CHAPTER 44

18 1 0
                                    

ERICKSON'S POV

Matapos ang huling exposure namin ay agad ako lumapit sa mga kaibigan ko at kina nanay.

"Anak." Sabay yakap saakin ni nanay ng makababa ako ng stage. Tuwang tuwa naman ako na niyakap sya pabalik. Ilang saglit lang ay humiwalay na saakin si nanay at nakangiti sya'ng hinawakan ang mukha ko.

"Ang galing galing mo kanina anak. Proud na proud ako sayo." Maluha luha nya'ng saad.

Ngumiti ako sakanya at inakbayan ko sya.

"Ginalingan ko po talaga para maging proud kayo."-Erickson.

"Oo nga Erickson ang galing galing mo kanina para ka ng artista. Andami mo ng fans."- Nakangiti saad naman ni krystal.

"Naku! Hindi ko naman iniisip yung fans fans na yan. Ang importante saakin nagawa ko ng maayos ang trabaho ko at nakaraos na din sa kaba."- Erickson.

"Mukhang wala naman kaming nakitang bakas ng kaba saiyo kanina dahil parang nag i'enjoy kana man sa paghuhubad sa stage." -Zandy.

Natawa naman ako sa sinabi nya. Yun pa talaga ang napansin nya.

"Ay oo nga anak! Bat ka naman naghubad? Ang sabi mo saakin walang hubad hubad. Kinabahan pa ako akala ko pati saluwal mo huhubarin mo na din."- Nanay.

Mas lalo akong natawa sa sinabi ni nanay.

"Nay! Part po yun ng show. Saka hindi naman po ako maghuhubad ng saluwal. Diba sabi nyo hindi pa naman tayo naghihirap kaya hindi ko pa kailangan ibenta ang katawan ko."- Erickson.

Kinurot ako ni nanay sa may tagiliran kaya napapihit ako habang natatawa.

"Ikaw bata ka puro ka kalokohan."- Nanay.

Nagtawanan at kwentuhan muna kami habang inaantay ang mommy ni Mica para formal na makapagpaalam. May kinakausap pa kasi siya at saka pinag aantay nya din ako.

"Oy pre! Paano una na ako. Next time ulit, baka magkrus ulit ang landas natin."- Bigla naman lapit saakin Joshua.

"Oh sige pre! Ingat. Ingat."- Nagkamay kaming dalawa at nagtapikan sa balikat. Nagpaalam din sya sa mga kasama ko bago tuluyang umalis.

Ilang saglit pa ang lumipas ng may lumapit saamin na isang bakla. Ito yung judge kanina kung hindi ako nagkakamali.

"Hi good evening. Mukhang nagkakasiyahan kayo.?"- Saad ng bagong dating na bading na umagaw sa atensyon ng lahat.

"Mommy shane??" Sabay na sabi ni Carlo at Enzo at tila nabigla pa.

"Carlo! Enzo!" Nagbeso ito sa dalawa. "Long time no see."-Dagdag pa nito.

"Yeah. It's been a long time. What are you doing here.?"- Carlo.

"Ah I'm one of the judges earlier." Tapos napatingin sya kay Llander.

"You don't tell them that I am here?"- Shane.

Napakibit balikat si Llander. "I forgot."

"I see. Teka,Sya ba yung sinasabi mo saakin kanina na kinakapatid mo?."- sabay turo saakin nung shane.

"Yeah." Tipid na sagot ni Llander.

Wow! Kinakapatid na ang tingin saakin ni Master?? Nice! Nice! Pakipot pa sya gusto nya rin pala ako maging kapatid.

"Oww! Perfect! Anyway."sabay tingin saakin ng shane. "I'm here to talk to you."

Napatigil ako at tinuro ko yung sarili ko.

"Ako po?"-Erickson.

"Oo. Ikaw nga."- Shane.

"bakit po?"-Erickson.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now