two

2.3K 43 1
                                    

pagkauwi ni roni sa bahay nila kitang kita sa mukha niya ang pagkainis kay borj dahil sa mga sinabi nito..dumeretso na lang si roni sa kanyang kwarto at humiga habang tumatakbo sa isip niya lahat ng sinabi ni borj..
"bakit kaya ganun sinabi ni borj??"
"sana wag siyang mapahamak sa mga kaibigang pinili niyang samahan"

hay naku bahala nga sya...

kinuha ni roni ang telepono at tinawagan na lang si basti upang kamustahin kung nakauwi ba ito ng maayos..
"hello beb, nakauwi ka ba ng maayos?" sabi ni roni
"oo naman beb kakarating ko lang din eh" sabi ni basti sa kabilang linya.
"kamusta si borj nakausap niyo ba ng kuya mo?"
"ano balita kay borj?"

"hay naku beb nakakainis si borj kasi mas gusto daw niya sumama ngayon kina JV kasi mas masaya daw siya kapag kasama niya ung mga taong yun, alam mo ba beb sabi pa ni borj hayaan na lang daw muna natin siya dahil nag eenjoy lang daw siya sa mga ginagawa niya at medjo naboboring na daw siya sa barkada natin"..

"hayaan muna natin si borj beb, " sagot ni basti.

"sige na magpahinga ka na beb, maaga pa pasok natin bukas, goodnight beb, i love you..😘" -basti

"sige goodnight na din beb, i love you, too 😘" sagot naman ni roni... at agad na niya binaba ang telepono

KINAUMAGAHAN————

naka handa na si roni sa pagpasok sa eskwelahan, bumababa na siya sa kwarto upang mag almusal..
"goodmorning anak, bati ng mommy niya"
"goodmorning mommy sabay halik sa pisngi ng kanyang mommy.."
"umupo ka na diyan at mag breakfast na tayo"-tita marite

"dad, yuan, ready na ang breakfast halina kayo dito" pagtawag niya..
"coming ma"..tumatakbong pagbaba ni yuan galing sa kaniyang kwarto.
lumabas na din sa kwarto si tito charlie.
"goodmorning mga anak" bati ni tito charlie
"goodmorning dad" sagot naman ni yuan at roni

"sige na at kumain na tayo baka ma-traffic pa tayo sa kalsada at mahuli pa kayo sa klase"...sabi ng kanilang mommy..

pagkatapos nila kumain ng almusal, tumayo na sila yuan, roni, at ang daddy nila upang magpaalam na sa kanilang mommy...

"bye ma", sabi nila yuan at roni sabay halik sa pisngi niya....
"mag iingat mga anak ha, aral ng mabuti..."
"yuan ang kapatid mo ha, bantayan mo"
"yes ma", sagot naman ni yuan
"bye dad", ingat sa pagmamaneho ha...paalala niya...

at tuluyan ng nakaalis ang mag aama...

sa sasakyan napansin ng daddy nila yuan at roni na parang ang tahimik ni roni..

"anak, roni napansin ko bakit parang ang tahimik mo yata?" may problema ba anak?"

"wala po dad, ok lang po ako" sagot naman ni roni..
pero alam ni yuan na tumatakbo sa isip ni roni lahat ng sinabi ni borj kagabi, hindi na lang sumagot sa usapan si yuan at nanahimik na lang din..

"sa wakas nakarating din tayo sa eskwelahan niyo"-daddy

"sige na mga anak mawalang galang na sa inyo magsibaba na kayo" pabirong sabi ng kanila daddy

"dad", nakasimangot na sagot ni roni..

"pinapatawa lang kita anak, pero lalo ka sumimangot" patawang sagot ng kaniyang daddy..
"pumasok na kayo, bye mga anak enjoy.." paalala ng kanilang daddy

"ingat dad" paalala naman ng magkapatid
nakaalis na ang sasakyan at papasok na din sila roni at yuan ng makasabay nila si borj sa gate..

"yuan pare, musta?" bati ni borj
"ok lang" sagot naman ni yuan pero bakas sa mukha nito ang pagkainis kay borj..
hindi na binati ni borj si roni dahil alam niya galit ito sa kanya dahil sa paguusap nila kagabi..habang naglalakad sila nakita ni borj ang grupo nila JV...

gmik season 4Where stories live. Discover now