CHAPTER 49

3.8K 87 20
                                    



"PAPAYAG iyon. Wala sa usapan namin ang pagiging sobrang clingy."

"Eh di go tayo," pagpayag agad niya. "Where and when?"

"Sige, gagawa ako ng itinerary," nakangiting sagot ni Bianca. "Stop moping na, bes ha."

"Moping ka diyan. Hindi ah," tanggi niya.

Ilang araw pa ang dumaan. Nakalipat na sa bahay na malaki si Ruby. Feeling niya ay aalog-alog siya roon, lalo kapag busy si Bianca at hindi siya masamahan. The things she had only dreamed of had fallen into her lap so she couldn't understand why there are times when she found herself almost about to burst into tears.

Pinipigilan ni Ruby na maiyak. Ano pa ba ang problema niya at paiyak-iyak pa siya? Well, she could say it is because she misses her mother. Nanghihinayang siya na wala na ito para makasama niya sa bagong karangyaan niya. But she knows fully well that is not the only reason. Ayaw na lang niyang pansinin pa ang isang rason kung bakit hindi niya magawang maging totally happy.

Si Aegen, ah sigurado siya, masaya na ito. Sobrang saya, malamang. Kasama si Tatiana.

May isa pang balitang dapat ay magpasaya kay Ruby. Napanood niya iyon sa dambuhalang tv screen na naka-mount sa sala ng malaking bahay niya. Pumanaw na si Sen. Durante. Matagal na naging comatose ito dala ng injuries na tinamo sa engkuwentro sa isla pero bumigay na rin ang katawan nito. Pribado ang naging libing, ilang miyembro lang ng media ang pinayagan na i-cover iyon. Malamang na gumamit ng kuneksiyon ang pamilya nito para itago ang lihim ng lalaki.

She is truly free. Wala na talagang dahilan para magmaktol siya. Kaya nga pinipilit ni Ruby na magpakasaya sa kabila ng pamimigat ng kalooban niya na hindi maalis-alis kahit anong gawin niya.

Wala na siyang balita tungkol kay Aegen. Kahit kay Tatiana at Ted ay wala na rin. Well, hindi rin naman siya masigasig na naghahanap ng info tungkol sa mga ito. Pilit na niyang kinumbinsi ang sarili na parte na lang ng tapos ng kabanata ng buhay niya ang mga ito.

"Bes, you need that vacation," komento ni Bianca. Nasa bahay ulit niya ito, nakaupo sa lounger at may hawak na inumin. Nasa tabi sila ng pool at kakatapos lang maglangoy. "You look like shit eh."

"Wow, thanks naman," sarkastikong sagot ni Ruby.

Tumawa ang kaibigan niya. "Sorry not sorry," anito. "Kaibigan mo 'ko kaya kita bobolahin. You probably need to de-stress. Kaya iyong sinasabi kong getaway eh ituloy na natin. Kahit hindi mo 'ko ilibre eh okay lang."

"Tara," pasya agad niya. Kailangan nga talaga niya ng bagong environment. Para kasi siyang nasasakal sa kinaroroonan niya.

So, nagplano sila ng kaibigan. Si Bianca ang nagpresintang mag-aayos ng lahat. Ang kailangan lang daw niyang gawin ay ang sumipot at sumama. Hinayaan na ito ni Ruby sa gusto nitong mangyari.

And so the day of their departure came. Susunduin na rin lang daw siya ng kaibigan kaya ngayon ay naghihintay na siya rito. Maya maya ay nag-ring ang phone niya. Si Bianca ang tumatawag.

"Bes..."

"O, ano na?" Naalarma si Ruby. Hindi maganda ang kutob niya. Kahit isang salita pa lang ang sinambit ng kaibigan ay parang nakikinita niya na hindi nakakatuwa ang magiging kasunod niyon.

"May emergency. Si honeybunch, he needs me raw."

"Ha? Anong nangyari sa kanya?"

"He's sick. Hindi malala pero naglalambing."

Bumagsak ang kalooban ni Ruby. She is so looking forward to their getaway.

"Ganito na lang. Mauna ka na at susunod ako," ani Bianca.

"Weh!"

"Di nga. Promise. Kilala ko na 'tong si sweet cakes. Pabebe lang ito pero bukas lang malamang nauumay na 'to sa 'kin. So go ahead at bukas makalawa nandoon na rin ako, okay? May susundo sa iyo. Plan B ko talaga iyon just in case nga magkaroon ng aberya."

Tutuloy pa ba siya? Hindi naman yata masayang mamasyal ng mag-isa.

Well, hindi rin naman masaya ang mag-isa ka diyan sa bahay, sa loob-loob niya. So sige, go siya.

Isang SUV ang dumating sa loob ng fifteen minutes. Sabi ng driver ay ito ang nakausap ni Bianca. Sumakay na si Ruby. Mahaba ang biyahe kaya nag-nap na lang muna siya. Nang magising siya ay nasa daungan na sila. Kung nasunod ang original plan nila ng kaibigan ay kasama niya ito na maghihintay naman sa motor launch na maghahatid sa kanila sa pupuntahan nilang resort. Kaso nga ay solo flight siya kaya mag-isa na lang naglakad si Ruby papunta sa information desk para alamin kung paano makakatawid ng karagatan papunta sa resort.

Bago pa niya marating iyon ay may tumawag sa pangalan niya. Isang lalaki.

"Kayo ba si Miss Ruby Chavez?" tanong nito at nang tumango siya ay sinabi nito na sasamahan na siya nito sa kinaroroonan ng sasakyan niya.

While she was walking on the wooden planks, she caught sight of a figure standing at the end of the pier. Déjà vu para sa kanya ang pangyayari lalo pa at ang pigurang natanaw niya ay hindi nalalayo sa nakita niya noong sa isla ng lola niya siya papunta.

Nasa likod ng nasabing pigura ang liwanag kaya hindi makita ni Ruby ang itsura ng taong naghihintay sa kanya. But she could tell it's a man. A tall, muscular guy. Nakahalukipkip ito at nakatingin din lang sa kanya. And then he started walking towards her.

Binalingan ni Ruby ang kasama niya para tanungin kung kilala nito ang lalaki pero wala na ito. Naalarma siya. Set-up ba ang nangyari? Nasa panganib ba siya? Malay ba niya kung may galamay pa ang yumaong senador, at gusto siyang iligpit.

Just a few steps more and she saw the man's face. Ganoon na lang ang pagsasal ng dibdib niya. Nakilala na niya ito. Si Aegen.

PAINT ME RED (R-18) #Wattys 2019Where stories live. Discover now