Chapter 4 - I Won't Sleep with You

102 2 0
                                    

"TOBY'S a fuckin' douche."

"I like his ass," she replied, matter-of-factly. Tinatablan na ng alcohol ang isip niya kaya't wala na siyang pakialam kung gaano ka-straightforward ang mga isinasagot niya.

Napatiim-bagang si Troy at iniwas ang mukha sa kanya. Nagbukas ito ng bagong beer at sunud-sunod na nilagok iyon. Pansin niya ang paninigas ng kalamnan nito na para bang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Nang matapos ay muli itong nagsalita, hindi pa rin ibinabalik ang tingin sa kanya. "He's only after sex."

"I know..." she almost whispered.

"Pero pumayag ka pa rin?" It sounded more like a statement.

"Sinabi ko na, I always look for a means of escape. I just need a companion, takbuhan sa tuwing gusto kong umalis ng bahay. Siguro naman napansing mong wala akong malalapit na kaibigan maliban kay Lanie. Madalas pang may sariling mundo ang isang 'yon."

"'Still doesn't mean na dapat ka nang makipagrelasyon sa lalaking katawan mo lang ang habol sa'yo. I'm not trying to be a hypocrite here, Ynna. It's just, I think you deserve a better arrangement than that." Bumaling itong muli sa kanya para lamang mapako ang mga mata nito sa kanyang dibdib. Aware siyang nag-loose na ang plunge line ng blouse niya kaya't nakasungaw na mula roon ang kapiraso ng lace bra niya. She could see the flicker on Troy's eyes, and his stare was burning through her skin.

Kunwari siyang nagtanggal ng bara sa lalamunan at umupo nang tuwid, fixing her blouse in the process. Aabot sana siya ng bagong beer pero inunahan siya ni Troy doon upang magprisintang buksan iyon para sa kanya. She felt electrified when his elbow touched hers.

"You know, I don't really mind it," sabi niya, pilit ibinabalik sa normal ang himig. "Wala rin namang lalaking nanliligaw sa 'kin nang seryoso. Madali silang ma-turn off sa sitwasyon ng pamilya ko. But I'm not really looking for a serious relationship, anyway. Wala akong pakialam kung para sa ibang tao, irrational ang paliwanag ko. Some may think na wala akong respeto sa sarili ko. But what the hell? I care more about saving my sanity than protecting my freakin' feminine dignity. Some people are just lucky not to live my life." Dere-deretso niyang ininom ang laman ng beer na iniabot sa kanya ng lalaki.

"I don't judge you, Ynna. Concerned lang ako sa'yo. In fact, I admire you a lot, you have no idea. You're different from most girls I've met," makahulugang pahayag ng lalaki at gusto niyang paniwalaan ang bawat salitang binitawan nito. Kahit kailan ay wala pang lalaking nagsabi sa kanya nang ganoon. For the first time in her life, she felt special and not broken.

"So what happened between you and Toby? Why did you break up?" tanong ni Troy kapagkuwan. Sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya.

"He said I was boring in bed," she murmured. Umawang ang mga labi niya at tumutok doon ang mga mata ng lalaki. Troy swallowed hard and she could hardly breathe. "Sa tingin mo, tama siya?"

Troy lowered his face to hers and he captured her lips. Napapikit siya at napasinghap. Sinalo ng lalaki ang kanyang mukha sa mga palad nito. Panaka-nakang dumidiin ang mga labi nito sa kanya, pero naroon ang pag-iingat. As if he was thinking that this was her first kiss and he didn't want to break her.

Alynna parted her lips wider, as if to shut Troy's hesitation down and urged him to kiss her more. She was inviting his tongue to fill her inside. His hand crept to the back of her head, running his fingers through her hair. Ang isang kamay ay naglakbay pahaplos sa malambot niyang leeg, his thumb circling over her throat. Bumaba iyon sa kanyang balikat, hanggang sa pumaikot sa ibabaw ng kanyang likod. Troy pressed her head towards him and he finally slipped his hot tongue through her wet lips. He plunged deeper into her mouth, tasting her. Nalalasahan din niya ang linamnam ng sandwich na kinain nila at ang tamis at pait ng beer na ininom nito.

DARK TEMPTATION [PUBLISHED by Bookware Publishing]Where stories live. Discover now