Chapter 18

53 6 0
                                    

"Bumalik na tayo sa cafeteria. Hindi ka pa kumakain," aya ni Drei matapos niya akong pangaralan tungkol sa ginawa komg pagtakbo. Sinilip niya ang kaniyang relo. "We still have 10 minutes left."

Napanguso ako nang hinila niya ako. Habang nagpapatianod sa hila niya ay sinulyapan ko ang tumunog kong phone. Nagtext si Petrina. Umuna na raw sila sa room at sumunod na lang daw kami ni Drei.

Napabuntong hininga ako. "Nasa room na sila Petrina, Drei. Tara na roon. Hindi na ako nagugutom."

Saglit niya akong sinulyapan. "Eat something first. Then, we'll go back."

Humaba na naman ang nguso ko at hinayaan siya. Nang makarating kami sa cafeteria ay naroon pa rin ang grupo nina Jhayven. Nagtama ang paningin namin pero agad ako umiwas.

Not this time.

Nilibot ko ang tingin sa cafeteria ngunit iniwasang magtama ang paningin namin ulit. Halos wala ng tao. Malamang dahil malapit na magbell para sa susunod na klase. Tumayo si Drei para umorder. Nagpapanggap akong naglalaro ng cellphone sa kamay ko pero ang totoo, nakikiramdam ako.

Napansin ko ang pagtayuan ng grupo nina Jhayven. Dadaan sila sa harapan ko dahil ang inukupa naming table ni Drei ay nasa bungad, malapit sa pintuan ng cafeteria.

Pinakalma ko ang sarili. Dadaan lamg sila. Pagkatapos noon, aalis na. Aalis na siya, Graizelle. Makakahinga ka na ulit nang maluwag.

Nakalampas na sa akin ang mga kasamahan ni Jhayven. Ngunit si Jhayven mismo ay tila nahuhuli sa mga kaibigan niya. Mabagal ang paghakbang niya. Laking pasasalamat ko nang dumating si Drei mula sa pag-order. Nakakunot ang noo niya bago umupo.

"Why is he staring at you?" Diretsong tanong ni Drei. Hindi bulong iyon. Tama lang para marinig ni Jhayven na dumadaan sa harapan namin. "This is my favorite food, Graizelle. Sa tingin ko ay magugustuhan mo rin ito."

Bumaling ang atensyon ko sa inorder ni Drei. Napalunok ako. Pancit Bihon. Masuri kong tiningnan ang pagkain na ikinalito ni Drei. 

"Why? Is there any problem?" Ngumiti ako at umiling. "Eat up."

Hinawakan ko ang tinidor at akmang gagalawin ang pagkain nang tumigil sa paglalakad si Jhayven. Napatigil rin ako sa ginagawa.

"You shouldn't eat that," Jhayven said suddenly while looking at me.

Nagsalubong ang kilay ni Drei. "What are you saying, bro? She needs to eat." Nagsukatan sila ng titig.

Bumaling sa akin si Jhayven. "Bawal ka ng hipon, diba?"

Napalunok ako. Paano niya nalaman?

Muli kong ginalaw ng tinidor ang pagkain. May hipon nga sa ilalim niyon. Tama si Jhayven.

"Allergic ka sa hipon?" Nabibiglang tanong ni Drei. Agad kong nakita sa mata niya ang pag-aalala. "I'm sorry. I didn't know."

Hinila niya palayo sa akin ang pinggan.

"Hindi. Okay lang... I-checheck ko naman muna talaga bago ko kainin."

"Sorry. Order na lang ako ng iba."

Hindi ko na napigilan si Drei nang tumayo siya para umorder ulit. Matapang kong sinalubong ang titig ni Jhayven. Tinaasan niya ako ng kilay bago humakbang paalis. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na allergic ako sa hipon.

Nang makabalik si Drei ay tahimik lang siya umupo dala ang bagong order na pagkain.

The next days became weird. Mas madalas ko na nakikita si Jhayven. Mas malimit ko rin siyang makasalubong simula noong nangyari sa cafeteria. Subalit tuwing nangyayari iyon, ako na agad ang nag-iiwas ng tingin. Hindi rin kami nag-uusap. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Young HeartWhere stories live. Discover now