Chapter 7: Flashback

10 2 0
                                    

"Jane, I-i'm really sorry for what happened. For everything." Sabi ni Jaimee. Niyakap naman siya si Jane.

"Naiintindihan ko naman kung bakit niyo ginawa 'yon. Huwag mo nang alalahanin pa. Okay na ang lahat. Ang importante, ang ngayon." Paliwanag naman ni Jane sa kaniya at kumalas sa yakap.

"So, best friends?" Tanong ni Jaimee habang nakangiti.

"Anong best friends? Ako kaya ang best friend niya!" Maktol ni Miley kaya napatawa silang dalawa.

"Mi-miley, I'm also sorry for everything I've done to you. Hindi ako makapagbibigay ng rason kung bakit ko nagawa ang mga bagay na 'yon." Paghihingi ng pasensya ni Jaimee.

"Ano ka ba! Matagal na' yon. Tsaka sabi nga ni Jane, ang importante ay ngayon." Sabi ni Miley habang nakangiti.

"Ahem." Napalingon naman si Jane sa pintuan at nakita niya si Leo. Agad naman siyang niyakap ni Jane.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Jane at kumalas.

"Bakit? Miss mo na ako?" Pangungutya ni Leo.

"Ano ba 'yan? Nangangati ako dahil sa langgam." Sabi ni Miley kaya natawa na naman sila.

"Jaimee, ready ka na ba? Huwag kang matakot. Hindi naman kasi masakit kasi tulog ka naman habang inooperahan." Sabi ni Leo kaya binatukan siya ni Jane.

"Hindi ka nakakatulong eh." Sabi ni Jane.

"It's okay. I'm fine. Makakaya ko 'to. Lalo na' t alam kong nandito kayo para sa akin." Paliwanag ni Jaimee.

"Huwag ka ngang ganyan! Pinapaiyak mo ako eh!" Sabi ni Miley. Gumaan naman ang mga pakiramdam nila dahil sa pagpapatawa ni Miley.

"Hu-huwag na kayong maghintay. Umuwi na muna kayo o kaya gumala. Alam ko naman matagal pa ang operasyon." Sabi ni Jaimee. Tumango naman si Leo.

"Babalik kami kapag nakabalik ka na dito sa room mo." Sabi ni Leo at umalis na ang tatlo.

"Parang aalis na lang ako." Sabi ni Miley kaya napatingin si Jane sa kaniya.

"Parang thirdwheel ako sa inyo eh." Dagdag niya kaya natawa silang tatlo.

"Ano ka ba!" Sabi ni Jane at hinampas niya si Miley nang mahina sa balikat.

"May pupuntahan din naman kasi ako." Sabi ni Miley.

"Gan'on ba? Mag-ingat ka ha?" Sabi ni Jane at bumeso sa kaniya. Nagwawave naman siya habang paalis.

"Saan tayo ngayon pupunta?" Tanong ni Jane kay Leo.

"Saan mo ba gusto?" Balik na tanong niya.

"Arcade?" Sabi ni Jane at tumango naman siya.

*ring! ring!*

"Jane! Nasaan ka?" Tanong ni Jester nang sagutin ni Jane ang tawag niya.

"Nasa ospital, kuya. Bakit?" Takang tanong ni Jane.

"Aayain sana kitang magdinner bago ako bumalik sa States bukas." Nagulat naman si Jane sa sinabi ni Jester.

"Sige. Itext mo na lang ako kung saan." Sabi ni Jane at binaba ang tawag. Tiningnan niya naman si Leo.

"Parang hindi ako pwede ngayon." Sabi ni Jane habang tinuturo ang selpon niya at nakapout.

"Okay lang. May next time pa naman." Sabi ni Leo at ginulo ang buhok ni Jane.

"Hatid na lang kita. Saan ba?" Dagdag niya kaya napangiti si Jane. Pinakita naman ni Jane sa kaniya ang text ni Jester.




"Ayaw mo ba talagang sumama sa loob? Okay naman daw kay kuya." Sabi ni Jane nang makababa sila sa sasakyan ni Leo.

"Okay lang. Bonding niyo naman din 'yan. Ayaw kong makaistorbo." Sabi ni Leo.

"Hindi ka naman distorbo." Pabulong na sabi ni Jane pero umiling lang si Leo at ngumiti.

"Sige. Ikaw bahala. Mag-ingat ka." Sabi ni Jane at umalis na si Leo. Pumasok naman si Jane sa loob ng restaurant.

"Kuya!" Bati ni Jane nang makita niya si Jester at nagbeso sa kaniya.

"Nandito ka rin pala kuya LJ." Sabi ni Jane at nagbeso rin kay LJ.

"Inimbita ko rin siya." Sabi ni Jester sabay turo kay LJ.

"Bakit hindi mo sinama si Leo?" Tanong ni Jester.

"Ayaw niya daw makadistorbo eh." Sabi ni Jane. Tumango naman si Jester.

"Si Leo? Kasama mo siya?" Sabi ni Wayne na kararating lang kaya napalingon si Jane.

"Oh! Kuya!" Sabi ni Jane Tumayo siya at nagbeso kay Wayne. Umupo naman siya sa tabi ni LJ.

"Opo. Siya ang naghatid sa akin dito." Sagot ni Jane kay Wayne. Hindi naman naintindihan ni Jane ang reaksyon ni Wayne. Umiling si Wayne dahil sa sagot ni Jane.

"Anything wrong?" Tanong ni LJ. Bumulong naman si Wayne kay LJ at naging galit ang reaksyon nito.

"Ano 'yon?" Tanong ni Jane pero umiling silang dalawa. Napatingin naman siya kay Jester na busy sa pagbabasa ng menu. Tumingala naman si Jester at tiningnan ang tatlo.

"Bakit?" Takang tanong ni Jester.

"Nakalimutan kong may pupuntahan pala ako. Mauna na ako." Sabi ni LJ at tumayo.

"Hindi pa tayo nakakain ah? Importante ba?" Tanong naman ni Jester kay LJ. Tumango naman si LJ at umalis. Tatayo rin sana si Wayne pwro sinenyasan siya ni LJ na magpaiwan kaya wala siyang nagawa kundi manatili.

"Saan pupunta 'yon?" Bulong ni Jane kay Wayne. Nagkibit balikat lang si Wayne.

Good Girl's Lovelife Book 2Where stories live. Discover now