CHAPTER 42

16 0 0
                                    

ERICKSON'S POV

《 CANTEEN 》

"Guys! Sa darating na sabado manood kayo ng fashion week ha. Kasali doon si Erickson."- Mica.

"Wee? Seryuso?! Ayon yung nakapost sa plaza na dadaluhan ng mga sikat na designer diba.?! "-Krystal.

Tumango tango naman si Mica.

"Oo yun nga yun at sumali doon ang mommy ko at si Erickson ang napili nya'ng model na magsusuot ng gawa nya'ng damit. Saka dadaluhan din yun ng iba pang models na galing sa iba't ibang parte ng pinas. Kaya exciting yun, ang alam ko 15 company yung kasali."- Mica.

"Talaga ba?! As in?!"- Krystal.

"Oo. Kaya manood kayo at isupport natin si Erickson."- Nakangiting Saad ni Mica saka napatingin saakin.

Nandito kaming magkakaibigan sa canteen dahil lunch break. Wala naman sana ako balak ipaalam sa kanila yun bukod kay Master pero sinabi nya na eh, mga babae talaga.

"Wow naman Erickson! Iba ka na talaga!" Sabay tulak saakin ni Krystal at muntik pa ako mahulog sa kinauupuan ko buti nalang nakahawak ako sa gilid ng mesa dahil napalakas ang pagkakatulak nya. Hindi ko alam kung may galit saakin tong babaeng to o ganito lang talaga sya matuwa. Tsk.

"Dahan dahan naman ang pagtulak baka mahulog ako."- Erickson.

"Ay sorry sorry. Natuwa lang kasi ako masyado at saka sobrang gwapo mo na kasi." Nakangiti nya'ng sabi saka pumikit pikit pa. Hindi ko alam kung nagpapacute to o ano. 

"Kaya pala may kakaiba sayo ngayon maayos na ang itsura mo hindi ka na mukhang dugyot. "- Enzo.

"Makadugyot naman ito. Atleast si Erickson sinisikap nyang baguhin ang sarili nya!eh ikaw?! Mukhang wala kang balak i'improve yang sarili mo. Tignan mo nga parati kang nakakunot noo. Ikina pogi mo ba yan?"- Krystal.

"Tss!" Saad ni Enzo at inirapan nya si krystal.

"Ewan ko sayo!" Inis na saad ni krystal saka binalingan ako at ngumiti.

"Sobrang proud talaga ako sayo Erickson sa lahat ng achievements mo. Hayaan mo pagpunta ko doon magdadala ako ng banner para sayo at ichicheer kita ng bonggang bongga.!"- Krystal.

Natawa kami sa itsura ni Krystal mukhang sya pa ang excited rumampa kesa saakin.

"Tss! Napakabungangera." Bulong naman ni Enzo na sapat lang para marinig namin.

Kita ko naman ang pag iba ng awra ni Krystal sabay pihit nya palingon kay Enzo.

"Atleast ako marunong ako matuwa para sa achievement ng kaibigan ko. Ikaw? Wala kang puso.! Puro ka atay balun balunan!"- Krystal.

"Tumigil ka na!" Nagsasalubong ang kilay ni Enzo na hinarap si krystal at para naman natakot si krystal kaya tumahimik na ito at napasandal nalang sa upuan. Himala nga din at wala dito si Yohan. Ewan, pakiramdam ko nag away sila ni Krystal kasi hindi sila nagpapansinan.

"Tumigil na nga kayong dalawa sa kakabangayan. Ang sakit nyo sa tenga."- Si Llander na halatang iritado na habang nakaakbay kay Zandy.

"Basta ako susuporta kay Erickson. Go erickson! Itayo mo ang bandila ng San Nicolas."- Nakangiting sabi ni Zandy at tinaas pa ang kamay na parang nagchicheer.

"Hey!" Saway dito ni Llander.

"Oh bakit?"- Zandy.

"Bakit parang gusto mo na sya kesa saakin.?"- Llander.

"Pinapalakas ko lang naman ang loob ni Erickson para wag sya'ng kabahan doon sa show. Wag ka ng magselos."- Zandy.

"Hmmm. Kiss mo nalang ako para hindi na ako magselos."- sabay nguso nya.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن