Chapter 25

62 10 1
                                    

Ivy's POV

Nagsisisi...

Naghihintay...

Nagbabakasali...

Na makita pa ng binata ang dalaga basta ang alam niya dinala siya ng kuya at papa niya sa South Korea at ang nanay nila patay na...

"That's a big sacrifice." Sabi ng kuya ng binata habang tinatabihan siya nito sa upuan. "Magkikita ulit kami." Confident na sabi ng binata sa kanyang kuya. "How?"

"I believe in God's plan."

"Ang tragic naman, Kevin!" Ibabato ko na sana sa kanya yung libro pero agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Wag mong ibabato yan, Balang araw malalaman mo ang kahalagan niyan." Duh! It's just a book.

"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo." Kumunot ang noo niya habang gumagawa ng reviewer ko sa Filipino. "Why, so moody?" Tanong niya sakin habang nagmumukmok dito sa gilid ng kwarto niya. "Ang tragic eh!" Yap! That's kinda wierd but un ung reason ko kung bakit ako umiiyak.

"Dahil dun?" Blanko pa kasi yung susunod kaya kailangan ko pa maghintay kung nao ung next na nangyari doon sa binata at dalaga. "May nabasa rin akong short story sa Wattpad." Mas lalong kumunot ang mukha niya at lumingon sa akin. "What? Isang sikat na ML player nagbabasa ng wattpad? How?" Kapag ba ML player wala ng karapatan magbasa ng wattpad? Tumayo siya at pinatayo ako sa kinauupuan ko.

Umupo ako sa kama at humiga naman siya. "The day we met, Yung title." Tumingin siya sakin at naghihintay ng kasunod kong sasabihin. "And?" Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "ang moody mo." Oo nga no? Ang moody ko ngayon.

"Hindi lahat ng nasa libro yun na ang tunay ba kwento." Kinuha ko ung filipino book ko at tinuro sakanya ang picture ni Jose Rizal. "Malay mo naglalaro rin pala ng ML si Jose Rizal!" Pagamayabang ko sakanya pero pinitik niya lang ako sa tenga. "Aray!" Hinimas ko ang tenga ko sa sobrang sakit, grabe kasi mamitik!

"Wala pang ML sa panahon ni Rizal!" Galet na galet!? Saka Malay lang naman ang sabi ko diba? May sinabi ba akong naglalaro talaga si Rizal ng ML noon? Duh! "Unti nalang malalamon muna ako sa laki ng bibig mo!" Reklamo ko sa kanya kaya napatawa siya bigla. "Rawr" sabi noya habang nagpapa cute pero di naman siya cute, Yuck!

"Feeling cute!" Tinaasan niya ako ng isang kilay kaya ginaya ko siya pero di ko naman magawa, Pagtaas na ngalang ng kipay di ko pa magawa, tengene!

*Ting!*

A notification lang from wattpad kaya di ko muna pinansin. "Nakakausap mo pa ba si Noah?" Tanong ko kay Kevin kaya sumimanhot siya, napansin ko kasing hindi niya na nakakausap saka nakakasama si Noah. "Alam mo naman na gusto ka nun kaya di niya na ako kinausap kasi may tayo na." Gusto pala ako nun. Hindi naman sa ayaw ko si Noah pero parang ganon na nga. Mabait naman si Noah, Matalino din katulad ni Kevin pero mas favorite subject niya ung Math and Science.

"Puntahan natin siya bukas?" Ngiting tanong ko kay Kevin pero umiling lang siya. "Tulog ka na." Humiga ako pero tumayo siya kaya napa upo ulit ako. "Bakit?" Tanong niya sakin pero hinila ko lang yung braso niya, Senyas ko na sa tabi ko lang siya. "Hindi pwede, Respeto narin sa babae ang hindi pagtabi kapag hindi pa sila kasal." Naaalala ko pa yung kinwento niya sakin yan, Sobrang higpit noon ng Pilipinas.

