Chapter 3

172 46 19
                                    

Ivy's POV

"Bwisit!" Sigaw ko nang tumunog yung alarm clock ko and it's 6:20 AM ayokong nal-late ako sa kahit anong bagay kaya mas nauuna ako sa manok,Agad akong dumeretso sa banyo at na ligo. "ANG LAMMMIIIGGG!!!"
Bwisit na tubig to! Anlamg-lamig pala isusumpa kita!. "Ivy! Ambagal mo!" Sigaw ni kuya kaya binilisan ko lalo shampoo at sabon lang tapos na! Ganun lang yun.
Nagpunas agad ako gamit yung twalya na bigay ni Jaspher last Christmas, nagbihis ako agad ng uniform at nagpulbo.
"Natapos din." Ngumiti ako sa sarili ko at napansin konyung liptint na bigay ni ate Shane. "Try ko nga." Mabango naman di tulad nung amoy ng mga lipstick,kadiri kaya!

"Ayan." Tinignan ko sa salamin na ayos lang naman ito may pagka red na pink ay ewan bahala na yan basta may kulay yung labi koagad akong bumaba at pumunta sa kusina wala na dito si kuya baka nasa labas na, kumuha lang ako tinapay at nagmadaling lumabas lumingon sakin si kuya na parang nakakita ng multo. "Kapatid ko? Ikaw ba yan?" Hayop tong kuya ko ah!
Ganun ba ako nag mukhang tao? O nagmukhang alien? Ghad! "Kuya ako to tara na!" Tinawanan niya lang ako at sumakay na sa sasakyan niya.

Habang nasa byahe papuntang school kumakain ako ng tinapay. "Ano ang nag-udyok sayo magpaka babae?" Basag ni kuya sa katahimikan napa ikot nalang yung mata ko at inayos itong gagung maikling palda na to. "Akala ko itatapon mo yung binigay ni Shane." Bahala ka diyan kuya di kita papansinin hanggang uwian. "Di moko papansinin?" Sarcastic na tanong ni kuya at dahil takot nga ako sa kuya ko wala akong magawa kundi kausapin siya baka palabasin ako sa sasakyan neto eh--- "Kung di mo ako kakausapin lumabas ka dito." Nanlaki yung mga mata ko nang i-park niya yung sasakyan niya dito sa bandang palengke eh ang layo pa neto sa school eh! "Kuya! I'm just joking no!" Nag-pout ako sakanya at pinaandar niya ulit yung sasakyan niya sumilip naman ako sa bintana at may nakita akong matangkad na lalaki tinutulungan yung matanda tumawid. "Bait naman, sana all." Sabi ko at napangiti si kuya hindi ko alam kung ano ang kinangiti niya dun sa sinasabi ko. "Classmate mo yan ah." Ha? Classmate? Hindi ko alam at wala akong balak alamin wala rin naman ako kaibigan sa class eh. "Ano unang subject mo ngayon?" Iba pala subject tuwing Wednesday daming pakulo ng school eh by the way Grade 10 palang ako sila kuya Zheb at Atticus grade 11 na tapos kami nila Jaspher,Shawn at Theo grade 10 pero iba-iba kami ng section.

Nilipat ako sa first section para daw mahawaan ako ng katalinuhan ng mga taga section one. "Filipino unang subject ngayon." Tumango si kuya at pinark na yung sasakyan niya dito sa harap ng school. "Sa GH nalang ah sumabay ka nalang kay Theo papunta." Nauna na akong bumaba at dumeretso sa classroom third floor pa naman yun, May nakakasalubong akong mga teacher pero di ko nalang sinusulyapan, Sorry! Di ako sipsip tulad ng iba kong kaklase na kulang nalang jowain na nila yung teacher--- "Aray!" Gago yun ah! "Pasensya." Sabi ng nakabangga sakin pero di niya ako sinulyapan. "Di mo ba ako kilala ha!? I'm Ivy Andres!" Dere-deretso lang siya at sinundan ko naman. "Hindi kita kilala at wala akong balak kilalanin ka." Wow! Yabang ha! Sarap makipag 1v1 dito ah--- "Miss,kung sino ka man at kung saan ka man nanggaling don't talk to me." May salamin siya na katulad kay Harry Potter pero di ko makita yung mukha niya.

