CHAPTER 8

7.7K 150 11
                                    



UMUUBO si Aegen nang lumitaw ang ulo niya mula sa tubig. His survival instinct kicked in at the last minute. He did a somersault in midair so that he would land feet first into the water. Napasinghap siya nang malaglag sa dagat, nagulat sa lamig niyon. Nakalunok tuloy siya ng tubig at nasamid. He was coughing when he surfaced. Habang ikinakampay niya ang mga paa para mapalutang ang sarili ay pinilit niyang alalahanin ang dahilan kung bakit hindi siya dapat mamatay pa. He still has a job to do. He feels he is not up to the task but he made a promise and he would not turn his back on it.

Sandali siyang naglunoy sa malamig na karagatan. Nakakatulong iyon kahit paano para mabawasan ang bigat ng dinadala niya sa dibdib. Kahit sandali ay nakakalimutan niya ang lungkot na hatid ng mapait na katotohanan na mag-isa na siya sa mundo. Iniwan na siya ng lahat ng taong minahal niya.

Ilang beses siyang nag-dive sa ilalim. The water is so clear he could see the bottom even if it is several feet down. Malaking tulong sa kanya ang pagtira sa lugar na iyon. Doon siya nakahanap ng kanlungan. Maya maya ay may nakakuha ng pansin niya. Tunog ng motor. Tumingala siya at natigilan nang makita ang helicopter sa himpapawid. Na-paranoid agad siya. Kahit alam niyang malabong siya ang pakay ng sakay ng chopper ay mabilis pa rin siyang lumangoy papunta sa gilid ng cliff. Nagsumiksik siya sa mga batuhan para magtago. Mabilis nag-isip si Aegen kung paano matatakasan ang kung sino mang lulan niyon. Pero bago pa siya tuluyang mag-panic ay paikot na umangat ang lipad ng chopper. It veered away after circling the place one last time.

Nakahinga ng maluwag si Aegen. Nang makalma ang sarili ay sinimulan na niyang lumangoy papunta sa pampang. That place is his haven and he would hate it if anyone finds out where he is. Dahil sa lugar na iyon ay nagawa niyang magmistulang nawala sa balat ng lupa. And he is determined that it stays that way.

MAINGAY ang paligid. Sa pagpasok ni Ruby sa pinto ay halos mabasag ang eardrums niya sa lakas ng tugtog. Sinalubong din siya ng naghahalo-halong usok na galing sa yosi at iba't ibang droga na ginagamit ng um-attend rave party. Sa isang warehouse iyon ginaganap at ilan sa mga kasamahan niyang modelo ay nandoon. Katunayan ay may ginagawa pang photo shoot roon.

Hindi kasama sa shoot si Ruby pero inimbitahan siya ng photographer nila. Nagkataong bored siya at naghahanap ng paglilibangan kaya mabilis siyang napapayag. Binalaan na siya ni Bianca tungkol sa mga ganoong parties. Wild daw ang mga iyon. Lagi ring may drugs. Pero kung ang kaibigan niya ay nagawang iwasan ang mga tuksong kaakibat ng napili nilang pagkakakitaan, si Ruby ay mas handang pagbigyan ang sarili niya.

She is indulging her wild side. Pakiramdam niya ay wala nang mawawala sa kanya. Patay na ang mommy niya. Sandali lang nadugtungan ang buhay nito ng surgery. Ni hindi nga ito nagkamalay sa buong panahong nasa ICU ito na inabot ng lagpas dalawang buwan. Ang ibinunga lang niyon ay ang lalong pagkakalubog ni Ruby sa utang.

Nagsisimula pa lang siyang makabawi. Iyong kinita niya kasi dati ay napunta sa pagbabayad ng inutang niya. Pagkatapos ng pagpapakahirap niya ay dapat lang naman sigurong pagbigayn niya ang sarili na magpakasaya. Bianca had warned her against the pitfalls of their chosen profession but she feels that it is just right to let herself loose once in a while.

Isang lalaki ang agad na sumalubong sa kanya.

"Hi, Cliff." Kaibigan ito ng isa sa mga kasamahan niya.

"Hi, babe." Hinapit nito ang beywang niya, hinalikan siya sa labi.

Nakaiwas sa huling sandali si Ruby kaya sa pisngi lang niya nag-landing ang halik nito.

"Pakipot ka pa rin pala," anito.

"Choosy lang," ganti niya.

His eyes darkened a little. Na-offend yata ito. Pero agad din itong ngumiti.

"Tignan natin kung gaano ka pa rin ka-choosy matapos mong ma-try 'to." Isang clear liquid na nasa botelya ang iwinagayway nito.

Comments? Votes? Please.

PAINT ME RED (R-18) #Wattys 2019Where stories live. Discover now