"Kaya matulog kana mahal kong binibini."hinalikan niya ako sa noo kaya nag talukbong na ako ng kumot at natulog na.

*3:52*

Nagising ako bigla nang may kumumot ulit sa akin at nakita ko si Kevin kaya hinawakan ko ang kamay niya

"Dito ka please." Pagpapacute ko sakanya kaya pinagbigyan niya na ako ngayon. "Kevin---" grabe ang tahimik sa bahay nila. "Shhh, Tulog na." Grabe ang strikto naman, gantong oras ako naglalaro ng ML para walang cancer.

"Bukas na ang meeting de Avance." Weh!? Magpapakilala na pala kami, kinakabahan akp akala ko sa Friday pa yun, ngayon pala.

Tinignan ko ulit ung libro na nakapatong sa side table niya at dahan-dahang binuksan, Wala paring update ung story niya, nakakainis naman...

Tinry ko mag basa ulit ng wattpad pero chapter 2 palang tinatamad na ako.

Kuya Ko: Hoi! Isda! Bakit gising ka pang tilapia ka?

Nag pop up sa cp ko yung mukha ni kuya at ung message niya sakin.

Tilapiang Isda: Nagising lang po kuya.

Pinatay ko na ulit ung cp ko at dahan-dahang bumangon sa pagkakahiga ko. Nilibot ko ng tingin ang bahay nila pag kalabas ko ng kwarto ni Kevin.

Bago ang hagdan may maliit na table na puro pictures per mas naagaw ang pansin ko sa lalaki at babae na naka brace parehas, Kamukha ni Kevin ung lalaki at ung labi ng babae na medyo pouty, katulad kay kuya saka sakin.

"Yes?" Putong inire! Napatalon ako sa gupat ko nang may magsalita sa likod ko. "Bakit, gising ka pa?" Tanong sakin ni kuya Ash. "It's very impossible na makatakas sa yakap ni Kevin." He wiggled his eyebrows and it annoys me a little.

"Kahit ako nahihirapan tumakas kapag yakap ako niyan." Natatawa niyang sabi at biglang sumulpot ang bunso nilang kapatid. "Oh? Bakit nagising ka?" Tanong ni kuya Ash kay Amy na kinukusot pa ang mga mata.

"Nagugutom po ako." Natawa ako kasi parehas kaming nagugutom. "Tara kain tayo, marunong ako magluta." Nabuhayan siya at nagsisitalon nang sabihin kong sabay kaming kumain.

"I love it!" Bumaba kami sa hagdanan at dumeretso sa kusina na Island Kitchen.

Umupo siya sa upuan at pinapanood ako mag prepare ng mga gagamitin. "Kasali ka sa theater club, right?" Tanong ko sakanya kaya tumango siya sakin while hugging her teddy bear.

Actually malaki na siya medyo pa cute or isip bata lang, hindi siya special child ah! Ganyan lang talaga siya pero sabi ni Kevin may time daw na seryoso siya kaso pag ganun siya para hindi daw si si Amy. "Opo, Maldita ang role ko." Hinalo ko ang sibuyas sa itlong hinaluan ko din ng kamatis habang hinihintay uminit ung pan.

"Running for vice president ka diba, Ate?" Ngumiti ako pero nawala yun nang maisip ko na hindi ko pa nakikita ung timatakbong vice President sa kabilnag partylist. Dalawa lang kasi ant meron eh, dati ang alam ko tatlo ang partylist.

"Dont you know that kuya Kevin is running for Vice President too?" What!? Tatakbo rin siyang Vice president!? Ibig sabihin lahat ng boto ng mga babae sakanya.

Saka bakit di siya nagsasabi sakin? Kaya pala hindi siya agad dumeretso sa classroom.

"Shhh, ate ah." Kumunot ang noo ko nang sabi niyang secret lang. "Bakit naman?" Tanong ko sakanya at lumapit siya sa akin. "Surprise kasi yun ni kuya sayo." Suprise pala ha.

Maghanda ka Mr. Anderson...

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now