CHAPTER 27

23 2 0
                                    

KRYSTAL'S POV

Ayon! Nagka POV din ako dito 😂

Hi Everyone! 👋 Before anything else magpapakilala muna ako dahil maganda ako 😂.

I'm krystal Pineda, 18 years old at ako ang magandang bestfriend ni Zandy. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap, kung baga nasa middle class kami.

Yung tatay ko isang seaman at yung mama ko naman isang public teacher dito sa San Nicolas. Okay naman ang pamumuhay namin at sapat naman ang kinikita nila para mapag aral ang nag iisa nilang anak na maganda.

NBSB ako pero may gusto akong lalaki pero secret lang muna natin ha.

Mula pagkabata magkaibigan na kami ni Zandy. Ako ang tagapagtanggol nya sa tuwing may nambubully sakanya sa school. Subukan lang nila kantihin yung bestfriend ko makakatikim talaga sila saakin ng malutong na flying kick.

Over protective ako o should I say kami ni Yohan sakanya dahil na rin sa karamdaman na iniinda nya. Si Zandy ang klase ng tao na masayahin, hindi mo nga mababakas sakanya na may sakit sya dahil sa sobra nyang positive sa buhay.

Okay, tama na muna ang chika. Ito na pala ako ngayon pupuntahan ko ang maganda kong bestfriend. Namiss ko na sya eh, hindi na kasi kami madalas magsabay umuwi simula ng dumating si Llander sa buhay nya.

Masaya ako para sakanya dahil sa wakas bumalik na din ang love of her life at alam kong masaya sya ngayon kahit hindi man nya yun aminin ng tuluyan.

Napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ko si Yohan na nakatayo sa di kalayuan ko. Nakatalikod sya saakin kaya hindi nya ako kita. Tinignan ko kung sino ang tinitignan nya at napagtanto ko na si Llander at Zandy yun na naglalakad na palayo habang magkahawak kamay.

Nalulungkot ako para sakanya pero mas nalulungkot din ako para sa sarili ko. Tama kayo, si Yohan ang lalaking nagugustuhan ko. Ngunit alam kong si Zandy ang babaeng nagugustuhan nya.

Don't get me wrong, hindi ako galit kay zandy o may sama ng loob na tinatago sakanya dahil sa isang lalaki. Oo nagseselos ako kung minsan dahil sa ginagawa para sakanya ni Yohan pero alam ko naman na hindi nya kasalanan na magkagusto sakanya si Yohan. Pero sana saakin nalang sya nagkagusto para siguradong may sasalo sakanya. Kaso parang baliw naman si kupido mali yung napana nya.

Hindi ko din alam kung kelan ako nagsimulang magkagusto sakanya. Basta isang araw naramdaman ko nalang na nagugustuhan ko na sya. Sa simpleng asaran namin at sa araw araw na rin siguro na magkakasama kami kaya nahulog ako sakanya.

Pumihit sya paharap saakin kaya nakita nya ako.

"Oh krystal nanjan ka pala." -Yohan.

Ngumiti naman ako sakanya ng pilit.

"Ah-- pupuntahan ko sana si Zandy eh. Kaya lang mukhang may nauna ng sumundo sakanya." - Krystal.

Natahimik naman sya ng ilang saglit pagkatapos ngumiti sya saakin.

"Sige mauna na ako sayo." -Yohan.

Naglakad sya at nilagpasan ako ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko wag magsalita.

"Gusto mo sya?" -Krystal.

Humarap ako sakanya na ngayon nakatalikod saakin at napahinto sya sa paglalakad dahil sa sinabi ko.

"Hindi ko na pala kailangan itanong dahil obvious naman ang sagot." -Krystal.

Humarap sya saakin ng dahan dahan at kita ko ang lungkot sa mukha nya kaya nalungkot din ako.

"Buti ka pa nahalata mo pero sya hindi." -Yohan.

Lumakad ako patungo sakanya at tinignan ko sya.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang