Chapter 37

905 13 0
                                    

"trixie, gising na"

eh! Ayoko pa. Gusto ko pang matulog. Istorbo to.

Umikot ako sa isang side at nagtalukbong ng kumot.

"trixie, ano ba! Gumising ka na. Malelate na tayo" niyuyugyog na niya ngayon yung balikat ko.

Please, five minutes! Just five minutes.

But he didn't stop bothering me. Kainis to! Ano bang  hindi niya maintindihan sa salitang five minutes.

Limang minutong katahimikan lang please.

I was about to go to dream land again ng maramdaman kong hindi na maramdaman ng likod ko yung kama. At ang bango bango ng naaamoy ako.

Uwaaa!! Kinikidnap ako ng mga alien!! Shet! Alien abduction. Kala ko ba sabi ni Eros Atalia, wala pang closure yun? Don't tell me, napatunayan ng totoo yun at kinukuha na nila ko.

Binuksan ko yung mata ko at imbis na pangit na alien ang makita ko, isang mala-Adonis na mukha ang nakita ko.

"WAAAA!! IBABA MO KO!! SISIGAW AKO NG RAPE!!" kinawag kawag ko yung paa at kamay ko.

"ANO BAA!! . ETO NA NGA EH." binaba niya ko ng malakas sa kama. 

Awww. =___= ang sakit po kaya nun kahit malambot tong kama. 

"tch! Tignan mo tong ginawa mo. Nakalukot na tuloy" pinlantsa nya pa yung damit niya gamit yung palad niya.

Ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala siya. At ang gwapo gwapo gwapo gwapo niyaaa. ~ *u*

"kasalanan ko pa ngayon? Eh bakit mo kasi ako binuhat"

"bakit sa tingin mo kung di ko ginawa yun, magigising ka? Tch! Tulog mantika."

sasagot pa sana ako nung biglang nag ring yung cellphone ko.

"hello Monica?"

"oy sori ako aga ko ba masyado? Kasi kakatawag lang ni chief. Yung files daw na finorward kay Zeke last week, kailangan na ngayon."

halaa. Tapos ko na yun pero nasa bahay.

"kailangan na talaga? As in talagang talaga?"

"yeah. Sorry. Ano panu natin to sosolusyunan?" sa boses ni Monica parang talagang urgent yung utos ng chief nila.

"actually, tapos ko na yun. Ganito na lang. Punta ka na lang sa bahay. Punta ka sa kwarto ko at kunin mo dun sa side table yung folder"

"ah ok gets"

"tatawagan ko na lang si Mama para sabihin na pupunta ka ha. Sige babye"

sunod ko namang tinawagan si Mama para sabihin na pupunta dun si Monica. Baka kasi hindi niya papasukin yun. Bagong mukha e.

"ayusin mo na sarili mo. One hour na lang magstart na yung confe"

dumiretso na ko sa cr at naligo. Pagkatapos dun na ko sa loob ng cr nagbihis. 

Habang inaayos ko yung sarili ko sa salamin, bigla siyang sumulpot sa likod ko.

"ganyan lang yung buhok mo?"

"anong masama sa buhok ko? Oo ilulugay ko lang."

umiling lang sya sakin at kinuha yung blower na hawak ko.

At

sinimulan niyang patuyuin yung buhok ko.

"ako na."

"wag kang malikot"

nakaupo lang ako sa upuan habang siya pinapatuyo yung buhok ko. Buti na lang. Kasi kung nakatayo ako, baka kanina pa ko nabuwal sa kinatatayuan ko.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now