CHAPTER 42

3.8K 82 15
                                    



MARAHAS siyang napatingin sa lalaki. Inasahan niya ay itatanggi ni Aegen ang deklarasyon ng babae. Pero nanatiling walang imik si Aegen. Maliban sa bahagyang pagtatagis ng mga bagang nito ay wala siya nakitang pagtutol dito. That could only mean he lied to her. Kagaya ng hilig gawin ng mga kabaro nito, itinago nito ang pagkakaroon ng ibang babae sa buhay nito.

Okay, here's the part about love that sucks. The part where the stupid lovesick partner gets hurt. Pero hindi niya kailangang ipaalam sa lalaki na lovesick siya o kaya ay in pain dahil sa kalokohan nito.

"How nice," sarkastiko niyang sagot imbes na sumbatan ito. "I guess then that I can now claim my just reward."

"Reward?" Napakunot si Tatiana.

"He promised he'd give me my inheritance if I became his fuck buddy. Pero ngayong nandito ka na, tama lang siguro na umalis na ako. At dahil tapos na ang usapan namin ay kukunin ko na ang kabayaran niyon." Pinilit itaas ni Ruby ang noo habang nagsasalita pati na rin ang iparinig sa boses niya na walang kabagay-bagay sa kanya ang pagtatapos ng usapan nila ng lalaki. It's a matter of pride not to let Aegen know how much it hurts to discover a woman already had a prior claim to his heart.

Wala rin naman siyang karapatan na magalit. Hindi nila pinag-usapan ang tungkol sa pagmamahal. Ang linaw ng usapan. They would be fuck buddies. Ang kapalit, ang mana niya na imbes sa kanya iwan ng lola niya ay sa lalaki nito ipinasa. May makukuha rin naman siya sa nangyari sa kanila ng lalaki kaya hindi siya dapat magmukmok.

If only she can tell her heart to stop hurting. Dahil iyon talaga ang nararamdaman niya. Parang nagbibitak-bitak ang puso niya habang nakatingin siya kay Aegen at Tatiana. Hindi na magkayakap ang mga ito pero nakasapo pa rin ang kamay ng lalaki sa likod ni Tatiana. Ang babae naman ay nakapaikot ang braso kay Aegen. Ngali-ngali nga si Ruby na paluin paalis ang braso na iyon pero nagpipigil siya.

I don't give a damn, iyon ang gusto niyang iparating sa dalawa, lalo na kay Aegen.

"So, agree ka ba?" naghahamon ang tonong tanong niya sa lalaki.

"Yes, of course."

Her heart broke all the more. Hindi man lang nag-atubili ang lalaki. Para ngang nagmadali pa ito sa pagsangayon. Prueba lang na wala nga itong nadamang kakaiba sa kanya. She really was just a fuck buddy to him. Hindi nito kasalanan kung ilusyunada siya.

MABILIS nang nag-empake si Ruby. Nasa kasagsagan siya ng pagsisilid ng gamit sa bag niya nang may kumatok sa pinto. Hindi niya tinugon iyon. Wala siya sa mood humarap kahit kanino. Sana ay umalis na lang ang kung sino mang kumakatok. Pero maya maya lang ay narinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Hi..."

Boses ng babae ang narinig niya. And she felt disappointed. Noon niya nadiskubre na umaasa pala siya na si Aegen ang kumakatok. Na balak nitong kausapin siya para pigilan ang pag-alis niya o mas maganda, ang itanggi na tutoo ngang nobya nito si Tatiana.

"Yes?" She tried to keep her voice neutral. Iyon ay kahit pa sa tutoo lang ay gusto niyang singhalan ang babae. Wala naman itong kasalanan kung tutuusin.

"Can we talk?"

"Tungkol saan?" Itinuloy na niya ang pag-aayos ng mga gamit niya.

"You are really just Aegen's fuck buddy?"

Insecure ka, girl? Anang nagmamaktol na kalooban ni Ruby. Hindi na nga niya itinanggi na girlfriend ka niya. Hindi nga siya kumontra nang sabihin ko na fuck buddies nga lang kami, ano pa ang problema mo?

"I said so, didn't I?" kaswal niyang sagot, tuloy pa rin sa pagbutbot sa gamit niya kahit sa tutoo lang ay tapos na siya sa pagliligpit. "And as you can see, I'm leaving."

"Nag-usap na kayo ni Aegen?"

"Wala na kaming pag-uusapan pa." Ni ayaw na ngang makaharap pa muna ni Ruby ang lalaki. She might just do something stupid. Like cry infront of him. "So kung nasagot ko na ang tanong mo, I hope you'd excuse me. May mga aasikasuhin pa 'ko."

Fortunately, the woman got the hint that she wanted her to leave. Nagpaalam na ito saka lumabas ng kuwarto. Pero bago ito tuluyang umalis ay sandali pa siyang minasdan. Pinilit naman niya itong dedmahin. 

PAINT ME RED (R-18) #Wattys 2019Where stories live. Discover now