one

4.1K 82 3
                                    

gumawa ng paraan si borj para makalusot kay lola seling at makasama kina JV sa gimik nila sa isang bar sa makati.. binigay ni lola seling ang susi kay borj upang hindi siya mapuyat sa paghihintay sa apo na ang buong akala nia ay sila roni, yuan, gelai, junjun, missy, at tonsy ang kasama ng apo kaya niya ito pinayagan.bumalik sa kwarto si borj upang kunin ang kaniyang sumbrero at saktong dumating sila roni at yuan hinanap si borj kay lola seling..

"borj, nandito na sila yuan at roni sinusundo ka na.." aniya ni lola seling

bumaba si borj at nagulat ng makita sina yuan at roni kaya hindi natuloy ang plano ni borj na pagsama kina JV sa gimik nila...

"borj, anu bang nangyayari sayo?" sabi ni roni

"oo nga borj bakit ba sumasama ka kila JV eh alam mo naman na mga bad influence yung mga un!.." sabi ni yuan

"alam mo pare, kila JV ko naranasan lahat ng mga gusto kong gawin, at hindi ko magawa yung mga ganung bagay kapag kayo ang kasama ko" aniya ni borj

"so anong ibig mong sabihin borj, hindi ka na masaya kasama kame?" -roni

"hindi naman sa ganun roni, talagang nagbabago lang siguro yung mga choices natin, yung mga gusto natin gawin, gusto ko lang siguro magkaroon ng ibang kaibigan maliban sa inyo" - borj
"kapag kayo ang kasama ko puro na lang problema ang punag uusapan natin, puro na lang love life, kayo masaya dahil may mga lovelife kayo pero ako, wala kaya minsan feeling ko out of place ako sa barkada.. alam niyo un.."

"pero pare hindi parin dahilan yun para sirain mo buhay mo, para pabayaan mo ang pag aaral mo, para iwanan kame na mga kaibigan mo simula pagkabata eh, magkakasma na tayo tapos biglang isang iglap ganyan ka na..." -yuan

"hayaan niyo na lang muna ako ok, gusto ko lang ienjoy ang buhay ko, ang kabataan ko..." sabi ni borj kay yuan at roni

"hay naku borj bahala ka choice mo yan eh, pero tandaan mo nandito parin kame na mga kaibigan mo kung sakaling magbago isip mo welcome ka parin sa barkada" sabi ni roni

at tuluyan ng iniwan ni roni si borj at ang kuya yuan niya na nag uusap...
tinapik ni yuan sa balikat si borj at wala na ding sinabi at agad na ding iniwan si borj...

napaisip si borj sa sinabi ng mga kaibigan, pero gusto parin niya maranasan ang tunay na enjoyment kasama ang barkada nila JV...

bumalik si borj sa loob ng bahay at hindi na umalis. sinarado na niya ang pinto ng bahay at umakyat na sa kwarto upang matulog na lang...

pagpasensyahan niyo na po ang kwento ko yan kasi tumatakbo sa isip ko na posibleng pwede mangyari sa gmik season 4...

update will be posted soon..

gmik season 4Where stories live. Discover now