five

1.5K 47 5
                                    

this is it...graduation day!!!!
masayang masaya at excited ang lahat para sa araw na ito lalo na sina yuan, junjun, tonsy, basti at epoy...sa sobrang kasiyahan ng buong barkada walang nakakaalam na nagyon din ang flight ni borj papuntang america..
walang ibang nakakaalam na pupunta si borj sa america upang doon na lang ipagpatuloy ang pag aaral niya maliban kina lolo at lola, tito charlie at tita marite...nakiusap si borj sa parents nila yuan na wag sasabihin kina yuan na pupunta na siya sa america at siya na lang mismo ang magsasabi at magpapaalam sa mga kaibigan pero dahil sa nakita ni borj nawalan siya ng gana magpaalam sa mga kaibigan...

"borj halika na at baka matraffic tayo papunta sa airport" tawag ni lolo

"lo, pwede po ba akong makiusap kahit ngayon lang po sana payagan niyo ako ni lola.."
"anu ba yun, apo??"
"pwede po bang sumilip ako saglit sa graduation rites nila yuan??"
"promise po lo, saglit lang po talaga ako.."dugtong na pakiusap ni borj...

nagkatinginan sina lolo at lola dahil sa pakiusap ni borj..

"sige dadaan tayo pero saglit ka lang borj ah sobrang traffic papunta sa airport!!" pagpayag na sagot ni lolo miong..
"salamat po lo!!." nakangiting sagot ni borj

nakangiti man si borj sa harap ng lolo at lola niya pero alam niya sa sarili niya na hindi siya masaya sa mga nangyari.. hindi siya masaya dahil iiwanan niya ang buong barkada ng walang paalam, iiwanan niya si roni na hindi manlang niya naipaglaban ang pagmamahal niya para sa kaibigan...mabigat man sa loob ni borj pero ito lang ang alam nilang lahat na makakabuti para sa kaniya...

AT THE SCHOOL...
pumasok si borj sa auditorium kung saan ginaganap ang graduation rites ng mga kaibigan..walang nakakita kay borj..






nagsisimula na ang ceremony nagmamartsya na ang mga magsisipagtapos...masaya na nakaka-kaba ang mga nangyayari sa loob ng auditorium... sa isip ni borj sana ako din kasama nila jan pero dahil sa pagpapabaya niya hindi siya nakasama sa araw na ito....

nakapasok na lahat ng magsisipagtapos..
nanatiling nakatayo ang lahat para sa pambansang awit..


pagkatapos ng pambansang awit sinundan ng doxology...

nakakatouch ang awit na iyon na tumatagos sa puso ng lahat ng tao na nasa auditorium...pati kay borj ramdam na ramdam niya ang bawat linya sa awitin ng doxology...

tinawag na isa isa ang mga pangalan ng magsisipagtapos...

antonio rodriguez- with the highest honors
jefferson ocampo- with high honors
juanito salcedo- with high honors
justin dela cruz- with high honors
sebastian bautista- with honors

ang sarap pakinggan na tawagin ang pangalan nila na may karangalan na nakamit bunga ng pagsisikap nila sa pag aaral, ramdam na ramdam ni borj ang panghihinayang, kaya hindi na siya nagtagal pa at lumabas na sa auditorium at naglakad papunta sa sasakyan na naghihintay sila lolo at lola..

"borj nakapagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo??" tanong ni lolo

"o—-opo lo," nauutal na sagot ni borj

gmik season 4Where stories live. Discover now