Chapter 29

38 4 0
                                    

Umalis ng madaling araw si Dad para tumungo sa Vigan. Pagkagising ko ng umaga ay hindi ko na siya nadatnan pero nag-iwan naman siya ng note sa ibabaw ng refrigerator na nagsasabing nakaalis na nga siya at hindi na niya ako ginising dahil mahimbing ang tulog ko. Mayroon din siyang ilang paalala.

Matapos mag-almusal ay nadatnan ko si Manong Raul sa may garahe. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa kotse. Nasa tabi niya si Ate Pauline.

"Manong Raul, paalis ang Señorita. Paano na po kaya?" Nag-aalalang tanong ni Ate Pauline. Napakamot sa ulo si Manong Raul.

"Kaya nga, Pauline. Akala ko ay maliit lang na problema sa makina."

Humakbang ako papalapit kaya naagaw ko ang atensyon nila. Mula sa pagkakakunot ng noo ay tumuwid si Manong Raul sa pagkakatayo.

Nilapitan ko sila. "Ano pong problema, Manong?"

"Ayaw umandar, Ma'am. Sinubukan ko pong ayusin pero hindi na kaya ng kaalaman ko. Ayos pa naman ito kanina. Naihatid ko pa nga si Manang Seli sa palengke at bumalik lang para ikaw naman ang ihatid ko. Iyon po ang utos ni Sir Aldrich na gawin ko bago siya umalis. Ngunit nang tingnan ko ang makina ngayon ay may problema na."

"Ano pong gagawin natin, Manong?" Problemadong sabi ko. Dala ni Daddy iyong isang sasakyan. Wala akong ibang magagamit.

"Kung ayos lang sa iyo Ma'am ay tutungo ako riyan sa malapit na mekaniko. Pero baka matagalan."

Sinilip ko ang relo ko. It's past 8 am. Naalala ko ang usapan namin ng mga kagrupo ko tungkol sa mga mahuhuli. Kung hindi ako makakarating sa tamang oras ay paniguradong apektado ang allowance ko.

"Sige, Manong."

Tumango siya sa akin at aligagang tumungo sa sinasabi niyang mekaniko.

"Ate, balik ka na po sa kusina."

Kumunot ang noo sa akin ni Ate Pauline pero hindi siya nagkomento pa. Tinungo nga niya ang kusina.

Ako naman ay umakyat patungo sa kwarto ko. Hinalungkat ko ang drawer. Laking pasasalamat ko nang makita ko agad ang hinahanap. Pinulot ko iyon pagkatapos ay isinunod ang helmet sa itaas ng cabinet. Bago lumabas ay isinukbit ko sa balikat ang aking sling bag at ipinuyod ang aking buhok na kanina ay nakalugay.

Sinundan ako ng tingin ni Ate Pauline na nasa kusina habang bumababa sa ikalawang palapag. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagtataka. Tipid lang akong ngumiti habang pinaglalaruan ang isang susi sa isang kamay at helmet sa kabila.

"Anong gagawin mo dyan?" Aniya at aligagang sinalubong ako sa baba ng hagdanan.

"I'll drive, Ate."

"Marunong kang magmotor?"

Hindi ko siya sinagot. Dire-diretso akong lumabas sa pintuan ng bahay kahit na nakasunod siya sa akin.

"Pero Graizelle, wala ka sa tamang edad para magdrive."

Tumawa ako. "Ano ba ang tamang edad, Ate?"

"18, at least."

"Then for me, it's my age."

Tinungo ko ang garahe at tinapik tapik ang isang motorsiklong nakaparada roon. "Hi, Witty!" Nakangising bati ko rito na tila nakakaintindi iyon.

That's her name.

"Graize, sigurado ka ba ryan? Magagalit si Sir Aldrich 'pag nalaman niya 'to. Delikado 'yan!"

Nilagay ko ang sling bag ko sa compartment ng motor. "No, Ate. Ako bahala. I know how to drive. Don't worry."

Sinuot ko ang helmet at laking pasasalamat ko na nagpantalon ako. I wore a simple faded jeans, a rubber shoes, and a white t-shirt. Mula sa gate ay nahagip ng paningin ko si Kuya Fred na nakatanaw sa amin ni Ate Pauline.

Young HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon