Chapter 28

6 1 1
                                    

Nang makarating kami sa cafe ay nag-order naman si kuya Wayne kasama si Minho.

"Miley, okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko kay Miley. Tumango naman siya nang dahan-dahan. Napaisip naman ako sa sinabi ni Sam kanina. Anong ibigsabihin niyang kasalanan nina kuya? May tinatago ba sila? Tiningnan ko naman si Miley.

"Ba-bakit?" Agad ko namang inalis ang tingin ko nang tumingin siya sa akin.

"Wa-wala." Nauutal kong sagot. Narinig ko namang napabuntong hininga siya.

"Huwag mo nang alalahanin ang mga sinabi ni Sam sa'yo kanina." Nagulat naman ako sa biglaang sabi ni Miley. Napatingin naman ako sa kaniya. Nginitian naman niya ako.


Wala nga dapat akong alalahanin. Napapraning na naman ako. Parang hindi naman ako sanay kay Sam. Alam ko naman ang ugali no'n tsaka kilalang-kilala ko siya. Pero binabagabag pa rin ako sa sinabi niya. Para bang may parte sa akin na dapat ko rin siyang paniwalaan.

Napatayo naman ako nang may naalala ako.

"Nakalimutan ko pala ang isa kong bag sa room." Tarantang sabi ko. Dali-dali naman akong naglakad.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni kuya.

"Sa room. May nakalimutan kasi ako." Sagot ko kay kuya.

"Samahan na--"

"Huwag na." Sabi ko at tumakbo paalis. Baka matagalan lang ako kapag magpapasama pa ako kay Minho. Tsaka baka sabihin niyang tinatake advantage ko siya.

Nang makarating ako sa room ang dumiretso naman ako kaagad sa upuan ko.

"Salamat naman at nandito pa." Wala sa sarili kong sabi.

"Sabi ko na nga ba at sa'yo 'yan." Rinig kong sabi sa likuran ko.

"Hi!" Napatalon naman ako.

"Nagulat ba kita? Pasensya na. Ako nga pala si Daine." Pagpapakilala niya.  Nag-aalinlangan naman akong tumango.

"Blaire, right?" Sabi ni Daine habang nakangiti.

"Jane na lang." Sabi ko at nakipagkamayan.

"May kukuha sana ng bag na 'yan kanina kaya pinigilan ko. Nakita ko kasi na dala mo' yan kanina." Sabi niya.

"Sa-salamat." Maikling sabi ko. Sino naman ba ang kukuha ng hindi sa kaniya? Pasalamat na lang ako at pinigilan siya ni Daine.

"Sige, alis na ako." Sabi ni Daine at umalis. Nagsimula rin akong maglakad pabalik sa cafe.


"Minho?" Nagtatakang tawag ko kay Minho na kapapasok lang sa room. Hindi naman siya tumingin sa akin. Baka mahina ang pagtawag ko sa kaniya.

"Minho!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa akin. Nakita kong kumunot ang noo niya at naglakad papunta kay Daine? Lalapitan ko na sana siya nang umalis na silang dalawa.


Anong nangyari? Bakit hindi ako pinansin ni Minho? Nagtampo ba siya dahil hindi ako nagpasama sa kaniya? Tsaka, magkakilala pala sila ni Daine?

Iniling ko naman ang ulo ko ang naglakad na ulit habang bitbit ang naiwan kong bag. Tiningnan ko naman ang laman kung kumpleto ang mga gamit ko.


"Jane!" Hinihingal na tawag ni Minho sa akin habang tumatakbo papunta sa direksyon ko. Napakunot naman ang noo ko. Ngayon naman ay tinatawag niya ako habang tumatakbo? Ano ba ang nangyayari? PMS? Hindi. Lalaki si  Minho kaya imposible na PMS. Baka pagbibinata? Baka 'yan nga ang rason.

"Pinuntahan na lang kita. Ang tagal mo kasi." Sabi niya at kinuha ang bitbit kong bag para siya ang magdala. Hindi naman ako makagalaw. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Mood swings?

"Jane, okay ka lang ba? May nangyari ba?" Nagtatakang tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya. Pinisil ko naman ang pisngi ko.

"Aray!" Singhal ko. Masyado atang masakit ang pagkapisil ko.

"Bakit mo naman pinisil ang sarili mo?" Takang tanong niya.

"Akala ko kasi nananaginip ako." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Nakita ko kasi na---"


"Minho!" Nakita ko naman si Daine na naglalakad papunta sa amin ni Minho kasama niya si Minho?

Pabalik-balik naman ang tingin ko sa katabi ko at sa katabi ni Daine. Bakit dalawang Minho? Doppelganger?

"Hahahaha!" Napailing naman ako nang marinig ang tawa ni Daine.

"Kambal sila." Natatawang sabi ni Daine.

"Ha-ha?" Hindi ko pa rin nadigest ang nangyari.

"Pagpasensyahan mo na pala kanina nang hindi ka niya pinansin." Paghingi ng paumanhin ni Daine habang nakaturo sa katabi niya.

"O-okay lang." Nauutal kong sabi.

"Ayaw niya kasing pinagkakamalan siyang si Minho. Kahit magkakambal sila." Dagdag ni Daine. Nakita ko namang siniko siya ng kakambal ni Minho.

"Hindi ko pala nasabi sa'yo na may kakambal ako." Nahihiyang sabi ni Minho.

"Si Yumin nga pala. Kakambal ko." Pagpapakilala niya sa kakambal niya. Hindi ko alam kung makikipagkamay ako sa kaniya.

"Kailangan na naming umalis." Sabi ni Minho. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila paalis.


Huminto naman siya sa paghihila sa akin nang makarating kami sa gate ng school.

"Pasensya na." Agad naman niyang binitawan ang kamay ko.

"A-ano. Mi-minho." Pagtawag ko sa kaniya.

"Ba-bakit?" Pagsagot niya. Umiling na lang ako.

"Wa-wala. Tara na." Pag-aya ko sa kaniya at pumunta na sa cafe. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya pagkatapos ng nangyari. Hindi ko alam kung nahihiya akong tanungin siya o naaawkward lang ako.

"Tagal niyo naman." Reklamo ni kuya nang makarating kami.

Good Girl's Lovelife Book 2Where stories live. Discover now