Chapter 6

40 5 0
                                    

Hindi kaagad nawala sa isip ko ang sinabi nina Asia. Ngunit nang maalala ko ang sitwasyon ng aking pamilya, mas nangibabaw ang lungkot ko.

Hindi ko kailanman inasahan na magagawa ni Mom ang ipagpalit kami. Bagaman lagi siya nasa kaibigan niya, hindi niya kami kinalilimutan. Ipinagluluto niya kami kapag nasa bahay siya. Ibinibilin niya rin ako kay Manang kapag wala siya. She asked me about my whereabouts from time to time. I remember her as someone who was always soft, kind, and caring.

May pagkukulang ba kami? May pagkukulang ba ako? Bakit niya kami pinagpalit?

Tumunog ang cellphone ko kaya bumangon ako sa pagkakahiga. Nag-indian sit ako sa ibabaw ng kama bago pinulot ang cellphone sa side table. It was a text from an unknown number.

From: 0905*******

Still awake?

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong ibang pinagbigyan ng number ko maliban kay Drei. Nagtipa ako ng sagot.

To: 0905*******

Hi, Drei! Is this your number?

Ilang minuto ay wala akong reply na natanggap. Baka nakatulog na. Hihiga na sana ako sa kama nang muling tumunog ang cellphone.

From: 0905*******

He has your number, huh?

Nagsalubong ang kilay ko. Hindi siya si Drei? Sino siya? At ano naman sa kaniya kung binigay ko ang number ko kay Drei. Umayos ako ng pwesto.

To: 0905*******

Who are you? Bakit hindi ka magpakilala?

I didn't get any reply after that tho.

Inayos ko na lang ang unan ko at humiga na sa kama. Marahil ay gaya lang iyon sa mga text na natatanggap ko sa mga unknown number na hindi nagpapakilala. Maybe, it's time to change my number?

I held tightly on my phone. I could definitely stop here, block the number, and have a peaceful sleep. Pwede namang hindi na ako magtext ulit, ngunit sa di malamang dahilan, pakiramdam ko may maliligtaan akong mahalagang bagay. Gaya ng ginawa ko sa mga dating nagtext, tinipa ko ang huling reply ko kapag hindi siya nagpakilala.

To: 0905*******

Tell me who you are honestly or else, I'm going to block your number.

Kapag hindi pa ako nakatanggap ng text hanggang bukas ng umaga, ibloblock ko na ang numerong ito. Pinatong ko na ang cellphone sa side table at humarap na sa kabilang side ng kama. Inaantok na ako kaya madali lang akong nakaidlip. Mababaw pa lang ang tulog ko nang maalimpungatan dahil sa pagtunog ng cellphone para sa isang text.

From: 0905*******

Sorry, hindi ako nakapagpakilala agad. This is Jhayven.

Kinusot ko ang mata dahil baka namamalikmata lang ako. I read the text over and over again, and I wasn't hallucinating.

To: 0905*******

Jhayven who? Is this a prank? Kung niloloko mo lang ako, stop it. Gonna block you rn.

From: 0905*******

This is Jhayven Fortesa. Can I call you?

Hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang nakita ko sa screen nang umalingawngaw sa loob ng kwarto ang ring tone ko.

You're the light, you're the night
You're the color of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much

Tumatawag siya. Nanginginig ang kamay kong pinulot ang cellphone at huminga nang malalim bago sinagot ang tawag.

"Hello." A familiar voice was on the other line. It was really him. He called me! Inayos ko ang sarili. May kumakawalang ngiti sa labi ko.

Young HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon