Chapter 30

967 11 0
                                    

[Trixie’s POV]

15 minutes na syang late. Actually, 30 na nga e. Kasi 15 minutes late din ako. Kaso nga di ba sabi don’t come later than late. Hay ! Filipino Time nga naman.

in the count of 10 aalis na talaga ako. Ayoko pa naman sa lahat naghihintay .

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

hay„ sige isa pa . pag wala talaga…

“ui, Trixie. Sorry may mga inayos pa kasi ako e” sinabi niya habang naghahabol pa sya ng hininga. Halatang nagmadali sya.

“ilang toro ba humabol sayo at ganyan ka hingalin? Don’t worry, libre lang oxygen. walang bayad Hinga lang. “

hinihingal pa din sya at nagpupunas ng pawis sa mukha. Anu kayang ginawa nito at ganyan yang itsura niya? Well injerness to him, ang formal nya tignan ha. Mas lalo syang gumwapo sa porma niya ngayon.

“what? May dumi ba ko sa mukha?”

ay anak ng tuko! Nakakatitig na pala ko sa kanya. 

“ah. Wala.. wala.. Anu kasi, ngayon lang kita nakitang nakapormal attire. Halatang bigtime na ah. Sana naman sinabi mong ganyan yung damit mo, tignan mo oh. Mukha akong julalay dito e.”

“may ganyan bang kagandang julalay?” Christian deserves a clap clap here with matching confetti.

“ok change topic. Alam kong maganda ako. Pero bakit mo ba ko pinapunta dito?” bigla na lang kasi siyang tumawag sakin kaninang umaga. Hindi nya lang alam kung anu yung sinira niya. Sinira lang naman niya yung maganda kong panaginip. Psh!

“ah.yun ba? Kasi I got my first job.” nakangiti niyang sabi at winave yung folder na nasa harap niya.

“oh really? Good for you. Libre naman dyan. Burger. Burger . Burger” pang-aasar ko sa kanya.

“e burger lang naman pala gusto mo e. Tara labas na tayo dito” akmang tatayo na si Chan nung hinawakan ko sya.

“teka! Wala ka namang sinabi na dito tayo kakain e.” 

Kung burger o pagkain sa mamamahaling resturant, syempre dito na ko sa resturant. Haha. Libre lang naman e. Opportunity knocks the door once.

Umorder na si Chan. Masarap daw yung inorder niya kaya yun na lang inorder ko.

Habang hinihintay namin yung pagkain, one question hit my head.

“chan. Ano pa lang pangalan ng pinagtatrabuhan mo?”

“secret. Basta, somewhere in Ilocos”

ilocos? Tama ba yung rinig ko at basa nyo? Ilocos talaga?

“ilocos? San mo naman napulot yang trabaho na yan? Madami namang job opportunities dito sa Manila ah? Kung yung mga di nga college graduate, nakakakuha ng trabaho, bakit ikaw hindi?” di ko maiwasan malungkot sa sinabi nya. Bakit naman kasi ganun.

“trixie chill! One year lang ako dun. Mapilit kasi si Seth e. Sa kanya kasi inoffer yung job. E hindi sya pwede. So ako na lang. Alam mo naman, malaki utang na loob ko kila Seth. Tska, soul searching na din. Oh diba? Hitting two birds in one stone.”

“soul searching? What for?” ano nanaman kayang drama nitong lalaking to? May pa soul searching echeng echeng pa.

“that’s why I asked you for lunch” 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now