thirteen

1.3K 44 8
                                    

"anu borj kelan ka ba babalik dito sa pinas..?" tanong ni yuan

"soon pare..!!"
"mas maganda yung surprise di ba para lahat kayo magulat hahahaha..." sagot ni borj

"pare kamusta na si roni..?" pag iiba ni borj sa usapan

"teka tatawagin ko si roni para makapag usap din kayo..." sabi ni yuan

"wag na muna pare nahihiya ako kay roni eh, hindi ko pa alam kung paano magpapaliwanag sa kanya, sigurado galit pa sakin kapatid mo, alam mo naman kung paano magalit at magtampo si roni di ba pre.."
"next time kapag ready na ako tatawag ako ulit at kakausapin ko na si roni."- borj

maliban sa pangungumusta ni borj kay roni hindi na niya tinanong si yuan kung kamusta na sila ni basti, hindi din naman nasabi o nabanggit ni yuan na matagal ng tapos ang realsyon nila ni basti

"alam mo borj si roni ganun pa din masungit..!"- yuan

"hindi naman pre..grabe kay roni kapatid mo kaya yun.." -borj

"borj parang hindi mo naman kilala si roni di ba walang nagbago sa kanya ganun na ganun parin.."- yuan

"ahhm-mm panu ba yan yuan medjo mahal na babayaran ni mommy sa long distance call ko.. happy birthday na lang ulit pare..!"
"yung gift ko pag umuwi na lang ako jan.."
"ikamusta mo na lang ako sa buong barkada ha, miss ko na kayong lahat jan.."- sabi ni borj kay yuan

"i understand borj, sige kapag may time tawag tawag ka ulit ha.."
"ingat ka jan pareng borj!!"- yuan

call ended

masayang masaya si yuan ngayong birthday niya dahil nakausap na niya ang bestfriend at kumpleto pa ang mga mahal niya sa buhay.. bumababa na si yuan at nakipag party sa mga kaibigan

niyakap ni yuan si missy upang magpasalamat sa sorpresa para sa kanya ..

"thank you missy sobrang napasaya mo ako today.."
" i love you missy!!"bulong ni yuan

"basta para sayo honeybunch everything is possible..!" sabay ganti ng yakap si missy kay yuan

sa isang banda habang nakaupo sila jelai, junjun, epoy, at roni napapaisip si roni kung ano pinagusapan ni borj at ng kuya niya.. sobrang namiss ni roni ang boses ni borj na parang nakarecord sa utak niya..napakalambing pa rin ng boses ni borj at napaka gentleman pakinggan..

"ano ba yan hindi maalis sa isip ko si borj.."
"pero bakit hindi manlang niya ako kinausap..?"
"galit kaya sakin si borj..?"
tanong ni roni sa sarili

"hay naku borj kung alam mo lang sobrang miss na miss na kita.."
"sana pwede ibalik yung time na nanliligaw ka pa sakin at ikaw na lang ang sinagot ko hindi si basti kasi alam kong hindi mo ako sasaktan kagaya ng ginawa ni basti.."panghihinayang ni roni habang kinakausap ang sariling isip..

"hoy sis tulala ka jan ok lang ba?"
"gutom ka na yata eh gusto mo kuha kita ng foods.."concerned na sabi ni jelai habang nakaupo at naka sandal kay junjun

"ha-h ok lang ako sis may bigla lang pumasok sa isip ko.." sagot naman ni roni

"sino!??"
"si borj yan noh.."pang aasar ni jelai

alam ni roni na wala siyang maitatagong sikreto kay jelai..kilalang kila siya nito dahil mula pagkabata alam ni jelai na si borj lang nagpapagulo ng isip nito..

"naku sis mamaya na tayo magusap, ok!!"
"enjoy mo muna moment niyo ni junjun at ok lang ako.." sabi ni roni

"ikaw bahala, tawagin mo lang ako kapag ready ka na magkwento ha.."sambit naman ni jelai

gmik season 4Where stories live. Discover now