Chapter 41

20 5 0
                                    

Tumahan na ako kahit mabigat pa rin ang loob dahil sa nalaman. Ni hindi man lang siya nagsabi na birthday niya pala. Ngunit sa huli, sarili ko pa rin ang sinisisi ko. Ako ang hindi nakaalala sa birthday niya.

"Ugh, wala man lang akong regalo!" Himutok ko.

Nagpatuloy na kami ni Jhayven sa paglalakad sa pathway. Halos katapat na namin ang Administration Building.

"Okay lang," pagpapakalma niya.

"Anong gusto mo?" Nag-isip ako ng mga pwedeng iregalo. "Relo? Damit? Perfume?"

Kumunot ang noo niya at umiling.

"Wala."

"Hala, wala sa mga sinabi ko? Anong gusto mo? Chocolates? Necklace--"

"Do you hear yourself?" Malamig niyang pagputol sa akin.

"Why? Wala ba roon? Ano bang gusto mo?"

His brows extremely furrowed. "Huwag na huwag kang gagastos para sa akin."

"Huh? Regalo naman e."

"I am not asking for it."

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya kaya tumigil din siya. Nasa mismong likuan na kami kung saan magkaiba ang daan patungo sa kaniya kaniya naming building.

"Hindi mo naman hiningi e. Kusa naman akong magbibigay," I argued.

"I won't accept gifts from you." 

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Dahil ayaw kong gagastos ka para sa akin."

"What? Come on, Daxon. Pabirthday naman e," I demanded.

Umiling siya. "Kahit na."

Nakailang pilit pa ako para sa kagustuhan kong magregalo pero ayaw niya talaga. Kung hindi ko lang siya kilala ay magdedesisyon akong bumili ng regalo kahit ayaw niya. Ngunit batay sa ugali niya, sa tingin ko'y, hindi niya rin iyon tatanggapin.

Masama pa rin ang loob ko hanggang maghiwalay kami para tahakin ang magkaibang daan.

Pagkarating na pagkarating ko sa classroom ay inusisa ko na agad ang aking mga kaibigan. They forgot about his birthday too. Sa pagkakaabala namin, hindi na namin nabigyang pansin iyon! Ni hindi man lang sakin pinaalala ni Jhayven.

Napailing-iling na lang ako. Minsan ay hindi ko talaga makuha ang takbo ng isip niya. Sa ilang buwan naming pagiging magkaibigan, medyo nakukuha ko na ang ugali niya ngunit hindi pa rin lubusan. Isa siyang misteryo na kahit kailan ay hindi ko na yata magagawang maresolba.

Gayunpaman, kasalanan ko pa rin. Kung hindi siguro ako nagreklamo na pagod na pagod na ako ay baka naisipan niya pang sabihin sa akin. After all, he waited for me that afternoon.

"Hindi tinuloy iyong simpleng handaan sa kanila. He cancelled it. Hindi ko nga alam kung bakit. Hindi ba nasabi sa'yo?" Pagkwekwento ni Ate Bloom sa telepono. "Ang balita ko, dumating yung mom niya."

"Hindi, Ate e. Kung hindi pa sasabihin ni Jhayven, hindi ko pa maaalala na birthday niya." Bumagsak ang balikat ko.

Ni hindi ko nga alam na birthday pala, e paano pa kaya iyong may pahanda pala siya? Kaya pala ganoon na lang ang pagkausap sa akin ni Manang sa palengke. Inasahan niya rin akong pupunta sa mansyon. Kaya lang, wala akong kaide-ideya. Ayaw pa tumanggap ni Jhayven ng regalo.

"Hey, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Ate Seanne nang makita palabas ako ng gym. Mayroon kaming practical sa P.E kaya naman pawisan na ako.

"Sa room. Naiwan ko 'yong tubig ko."

Young HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon