Chapter 7 - Man Wearing a Grey Jacket

108 4 2
                                    

ALYNNA decided to go. Wala naman siyang ibang plano nang araw na iyon kaya't naisipan niyang puntahan ang event. She also thought it was a perfect distraction. Sobrang miss na kasi niya si Troy. Bukod doon, curious siyang malaman kung sino ang nagpadala sa kanya ng ticket. Naisip niyang baka naroroon din ang taong iyon.

Matapos pumirma sa log book ay itinuro sa kanya ng receptionist ang entrance sa event hall ng museo na iyon. Gawa sa matibay na kahoy at well-polished ang mga sahig at dingding ng buong establisimyento. The ambience was native, vintage, and definitely historical. There were paintings on the wall, all depicting old Filipino tradition and culture. Sa bawat sulok ay may makikitang furnitures na madalas lamang niyang makita sa mga pelikula. Sandali rin niyang pinagmasdan ang isang estatwang nakasuot ng Traje de Mestiza. She couldn't help but imagine herself wearing one.

Na-overwhelm siya sa dami ng taong dinatnan sa loob ng event hall pero hindi naman niya naramdamang out-of-place siya. She wore a pale yellow sleeveless dress and a pair of white strapped heels. Kanina pa raw nagsimula ang event pero sa nakikita niya ay marami pang natitirang activities at lectures sa program list. Mayroong short play, auction, at film showing. May buffet table sa isang sulok na nagse-serve ng snacks at cocktail drinks.

Inilibot niya ang paningin sa mga framed photos na nakasabit sa pader. They were old pictures taken from World War II and from the events of the Japanese occupation in the Philippines. Naalala tuloy niya si Mr. Castańeda, ang paborito niyang propesor noong college. She remembered having a crush on him. Nang dahil dito kaya siya nahilig sa History kahit papaano.

Tumigil siya sa tapat ng litrato kung saan ipinapakita ang isang nakapanlulumong imahe ng Bataan Death March. Buhay na buhay ang larawan na animo nasasakihan niya ang eksena ngayon sa kanyang harapan.

"Tragic, isn't it?" sabi ng lalaking biglang tumabi sa kanya. Hindi niya makita ang mukha dahil natatakluban iyon ng hood ng suot nitong grey jacket. The man obviously didn't follow the dress code. "Puno ng karahasan at pagdurusa ang kasaysayan. You have racial and sexual discrimination. You have pain everywhere. Ang mga tao, hindi malaya."

"Ganoon pa rin naman ang mundo ngayon, 'di ba? Maybe not too dark like before, pero lahat ng nabanggit mo, nage-exist pa rin." She found herself voicing out her opinion to a stranger.

"Mas maraming malulungkot na alaala ang kasaysayan kesa sa kasalukuyan. Who would like that?" anitong nanatiling nakatitig sa larawan.

She hummed. "Nobody. Pero malaki ang papel ng kasaysayan sa kasalukuyan. History encouraged us to learn from the mistakes we did in the past and become better individuals. Better society."

"History repeats itself. Ang mga pagkakamali ay maaaring mangyari ulit. Parang isang sumpa na patuloy na humahabol sa'yo at kapag naabutan ka ay lalamunin ka na lang bigla. It will leave you no choice but to run an endless marathon. There will never be a finish line. Ang pwede mo lang gawin ay tanggalin ang mga harang sa daan." Napansin niya ang bahagyang paggalaw ng ulo nito sa direksyon niya. She caught a glimpse of the long strands of his hair and the shadow of his gloomy smile. Saka ito tumalikod at naglakad palayo sa kanya.

"Creepy," sambit niya saka nagpasyang ibaling na lamang ang pansin sa ibang larawang naroon. Napahinto siya sa tapat ng isang litrato ng pinasabog na US naval base sa Pearl Harbor. The giant smoke looked so terrifying.

"Tora! Tora! Tora!" Napapitlag siya nang makaramdam ng paghawak sa kanyang balikat. Pamilyar sa kanya ang boses. Pag-ikot niya ay tumambad sa kanya ang mukha ni Aldrin Castańeda. In-adjust nito ang suot na salamin saka ngumiti nang matamis sa kanya. May hawak-hawak itong libro na base sa pamagat ay tiyak niyang tungkol sa military history ng Pilipinas ang nilalaman.

DARK TEMPTATION [PUBLISHED by Bookware Publishing]Where stories live. Discover now