CHAPTER 1

15.1K 273 7
                                    



"OKAY, PEEPS, lets do this." Walang kaabog-abog na kinalas ni Ruby ang suot niyang pulang silk robe. Red lace brassiere at red thong lang ang nasa ilalim niyon. May full length mirror sa harap niya kaya kitang-kita niya ang repleksiyon.

She studied her body. Her skin is creamy white. Flawless. Nasa tamang lugar lahat ng curves niya at ang boobs, ah, those babies are her best assets. Hindi naman sobrang lusog pero mabibilog at tayong-tayo. Her waist is flat, may konting cut pa dahil sa pamatay na work-out na ginagawa niya.

If you've got it, flaunt it! Galing sa bibig ng kaibigan niyang si Bianca ang mga katagang iyon. Si Bianca na siyang nagtulak sa kanya sa propesyon niya. Isang modelo sa nude photo shoots.

"Naku, sister, inggit much ako sa mga 'to," anang bading na make-up artist na abala sa pagda-dust ng glitter sa kanya. Dinutdot nito ng brush na idinawdaw sa glitter ang isang mabilog na kalamnan. "Wish ko lang na maging ganyan ang itsura mga boobits ko kapag umepekto na nang todo ang hormone injections na ipinapaturok ko. Sino ang gumawa ng mga 'yan ha?"

"Excuse me." Inirapan ito ni Ruby. "Organic ang mga 'yan. Biyaya ni Mother Nature. Walang halong kemikal, walang preservatives."

"Ang taray. Ikaw na, sister." Itinaas ng bading ang isang kamay. Tumatawang naki-apir dito si Ruby. "Heads up, sis. May potential fafa sa tabi-tabi." Kumibot ang labi nito paturo sa isang panig ng kuwarto.

Isang lalaking nakasuot ng shades ang natanaw niya. The guy is casually lounging on one of the canvas chairs in the room. May hawak itong smartphone at panay ang tipa nito roon.

"Teka, ba't may ganyan? Di ba bawal ang strangers sa sessions?" Kahit naman sanay na siyang magpa-litrato ng walang damit ay hindi pa rin siya natutuwang ibuyangyang ang katawan niya sa mga taong hindi involved sa photo shoot. "Ano? Libreng boso lang, ganoon?" Umarko ang isang kilay niya.

"Chill, 'te, aalis din 'yan bago ang hubaran. Friend 'yan ni bossing. Gusto raw mag-observe para sa...ewan, thesis ba o kung anumang may kinalaman sa intellectual pursuits. At 'wag ka ha, fafable siya. Kung ako ikaw, ipo-flaunt ko ang beauty ko imbes na magtaray. Huwag sumimangot, sis. Ang wrinkles." Dinutdot nito ng brush ang noo niya.

Agad ngang ni-relax ni Ruby ang facial muscles niya. May suot siyang maskara kapag kinukunan ng litrato kaya walang problema kahit tadtad siya ng wrinkles pero ayaw rin naman niya na maagang tubuan ng mga iyon ang mukha niya. Dapat fresh lagi ang beauty niya. Iyon kaya ang puhunan niya – plus ang sexy body niya – para makabingwit ng yayamaning fafa kagaya ni Bianca na ngayon ay ginagawa na lang na parang Cubao ang Germany.

Fil-German ang nabighani sa bruha. Hinabol-habol ang kaibigan niyang may Master's Degree yata sa art ng pagpapakipot kaya mas lalong nahayok dito ang German. After 25 years eh saka lang ibinigay ni Bianca ang matamis nitong oo kay Fafa German. Ngayon, konting kembot na lang ay till death do us part na ang next chapter ng love story ng mga ito.

She is longing to be like her friend. So what kung hubadera siyang matatawag? Sa doon siya kumikita eh. She likes to think na may semblance of decency pa rin kahit paano ang ginagawa niya. Una ay dahil hindi personal na nakikita ng mga tumitingin ang hubad niyang katawan. Sa litrato lang. Lumalabas ang mga nude photos niya, at ng iba pang mga female models na kasamahan niya, sa isang website. Pay per view ang terms at may porsiyento ang modelo sa ibinabayad. Pangalawa ay hindi rin kita ang mukha niya kaya kahit makasalubong niya ang isa sa mga suki niya ay hindi nito malalaman na katawan niya ang pinagpistahan nito. May suot kasi siyang maskara sa mga litrato. Iyon ang peg ng website. Katawan lang ang ipinakikita, hindi mukha. It is for people who just wants to see a sexy body. Iyong mananatiling impersonal ang panonood nila sa kahubdan ng isang babae dahil hindi nila alam kung ano ang itsura nito.

PAINT ME RED (R-18) #Wattys 2019Where stories live. Discover now