Chapter 6

12 2 0
                                    

Walang masyadong nangyari sa pagpunta namin sa Palawan dahil sa ikalawang araw namin ay bumalik na sa States sina Mama and Dad. Nagkaemergency raw kaya kailangan nilang bumalik. Hindi rin kami masyadong nag-enjoy. Si kuya Wayne lang siguro dahil nakapunta siya sa ibang resort. Sa pagkakaalam ko, maraming babae rin siyang nakilala dahil d'on.

"Kuya! May tumatawag sa'yo! Kanina pa 'yan!" Sigaw ko kay kuya Wayne. Iniwan niya kasi ang selpon niya dito sa sala.

"Pakisagot na lang. Baka importante." Sabi naman niya. Ano bang ginagawa niya at hindi niya masagot-sagot ang tawag?

"Unregistered number?" Tanong ko nang buksan ko ang swlpon ni kuya.

"Hello? How can I help you?" Sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

"Excuse me. Correct me if I'm wrong. This is the number of Wayne, right?" Babae? Babae ang tumatawag?

"Yes. This is Wayne's. But may I ask if you know his surname?" Tanong ko sa babae.

"I think it's Darion? Wayne Darion." Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maaawa sa babaeng tumawag. Obvious kasi na isa siya sa mga nakilala ni kuya sa Palawan.

"I'm sorry but I think you're calling the wrong number." Sabi ko at inend and tawag. Nakita ko naman si kuya na pababa sa hagdan.

"Sino ang tumawag?" Tanong niya habang pababa.

"Wrong number eh." Sabi ko naman at tumango siya.

"Si Wayne Darion kasi ang hinahanap. Eh hindi naman' yon ang pangalan mo." Sabi ko. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni kuya at namumutla siya kaya napatawa ako nang malakas. Ensakto naman na pababa sa hagdan si kuya LJ.

"What's going on?" Talang tanong niya.

"Si kuya Wayne kasi! Marami talaga siyang babae! Naku! Tigilan mo na 'yan kuya." Sabi ko at pinigilan ang pagtawa. Napakunot noo naman si kuya LJ.

"Hayaan mo siya kung diyan siya masaya. Huwag lang siya lalapit sa atin at humingi ng tulong." Sabi ni kuya LJ.

"Tara na. Baka malate pa tayo." Dagdag ni kuya kaya pumunta na ako sa sasakyan niya.

"Parang ang awkward naman na magkakaklase tayong tatlo." Sabi ko habang umiiling.

"Magkaklase naman tayo ng tatlong taon ah? Anong awkward doon?" Tanong ni kuya LJ habang nagdadrive. Nagkibit balikat naman ako.

"MILEY!" Sigaw ko nang makalabas ako sa sasakyan.

"Jane!" Sabi niya at lumapit sa akin.

"Kanina pa ako naghihintay sa inyo. Bakit ang tagal niyo?" Tanong niya. Tiningnan ko naman si kuya Wayne.

"Oh? Ba't parang natatawa ka?" Takang tanong ni Miley. Umiling naman ako.

"Wala. Tara na." Pag-aya ko sa kaniya.

"So, kamusta ang Palawan?" Tanong ni Miley.

"Ayon. Hindi ko alam kung naenjoy ko ba o hindi kasi umalis kaagad sina Mama at Dad papuntang States. Si kuya Wayne lang siguro ang nag-enjoy." Paliwanag ko. Naramdaman ko namang may kumalabit sa tagiliran ko at nakita kong si kuya Wayne ang gumawa n'on.

"Huh? Bakit siya lang?" Tanong ni Miley. Binigyan ko lang siya ng ngiti at naunang maglakad. Baka sabihin niyang playboy si kuya kapag nalaman niya. Hindi naman kasi playboy si kuya. Chick-magnet lang. Ewan ko ba kung matatawa ako sa mga iniisip kong 'to.

"Okay class! Natural lang na mag-introduce ng sarili niyo dahil first day of school ngayon. Let' s start from the back." Sabi ng prof.

"Aish! Sa likuran ako umupo para hindi ako masyadong makakuha ng atensyon pero sa akin pa magsisimula." Rinig kong bulong ni kuya Wayne kaya napatawa ako.

"Wayne Calistre." Sabi ni kuya at umupo.

"That's it? Can you tell us some of your hobbies?" Sabi ng prof kaya napatayo siya.

"I like playing basketball but I don't like balls." Sabi niya kaya tawa ang narinig ko sa loob ng classroom. Kahit kailan talaga. Topakin pa rin.

"I'm Miley Salazar. I'm good at cooking. Nice to meet you all." Pagpapakilala ni Miley kaya pumalakpak ako.

"I'm Mary Jane Shinee Sida--- Opps." Sabi ko at tinakpan ang baba ko.

"I'm Azriah Blaire Calistre. My friends call me Jane. Don't bother to ask because it's a very long story. I like to eat. Thank you." Sabi ko at umupo. Napatingin naman ako kina kuya Wayne, Miley at kuya LJ. Nagulat sila sa sinabi ko. Ngumiti naman ako.

"LJ Calistre. Kapatid ko sina Wayne at Jane--I mean si Azriah. Huwag na rin kayo magtanong kung bakit magkaklase kaming tatlo dahil mahabang kwento." Pagpapakilala ni kuya LJ. Natawa naman ako sa sinabi niya. Binigyan ko naman siya ng sign na aprub.

"Ngayon ko lang narinig ang totoo mong pangalan. Azriah Blaire ha?" Bulong ni Miley.

"Huwag mo akong tawaging Azriah o Blaire. Hindi ako sanay eh." Bulong ko pabalik sa kaniya.

"Hindi ko alam na uso pa ang 'introduce yourself' sa college." Napatawa naman ako sa bulong ni Miley.

Nagbulungan lang kami ni Miley habang nagpapakilala ang iba naming kaklase hanggang sa natapos.

"Okay. I'm Mr. Jacob Denma. Your Homeroom teacher and also your Statistic teacher." Sabi ni prof.

"Uso rin pala 'yong homeroom teacher sa college?" Bulong ni Miley kaya siniko ko siya.

"Yes, Ms. Calistre and Ms. Salazar? Anything you want to share?" Sabi ni Mr. Denma. Umiling naman ako.

"Nothing, sir." Sagot naman ni Miley at tumango si Mr. Denma.

Nang makaalis si Mr. Denma ay agad namang nag-aya si Miley na pumunta sa canteen para tikman ang luto doon.

"Kaya pala mahilig sa pagkain si Jane dahil sa'yo." Sabi ni kuya Wayne.

"So? Anong point mo?" Pagsagot ni Miley kaya napatawa ako.

"Tara na nga!" Inis na sabi ni kuya Wayne.

"Ikaw ba inaya ko?" Tanong ni Miley kaya napatawa ako uli. Umiiling-iling naman si kuya Wayne.

"Mauna na muna kayo. May dadaanan lang ako." Sabi ni kuya LJ at umalis.

"Sino naman ang dadaanan niya?" Takang tanong ko at tumingin kay kuya Wayne.

"Hindi ko alam. Wala akong ideya." Sabi niya at nagkibit balikat.

"Tara na nga." Sabi ko at pumunta kaming tatlo sa canteen.

"Sana nagcafe na lang tayo." Reklamo ni kuya Wayne.

"Nagkapunto ka rin." Pagsang-ayon ni Miley.

"Pwede pa naman ah? May oras pa naman." Sabi ko kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Tsaka wala rin masyadong prof kung first day of school." Bulong ko kaya tumango sila.

"So, magcucut kayo?"

"Oo!--Este hindi kuya. Kahit naman walang prof, eh dapat pa ring pumasok." Sabi ko nang makita ko si kiya LJ.

"Ang KJ ni kuya LJ." Sabi ni kuya Wayne.

"KJ equals LJ." Sabi naman ni Miley.

"Kill joy tsaka lacks joy?" Sabi ko naman at tumawa kamin tatlo.

"Bahala kayo." Sabi ni kuya LJ.

"Game?" Tanong ko.

"Game!" Bulwas naman nina Miley at kuya Wayne. Napatingin naman kaming tatlo kay kuya LJ.

"Yeah! Yeah! Count me in." Napipilitang sabi niya kaya tumayo na kami at umalis.

Good Girl's Lovelife Book 2Where stories live. Discover now