16

591 74 22
                                    

16 // truth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

16 // truth

>>

ISANG LINGGO PA ang nakalipas at malapit-lapit na rin ang sem break.

Nagpatuloy ang klase, ang mga tao, kaming lima, at wala nang practices o events o performances. Paminsan-minsan ay dumaraan ako sa tulay, pero hindi ko natatagpuan si Avery na bumabato sa ilog o nakadungaw sa railing, pinapanood ang paglubog ng araw.

Wala.

Parang bigla na lang siyang nawala nang wala kahit anong bakas. Wala siyang iniwan sa 'kin na kahit ano bukod sa mga alaala niya pati ang pink niyang laso.

Naalala ko kung paano sumayaw ang mahaba niyang buhok sa hangin. Ang brown niyang mga matang lumuluha. Ang ngiti niya sa tapat ng lumulubog na araw. Ang boses niya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.

Inis na inis ako sa pagiging duwagis ko. Sa mga oras na hindi ko siya hinabol. Sa mga oras na nakatayo lang ako habang pinapanood siyang maging malungkot.

Bago pa man ako makabawi, umalis siyang bigla at naiwan na lang akong nakalambitin sa ere. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin pero gusto kong dumating sa puntong kaya kong hawakan ang mga kamay niya at sabihing, "maayos na ang lahat".

--

MARAMI NANG PINAPAPASANG projects sa amin dahil matatapos na rin ang first quarter. Sa kwarto ko, punong-puno na ng colored papers pati printed research papers para sa iilang assignments. Ang nakakatawa, kahit hindi pumapasok si Avery, kada-deadline ay may pumupuntang lalaking naka-suit sa classroom para maipadala ang project niya. Maski ang mga group projects ginagawa niyang individual.

Tuwing may dumarating na kahit sinong kaugnay kay Avery, sinusubukan kong lapitan para kamustahin sa kanila si Avery pero hindi nila ako sinasagot. Kung madali lang sanang makausap sa Messenger si Avery, edi matagal ko na siyang m-in-essage doon, pero simula noong um-absent siya, hindi na siya nag-online sa kahit anong social media accounts niya.

Ngayon, nasa tambayan kami, kasalukuyang nagpo-procrastinate. Kami lang naman ni Paul at Kyle ang nandito dahil study hard ang motto ng dalawa.

"This is life," sabi ni Kyle saka uminom ng soft drink. "Without Santi means life."

Napatingin ako sa grounds. Break time namin ngayon at dapat nag-aaral na kami, pero wala akong ibang matinong magawa kundi umupo at tumingin sa mga tao.

Distracted kasi. Sabi ng iba para hindi ma-distract, nag-aaral sila. Hindi ko maintindihan kung paano nakakatanggal ng distraction ang pagre-review. Para sa 'kin kasi, ang mismong pagre-review ang distraction.

"Ano na kayang balak ni Avery," sabi ni Paul bigla. Napatingin ako sa kanya. Tinanguan niya ako. "May balita ka na ba sa kanya?"

Natawa ako. Paano ako magkakabalita sa kanya?

Her Name is Not Avery (Kyoku #1)Where stories live. Discover now