Chapter 33

761 9 0
                                    

[Monica's POV]

ugh! Nakakapagod ! Humiga ako sa kama na hindi man lang nagpapalit. Nagtanggal lang ako ng sapatos at nagsimula ng yakapin ang kama ko. Oh! Mr. Bed, no one comforts me like you do. 

(っ◕‿◕)っ

Totoo nga sigurong 'an idle mind, is Satan's favorite playground' naalala ko nanaman kasi si Seth.  yung impaktong yun. ginawa na atang tambayan yung utak ko. Alis alis. shoo shoo.

Pagkatapos nung nangyari sa resturant di na kami nag-usap ulit. Abnormal na yun! Akala siguro apektado pa rin ako sa kanila ni Trixie. Di nga ba Monica? Ugh! Oo na apektado pa rin pero syempre, let's deal with that friends. Trixie is not bad afterall. Actually she's a good catch. Weird nga lang sya ng konti. 

Haay naku! I need to keep myself busy. Baka mapagod silang dalawa kakatakbo sa isip ko.

Binuksan ko yung netbook ko at sinaksak yung broadband. 

Enter e-mail

enter password

click log-in.

4 friend request

2 messages

37 notifications

inuna ko ng buksan yung messages na galing lang naman sa mga kaibigan ko saying they miss me and such.

Sunod yung friend request.

Tatlo galing sa mga taong hindi ko alam kung pano nakita yung profile ko at isa ..

Galing kay Ben10. (♥♥,) 

Natawa ako sa profile picture niya. Hahahaha. Ben10? What the. Hahahaha. Parang bata lang.

Ki-nlick ko yung profile picture niya kaya lumabas yung buong profile nya. Kaso wala akong napala. Napaka pribado pala nitong si Ben10. Hahaha. Shet! Ang sakit na ng tyan ko kakatawa.

Pinindot ko na lang yung respond to friend request ng accept sabay alis sa profile niya.

Wait! Di na pala ako updated sa Take Two. Basa basa muna.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mga napansin kong gumagalaw sa taas ng screen. Kung google chrome user ka, maiintindihan mo yung sinasabi ko.

Seth Hermosilla sent you a message

omoo ~ naisipan ni Ben10 magmessage. <(^,^)> 

Seth Hermosilla:

hey!

Monica Cabrera:

hi Ben10 :)

Seth Hermosilla:

not funny miss.

Monica Cabrera:

ops! Mister. Di ka ata nasabihan na bawal masungit sa chatbox ko. You're violating the rule.

Seth Hermosilla:

i'm not. Di ko naman alam na may ganyang rule ka pala.

Monica Cabrera:

ignorance of the law excuses no one.

Seth Hermosilla:

lame quotation.

Monica Cabrera:

second offense mister. :) pag third na may punishment na.

Seth Hermosilla:

anung punishment?

Ano nga kayang punishment? Uhmmm.. Pwede kayang leave Trixie and love me? Haha. Charot.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang