si Miley. Sakto naman na dumating sina LJ at Wayne.

"Hindi ko alam na ganito pala ka awkward na ang tatlong kaibigan ko ay magkakapatid." Sabi ni Miley at umupo na silang apat.

"Actually Miley, may hindi kami nasabi sa'yo." Sabi ni Wayne kaya napakunot ang noo ni Jane. Nagtaka naman si Miley sa sinabi ni Wayne kaya hinintay na ang idadagdag na sasabihin ni Wayne.

"Kapatid ka namin." Bulwas ni Wayne. Napalaki naman ang mga mata ni Miley. Nabuga naman ni Jane ang iniinom niyang tubig.

"Ano ba 'yan?" Reklamo ni LJ at binigyan ng tissue si Jane at pinunasan niya rin ang tumalsik sa tubig sa mesa. Humingi naman ng pasensya si Jane.

"Joke lang!" Sabi ni Wayne at nagpeace sign kaya sabay na tumawa ang tatlo.

"Kahit kailang talaga!" Sabi ni Miley at hinampas si Wayne. Umilag naman si Wayne pero nahampas pa rin siya ni Miley.

"So, nakatira ba kayo sa iisang bubong?" Tanong ni Miley.

"Hindi pa eh. Kakabili rin kasi namin ng bahay sa subdivision kung saan nakatira sina Jane at Jester. Tsaka titira si Jane kasama sa amin kapag nakabalik na si Jester sa States." Sagot ni LJ at napatango naman si Miley.

"Order na tayo. Nagugutom ako eh!" Maktol ni Wayne at nag-order na sila.

"Kuya, nakalimutan mo pala ang bag mo kahapon sa bahay." Sabi ni Jane habang nakatingin kay kuya LJ.

"Ahhhmm. Awkward?" Sabi naman ni Miley dahil sa narinig niyang tinawag ni Jane si LJ na kuya.

"Hindi nga ako sanay eh." Sabi ni Jane at tumawa.

"Sabi kasi na huwag kang magkuya." Sabi naman ni Wayne. Umiling naman si Jane.

"Pumili ka, hindi siya tatawag ng kuya sa atin o siya ang tatawagin nating ate?" Pabirong sabi ni LJ at umiling-iling naman si Wayne.

"Jane!" Sigaw ni Leo nang makarating sa cafe.

"Tinext ako ni Miley na nandito kayo kaya pumunta na rin ako dito." Sabi ni Leo at umupo.

"Mag-order ka na rin. Kaoorder lang namin." Sabi ni Miley at tumango naman si Leo.

"So, anong update sa inyo?" Takang tanong ni Miley habang nakatingin kay Leo. Namula naman ang dalawang pisngi ni Jane. Sina LJ at Wayne naman ay parang walang narinig.

"E-eto. Nililigawan siya ulit." Nauutal na sagot ni Leo.

"Anong ligaw-ligaw? Sagutin mo na lang Jane. Tutal--" Naputol ang sasabihin ni Miley nang makarinig siya nang malakas na ingay. Napatingin naman sila kay LJ.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi niya habang tinuro ang basong nalaglag. Tumawag naman siya ng waiter at humingi ng paumanhin.

"As always." Bulong na sabi ni Miley.

"So, saan na ba tayo?" Excited na tanong ni Miley.

"Kainan na!" Sigaw ni Wayne nang makarating ang order nila. Bumuntong hininga na lang si Miley. Nagsimula na silang kumain.

"May pupuntahan ba kayo pagkatapos nito?" Tanong ni Miley.

"Oo eh. Hahatid namin si kuya Jester sa airport." Sagot ni Jane.

"Gusto mong sumama?" Tanong ni Jane.

"Huwag na. Uuwi na lang ako." Sabi ni Miley. Alam niya kasing makaaabala lang siya kaya umayaw siya.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Miley.

"Oo. Tsaka may gagawin din kasi ako sa bahay." Sabi niya pero wala talaga siyang gagawin.

"Naku! Hayaan mo na. Baka magluluto lang 'yan." Sabi ni Wayne at tumawa. Binigyan naman siya ni Miley nang nakamamatay na tingin. Nginitian lang siya ni Wayne. Napatingin naman si Jane kay Leo.

"Bibisitahin ko si Jaimee ngayon. Hindi kasi makakapunta sina tita at tito mamaya." Sagot ni Leo kaya napatango naman si Jane.

"Alam na ba ni Jester?" Pabulong na sabi ni Wayne kay LJ. Tumango naman si LJ.

"Eh, anong sabi niya?" Takang tanong ni Wayne.

"Papatingnan niya daw. Sisiguraduhin niya muna kung tama nga ba tsaka tayo gagalaw at gagawa ng paraan." Mahinang sagot ni LJ.

"Anong binubulong-bulong niyo diyan?" Takang tanong ni Miley.

"Laki talaga ng mga mata ni Miley para makita ang mga nangyayari sa paligid niya. Tsk." Pabulong na sabi ni Wayne.

"Wala. Tinanong ko lang si kuya kung nasaktan ba siya kanina." Pagsisinungaling ni Wayne.

"Hindi naman madaling masaktan 'yan." Sabi ni Miley na para bang may pinaparating at kumain.

"Ano?" Takang tanong ni LJ.

"Wala. Sabi ko, tapusin na natin ang pagkain natin." Sabi ni Miley.

Good Girl's Lovelife Book 2Where stories live. Discover now