Chapter 5 - One Time

105 4 0
                                    

NASORPRESA si Troy nang madatnan si Alynna na naghihintay sa kanya sa parking lot. Nakasandal ito sa gilid ng hood ng kanyang kotse, nakayuko, at panay ang ayos sa bangs na mukhang ayaw na namang makisama sa mga daliri nito. Napangiti siya. Some women would never leave the house with a disheveled hair, some would be in a salon every two weeks or so. Pero si Alynna ay parang kinasanayan nang makipagbuno sa buhok nito araw-araw. He thought it was cute. Her beauty was natural anyway.

Unang kita pa lamang niya kay Alynna ay hindi na nito tinantanan ang isip niya. He was attracted to her. Mapupungay ang mga mata nitong pinarisan ng mahahabang pilik-mata, ang mga labi na kahit hindi lapatan ng liptstick ay natural na mapula at mapintog. Her delicate nose was perfect with her heart-shaped face. Her beauty reminded him of classic actresses and their erotic scenes. And yes, he had always wanted to fuck her. That night at the bar... he saw her there. Mula noon ay mas tumindi pa ang kagustuhan niyang maangkin ang babae. But he had some reservations.

"Ynna? Why are you here? Kanina pa ang out mo, 'di ba?" pormal na sabi niya nang makalapit dito. Something was different about her today, though. There was red shade on her lips... the dress she wore looked so classy and subtly seductive. Alynna had long and shapely legs. Kinailangan niyang pilitin ang sariling iwasan ito ng tingin kanina dahil kung hindi ay tiyak na mahihirapan siyang mag-concentrate sa trabaho.

Kumawala ang singhap sa bibig ng babae at napatuwid ang tayo pagkakita sa kanya. Inayos nito ang pagkakasukbit ng bag sa balikat. Sinarili niyang muli ang ngiti. Hindi niya pagsasawaang makita ang animo natatarantang anyo nito sa tuwing makakaharap siya. And even though she was trying hard to be cold this past week, he would still feel the edginess radiating from her body whenever he was near. That alone could turn him on. Gusto niyang ikulong sa kanyang mga bisig ang tensyonado nitong katawan, damhin ang lambot at init nito. He would touch every inch of her and he would make her shiver more.

"I was waiting for you," sagot nito at napako ang kanyang mga mata sa nakakaakit nitong mga labi. If Alynna just knew how torturous it was recalling their first kiss and wanting to do it again whenever he sees her...

Humakbang ito palapit sa kanya. Napamura siya sa isip nang malanghap ang nakaliliyo nitong pabango. Sweet and flowery. She reeked of innocence and seduction. Natutukso siyang hatakin ang babae at ilibing ang kanyang mukha sa gilid ng leeg nito. It had been so easy to control himself when Alynna was still dating other guys before. Mas madali noong hindi siya ang supervisor nito.

Alynna's chest heaved as she drew in a deep breath. Puno ng determinasyon ang mga mata nitong deretsong nakatingin sa kanya. "I want to sleep with you, Troy. At hindi na ako lasing ngayon."

That bold statement made his hard member pulsed. Alynna was not asking, she was giving him consent. Nanuyo ang lalamunan niya at nanigas ang kanyang kalamnan. Samu't saring imahe ang naglalaro sa kanyang isipan. He wanted to take her inside his car and rip her dress apart... taste her skin and fill her with his heated desire. Gusto niyang marinig ang ungol nito at ang pagsigaw sa pangalan niya.

But taking her could ring the bell for trouble. Things normally get complicated whenever he was with a woman. Troy stared darkly at her, his face as hard as steel. "Think twice before you say that, Ynna. You're too innocent for a man like me."

Her lips moved as if to draw a sneer. "I've been with the worst guys, you know that."

Kumuyom ang kamay niya sa hawak na susi ng sasakyan. He failed to stop his mind from summoning his grim memories: The dark corner of his past... the oath he shared with his brother... women slipping away from his clutch...

"I'm a danger," he warned in a low voice.

Alynna's lips parted and the words slipped from her mouth like an erotic whisper, "I'll take the risk."

DARK TEMPTATION [PUBLISHED by Bookware Publishing]Where stories live. Discover now