CHAPTER 62

23 2 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Nailipat na po ang senyorita sa executive room." Pagrereport ni Jeric sa lalaking nakatalikod sakanya.

Hindi manlang sya nito nilingon at seryuso lamang na nakatingin sa malayo. Walang emosyon ang mukha nito ngunit mababakas sa mga mata nya ang sakit at lungkot na lumulukob sakanya.

"May iutos pa po ba kayo young master? "- Tanong muli dito ni Jeric.

"Iwan mo na ako." Malamig na tugon nito.

Napayuko na lamang si jeric pagkatapos tumalikod na ngunit bigla rin ito napalingon sa nakatalikod na binata.

"Sya nga po pala young master. Tumungo po ang mga kaibigan nyo sa rest house nyo sa tagaytay at nagtanong sila ng tungkol saiyo."- Jeric.

"May sinabi ka ba.?"- Llander.

"Wala po. Gaya ng iniutos nyo."- Jeric.

Hindi na ito muling sumagot at nanatiling tahimik.

"Aalis na po ako." Paalam dito ni Jeric saka tuluyan ng tumalikod at naglakad palayo. Samantala naiwan naman si Llander na may malalim na iniisip.

CARLO'S POV

"Mauuna na po ako." Paalam ni Jeric kina tita ng matapos mailipat si Zandy sa executive room. Mas malawak ito kumpara sa dati namin inukupa.

"Sige. Maraming salamat ulit."- Tito.

Tinanguan nya lang ang mga ito pagkatapos tuluyan ng nagpaalam. Nagsipuntahan naman silang lahat kay Zandy at masaya itong kinausap.

Habang busy silang lahat ay naisipan kong sundan si Jeric. Hindi ko alam kung bakit pero may tumutulak saakin na sundan sya. Para bang sinasabi ng puso ko na alam nya kung nasaan si Llander.

Dahan dahan ko sya sinundan ng hindi nya nalalaman. Hindi ko dinidikit ang sasakyan ko para hindi nya ako mahalata.

Pinasok nya ang sasakyan sa mansyon. Sa bahay mismo ni Llander. Napakunot noo na lamang ako dahil alam ko wala dito si Llander. Naisip ko na Baka nga wala sya alam.

Ilang minuto ako nanatili sa sasakyan ng mapagpasyahan kong pumasok nalang para muling magtanong. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan ko at sinilip ako ng gwardiya.

"Sir kayo pala." Nakangiting bati nito saakin.

Pinatuloy nya ang sasakyan ko at pinark ko iyon sa harap ng bahay niya. Bumaba ako ng sasakyan at dire diretsong pumasok ng bahay.

Sa may sala nakasalubong ko si Jennie na may mga dalang tinuping puting tuwalya. Nagulat ito ng makita ako.

"Carlo? " Gulat na naibulalas nito.

"Anong ginagawa mo dito? "- Dagdag pa nito ngunit hindi ko pinansin ang katanungan nya.

"Nasaan si Llander. ? Nandito ba sya?" Diretsang tanong ko sakanya. Kita ko ang pagkalito nito sa tanong ko marahil hindi nya iniexpect na kilala ko si Llander.

"Look, jennie wala ako panahon mag explain right now. Okay? Kailangan ko malaman kung nandito ba si Llander? Kailangan ko sya makausap."- Carlo.

"Ah -- Hmm. Kasi--"

"Jennie ano ba!" Hinawakan ko na sya sa magkabilang balikat at tinignan ng diretso. Natataranta na kasi ito kaya pakiramdam ko may alam sya kung nasaan si Llander.

"Sabihin mo na saakin kung nandito sya. Maawa ka kay Zandy."- Niyugyog ko ang mga balikat nya at nagmamakawaang tinignan sya.

"Hmm. Na-sa po-ol area sya." Pautal utal nitong saad saka itinuro ang direksyon ng pool.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now