Binilisan ko yung lakad ko at pumasok sa classroom pero nasa likod ko parin siya. "Are you following me?" Di ko parin makita yung buong mukha niya nakatungo siya at nakaharang yung buhok niya may binabasa rin siya sa cellphone niya. "Miss, I'm not following you this is my classroom and can you shut your mouth cuz I'm reading." Napanganga ako sa inasal niya halatang di niya ako kilala
at iyon ang pinagtataka ko kilala ang grupo namin at ang apelyido namin sa school na to.

Pumasok na ako at nag-iisa lang ang bakanteng upuan na pwede upuan at ang malas ko dahil sa tabi pa nung gunggong nayun ung bakanteng upuan. "Gagu talaga." Bulong ko sa sarili ko, nilabas ko naman yung Filipino book and notebook ko saka isang black ballpen sinilip ko naman si gunggong at nagbabasa siya sa cp niya pero nakayuko siya DI KO PARIN MAKITA MUKHA NIYA!!!
Ano ba mukha neto? Panget ba siya? tatawagin ko sana siya kaso dumating na yung Filipino teacher namin siya lang yung gusto kong teacher kasi ang bait niya naging teacher ko na kasi siya last year. "Magandang Umaga." Bati niya samin na hanggang tainga ang ngiti. "Ako si binibining Lucia ang inyong Filipino teacher." Dati namin siyang Science teacher hindi nga ako binabagsak ni teaceher Lucia kahit gagong-gago na ako eh.
"Kapag nasa klase ko kayo hindi kayo maaaring gumamit ng ibang lenggwahe maliban nalang ang tagalog." What??
mas gusto ko pang maging science teacher siya eh, Walangyan! Parang trip ata kaming ibalik sa 1892 ah.
Tumango ang ilang estudyante at naghahanap siya ng chalk sa board kaso wala siyang mahanap. "Kath,Kuha mo naman ako chalk oh." Tumango yung Kath at naglakad papalabas.
"Kapag tinawag ko ang inyong pangalan tumayo kayo at magpakilala." Haaay buti nalang hindi Alphabetical random yung pagtatawag.

Marami naman na ang natawag at hindi parin ako natatawag pati si gunggong kaya napatingin nalang ako sa bintana na katabi ko.
"Kevin Anderson." Naagaw yung atensyon ko nang marinig yung pangalan na iyon napansin ko ding tumayo si Gunggong.

"Kevin Anderson, Labing-anim na taong gulang, Wattpader."

Marami namang kinilig na babae kaya naiinis ako ang pabebe amputa!

"Ivy Andres." Ghad! Ako na pala kaya tumayo ako at inayos yung damit ko.
"Ivy Andres, 16 years old, ML player." Umupo agad ako nmat nagsi-hiyawan naman yung mga lalaki sa classroom maliban kay Gunggong or Kevin tinitignan niya lang ako na parang may pagdududa na bakit ako andito. "ML player ka pa din,Anak." Sabi ni teacher Lucia yan yung gusto ko sakanya tinuturing niyang anak mga estudyanye niya. "Ivy, Sa susunod magt-tagalog ah." Tumango ako at tumingin sa mga kaklase kong babae na kulang nalang balatan ako ng buhay pero wala akong pakialam kasi puro lang sila ganda duwag naman.

"Maglabas kayo ng papel at isang panulat at ilahad niyo lahat ng nalalaman niyo tungkol sa Filipino." Ghad! Ano isusulat ko? Pwede ba yung pang grade 6 na sagot? Wala ako masagot eh, Sinulat ko nalang yung apat na uri ng pag-ibig at pinasa ito kay teacher Lucia agad niya naman ito binasa at napangiti siya.
"Binibing Andres at Ginoong Anderson, Parehas kayo ng sagot, Ang apat na uri ng pag-ibig." Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil dun, Yun lang kasi yung alam ko eh kaya yun lang nasulat ko may alam naman ako kahit papano pero nakalimutan ko na. "Kinilig naman ako sainyo talagang ang apat na uri ng pagibig pa ang naisulat niyong dalawa." Ghad! Kuya help me! Kainin mo na ako lupa.

After 1 hour nag bell na at nagtext si Kuya sa group chat.

King Zheb: kita-kita sa playground.

Kinuha ko yung bag ko at naglakad na papalabas ng classroom kaso may humawak sa kamay ko. "Isa kang member ng Physix?" Ngayon lang niya ba alam? And yes! Physix ang pangalan ng group namin. "Yes,why?" Binatawan niya na ako at kinuha yung cellphone niya at pinindot niya yung app na color orange at may letter W. "Wala lang naman." Naglakad na siya papalayo habang naka-nganga parin ako dito.

Ghad! You don't know me Kevin Anderson.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now