Chapter 1 - Troy Montejano

140 5 0
                                    

"I CAN'T believe you don't do girlfriends, Troy. Don't get me wrong. You're definitely hot and fuckable. But you don't look like the player type," maharot na sabi ng babae habang sumisimple ito ng paghimas sa kanyang dibdib. Nasa dulong booth sila ng bar at kahit yata mag-sex sila roon ay walang makakapansin sa kanilang dalawa.

Nagsisimula nang manikip ang pantalon niya. "How do I look, then?" Inangat niya ang baso ng alak.

"Hmm..." Bumaba ang kamay nito sa kanyang hita at nanigas ang buong katawan niya. Lustful heat started to gush through his veins. "Pang-matagalan. Pang-seryosohan. And someone who could make women go crazy overnight."

It sounded ironic to him and he wanted to laugh bitterly at that.

"Are you scared of commitment? 'Wag kang mag-alala, curious lang ako at wala akong balak mag-apply. I'm just here for fun," wika nitong muli. "Tell me why..."

Nilingon niya ang katabing babae na hindi niya maalala ang pangalan. Nilapitan lamang siya nito kanina nang mapansing mag-isa siyang umiinom sa sulok. The woman was attractive—or perhaps, the heavy makeup did the trick. Smokey eyes, fake long lashes, blood red lips—she was sexy though. Namimintog ang dibdib sa suot na red tube dress.

"I don't trust myself with women," malalim niyang sagot saka nilagok ang natitirang laman ng baso.

"Oohh, intriguing." Ibinaba ng babae ang zipper ng kanyang pantalon. Her eyes dropped to the huge bulge straining the front of his briefs. Man, he was definitely ready for some playtime tonight.

"But if you're the trouble, then why do you look like someone who just got dumped by a girl?" anito.

Kanina lang ay kausap niya sa telepono ang kaibigang hiningan niya ng pabor na magpahanap sa ina nila ni Jack. Sa Los Angeles na nakabase si Dino at nagkataong may kakilala itong private investigator doon. Ilang taon na ring sinusubukan ni Troy na kumalap ng impormasyon tungkol sa maaaring kinaroroonan ni Melissa Montejano sa kabila ng mariing pagtutol ni Jack.

"She's already dead, Troy. Stop looking for her!"

Troy wasn't that desperate to find their mother though. Nais lamang niyang pagbigyan ang batang bahagi ng kanyang sarili na nananatiling nakakapit sa alaala ng kanilang ina. All he needed was an answer to his lifelong question: Why didn't their mother take them with her?

Noong nakaraang dalawang taon lamang ay nakatanggap siya ng lead na matagal nang nangibang-bansa ang ina, at ayon sa kanyang source ay sa Amerika na ito ngayon nakatira—kasama ang Uncle Saul nila. Nasa kolehiyo na sila ng kapatid nang malaman nilang ang kakambal pala ng ama nila ang siyang tumangay sa kanilang ina noon.

"My P.I. lost the trace, Troy. I'm sorry. Mukhang madalas din kasi silang magpalit ng pangalan. But I'll keep you posted," pagbabalita ng kaibigan.

"I appreciate all your help, Dino. Thank you. Pero hindi ko na ipagpapatuloy ang paghahanap sa kanya. I think I need to stop from here."

"Are you sure?"

"Yeah."

Troy realized it was time to move on. "Ngayon ang death anniversary ng mom ko," sabi niya sa babae saka inalug-alog ang yelo sa baso.

Binawi ng babae ang kamay at napatuwid ito ng upo sa kanyang tabi. "I-I'm sorry. Uhm... I can leave if you want me to." Sympathetic ang anyo nito nang mag-angat muli ng tingin sa kanya pero mas lamang ang pagkadismayang bumalatay sa mukha nito.

Tumaas ang sulok ng bibig niya. Ibinaba niya ang baso sa mesa saka kinabig ang babae sa batok nito. "Or you can consider that as my lame trick to get into your pants. My mother's been dead for twenty three years now." Saka niya siniil ng gutom na halik ang mga labi nito.

DARK TEMPTATION [PUBLISHED by Bookware Publishing]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang