three

1.6K 47 0
                                    

gabi na pero si borj kasama prin ang barkada nila JV tuloy parin sila sa inuman, kasiyahan, party...hindi iniisip ni borj lahat ng dapat niyang ipasa na mga requirements...
madaling araw na ng makauwi si borj buti na lang dala niya ang susi ng bahay nila kaya hindi namalayan ng lola niya ang oras ng paguwi niya...
sa sofa na lang nakatulog si borj at hindi na rin nakapagbihis ng damit dahil sa sobrang kalasingan nito...
halos dalawang oras pa lang natutulog si borj ay ginising na siya ni lola seling upang maghanda sa pagpasok niya..

"borj gising na jan, bakit ba jan ka natulog at hindi ka na umakyat sa kwarto mo, hindi ka na din nakapagbihis ng damit mo.. anong oras ka ba umuwi kagabi ha..?" pagtatanong ni lola seling sa apo habang tinatapik si borj upang magising na ito..

walang choice si borj kaya kahit antok na antok pa siya ay bumangon na at kumilos upang hindi mahalata ng lola niya na halos kakauwi at kakatulog pa lang niya..

"sige po lola akyat lang po ako sa kwarto para maligo susunod na po ako sa inyo mag almusal.." sabi ni borj

"bilisan mo ha baka mahuli ka sa klase.." -lola
"opo la.." -borj

SALCEDO'S RESIDENCE

" yuan, roni, breakfast is ready!!" sigaw ng mommy nila

"opo ma, pababa na po.." sagot naman ni roni at yuan....

"yuan natapos mo ba lahat ng school requirements mo tatlong linggo na lang graduation niyo na..? " tanong ng mommy niya

"opo ma, ako pa siyempre gusto ko makasama mag martya sa graduation noh.." mayabang na sagot ni yuan pero may halong biro

"buti naman, aba anak matagal din naming hinintay ang graduation day mo noh kaya dapat talagang kasama ka sa mga magmartya dahil kung hindi mag martya ka sa kangkungan.." singit na sagot ng daddy nia

" oo nga kuya!" sagot din ni roni

tatlong linggo na lang graduation na nila yuan, basti, junjun, tonsy, epoy, at borj (crossfinger)

ngayong araw na ito ipapaskil ang mga names ng mga students na kasama sa graduation...

iniisip ni yuan paano si borj mukhang malabong makasama ang pangalan niya sa lists of graduates dahil sa hindi nito pagpasok at pagpasa ng mga requirements paano kapag nalaman nila lolo at lola..?

nasa school na ang buong barkada at halos lahat excited na malaman o makita ang mga names ng mga magsisipagtapos sa senior high school... present si borj pero hindi nakakaramdam ng excitement dahil sa puyat pa ito at masakit ang ulo dahil sa hang over, pero hindi niya ito pinapahalata sa mga kaibigan..

"borj buti naman nakita ka din namin, kamusta na ba parang 10 taon na tayo hindi nagkita ah?." pabirong sabi ni basti habang nakaakbay kay roni

hindi sumagot si borj nagkatinginan lang sila ni roni pero hindi napansin ni basti iyon. alam ni borj sa mga tingin ni roni na galit parin ito sa kanya dahil halos hindi siya pinapansin at kinakausap ni roni.

the moment of truth!

napaskil na ang lists of candidates for graduation..

tuwang tuwa sila roni, jelai, at missy dahil nakita nila ang pangalan nila yuan, basti, junjun, at tonsy sa lists... nakakuha pa sila ng flying colors!!

"wow congrats sa mga boys natin kasama sila sa magsisipagtapos ng senior highschool at may mga flying colors pa (nakukuha ang flying color ng mga with high honors na student lamang! )" masayang banggit ni jelai..

"o sis bakit malungkot ka? hindi ka ba masaya kasi kasama ang kuya mo sa lists.." tanong ni jelai
"masaya ako para kay kuya pati sa kanilang lahat dahil finally after all the hardworks and efforts nila sa pag aaral eh eto na gaduate na sila in a few weeks" sagot ni roni kay jelai..
"pero bakit ganyan mukha mo?"-jelai
"sis hindi niyo ba napansin wala ang pangalan ni borj sa mga gagraduate"- roni
" alam ko, pero sis alam naman natin ang dahilan kung bakit wala ang pangalan ni borj dun di ba.." -missy
"paano kaya sasabihin ni borj kay lolo at lola iyon?" pagtataka ni roni..

gmik season 4Where stories live. Discover now